LALAYO NALANG

36 1 0
                                    


Iniiwasan kita hindi dahil sa gusto ko
Sadyang hindi ko lang alam kung bakit,
napakadaming tanong kung ba't di kita pwedeng gustohin,
kung bakit bawal mag mahal ulit,
kung bakit di ko kayang sumugal sa pag ibig ulit.

Madaming tanong at isa lang ang sa tingin ko ang tamang sagot,
gusto kitang gustohin kaso di tayo pwede.
Di ko kayang mag mahal uli kasi alam ko na yung pakiramdam na maiwan sa huli.
Di ko na kayang sumugal sa pag ibig kasi alam ko yung pakiramdam na umiyak tuwing gabi.

Tinatanong kung san ako nag kulang,
kung ano yung halaga ko.
Kaya kahit anong gawin ko kailangan kong umiwas sayo,
di lang para sa puso ko kundi para na rin sa sarili ko.
kasi ngayun mas pipiliin ko ang sarili ko
kaysa masaktan sa isang pag ibig na sa una palang alam ko na ako ang masasaktan.



SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon