SUSUKO NA BA O LALABAN PA

72 1 0
                                    


Ako'y susuko na ba o lalaban pa?
Sa Isang digmaan na ang puso ko'y nakataya,
At aking ngiti ang sandata para mapanalo ng himala
At ang luha ang natatanging pananga sa mga sakit na dulot ng iyong pagkawala

Lalaban pa ba? Kung unti unti mong dinudurog Ang pusong nag-iisa
Aking puso na laging hinihintay ang pagbabalik mo at hinihiling sa tala,
Na ikaw na sana, ang araw na magbibigay init sa aking nadarama

Itutuloy paba?? Mga ngiting pinaramdam mo sakin Nung panahon na tayo pa
Yung tipong sa bawat kilig ay siyang nagpapaalala
Na tayo pala, tayo pala ang bubuo sa Isang nobela't kabanata

Ang sarap, ang sarap palang balikan ang ating alaala,
Na kahit ika'y nagloko, ay tinanggap kita Ng sobra-sobra;
Ng hiniling mo na pagbigyan kapa ng 'dilang Isang pagkakataon at minahal padin kita
Kahit ako, sinasaktan mo ko ng harap-harapan at sobra

At sa panahon na to, tila sariwa sa aking isip,
Yung mga pangako, ngiti, at saya na laging sumisilip;
Yung mga effort, puyat at mga palamuti sa gabi na tayo'y nakakasaksi,
Ay parang hiwaga sa aking puso't isip, na di kailanman ay nagsisisi.

Kaya't sa araw na to, inaalala ang panahon na sinabi mo na pagod na ang Ikaw at Ako,
Di mo lang alam kung gaano ko kamahal ang salita mo,
Na kung gaano kasarap at sintamis ng macapuno,
Ay sya ding kasingpakla Ng tamarindo ang naramdaman sa pagkawala mo.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon