UNTITLED

126 1 0
                                    


Heto ako at gising parin sa
kalagitnaan ng Gabi,
Iniisip Yong mga bagay na alam ko namang posible.
Pero lahat ng yun ay akin nalang
din isinantabi,
Ayokong isipan ka ng bagay at ako na naman ang maging Mali sa huli.

Pinilit kung ayusin muna lahat satin bago matulog,
Ilang minuto palang ang
nagdaan ang cp ko'y hindi na tumunog.
Inaakala na aayusin muna lahat pero bigla ka ng tumaob,
At heto ako naiwan mag-isa na sa gilid nilalamok at Hindi makatulog.

Ikaw kasi yong babae na inaayos muna lahat talaga,
Pero ngayong gabi Hindi Ko na yon nakita at ika'y medyo nag-iba.
Ayoko namang mag overthink sa mga bagay at ang sarili'y ikumpara,
Kaya tinitiis nalang lahat kahit magmukha na akong tanga.

Mahal patawarin mo ako dahil ito
lang ang kaya ko,
Walang maipagmalaki at Malayo sa mga hinahangad mo.
Ang kaya ko lang ibigay sayo ay ang pagmamahal na meron ako,
At kaya kitang alagaan hanggang sa huling pintig ng aking pulso.

Mahal kita kahit Hindi mo iyon mahal maramdaman,
Ika'y sapat na sakin at wala na akong iba pang dahilan.
Basta mahal minahal kita at Hindi ko
iyon pinagsisisihan,
Sana'y magtagal ka sakin mahal at Hindi moko iiwan.

Mag-aalauna na ngayon ng
madaling araw,
Hindi makatulog at tinitiis ang nararamdamang ginaw.
Pilitin ko mang matulog at Hindi
na gumalaw,
Pero Hindi talaga kaya sa mga bituin nalang ako nakatanglaw.

Patawarin mo ako mahal sa lahat ng aking pagkukulang,
Wala naman akong ibang hinangad kundi ang mapasaya ka lang.
Kaya Sana wag mo hanapin sa iba ang sa tingin mo sakin ay kulang,
Kase andito ka na sa puso ko at meron kana ditong puwang.

Mahal kita at yon lang ang gusto ko ipabatid ngayong Gabi,
Naway alagaan mo palagi ang
iyong sarili.
Mag-ingat ka din palagi sa
araw-araw mong byahe,
Mahal kita at tatandaan mo
lang yan palagi.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon