Buong gabi akong hindi nakatulog sa pag-iisip sa nangyari sakin at kay Elena. I don't know what to do, paano kung magsumbong sya sa magulang nya? Sobrang conservative pa naman ng mga tao sa panahon na ito.
God, anong mangyayari?
Bakit ko kasi nagawa yon!?
Why i kissed her?
Hindi ko alam.
Nag-umaga na at sumikat na ang araw pero dilat parin ang mga mata ko. Daig ko pa ang uminom ng sampong baso ng kape.
Grabe ang kaba ko buong magdamag dahil baka biglang may dumating na mga gwardya sibil at dakpin ako——to my surprise eh, wala kahit anino nila.
Hindi siguro ako sinumbong ni Elena.
Kaya naman ang iniisip ko ngayon ay kung paano sya haharapin.
Pero syempre magsosorry ako, motto ko pa naman na you don't kiss someone kung hindi in relationship. I'm not a type of person who takes advantage of someone's weakness.
"Binibini." Boses ni Señora Aurora mula sa labas ng kwarto ko. "Buenos dias, gising ka na ba?"
Napaupo ako sa higaan. "Opo."
"Buena." Sabi ng Señora. "Tayo ay mag-umagahan na."
"Susunod na po ako." Sagot ko sa mabait na si Señora Aurora. Napakaswerte ko talaga na kahit na hindi ako totoong taga dito, o parte ng kanilang pamilya ay maganda parin ang trato nila sakin.
Inayos ko muna ang suot kong camison, buhok at naglagay ng konting pulbos bago lumabas.
Si Elena agad ang nakita ko, actually nagkasalubong kami. Kumabog ng sobra ang puso ko, feeling ko aatakihin ako sa puso. God wag naman, hindi pa ako nakakauwi.
We both stopped for a moment, i noticed na medyo malalim ang mga mata nya na katulad ko ay tila hindi din sya nakatulog.
"Good morning." Ako na ang unang bumati.
The way Elena bats her eyelashes mesmerizes me. "Buenos dias Mara." I suddenly feel this funny feeling on my stomach but i ignored it. "Kamusta ang iyong tulog Binibini?"
Magkasabay kaming naglakad papunta sa dinning area. "Okay naman, mahimbing." Of course i lied.
Pinagmasdan ako ni Elena, kaya naconcious ako bigla sa sarili ko. "Ngunit tila ikaw ay matamlay."
Natawa ako. "Hindi naman." Sinulyapan ko sya and again look at her lips. "Elena.."
"Mm?"
"I'm sorry sa nangyari kagabi." Paumanhin ko, i make sure sya lang ang makakarinig. "Ah, yong.."
"Okay lang." Ngumiti si Elena sakin. "Wag na nating pag-usapan Binibini."
"Salamat ha." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. "At saka wag mo na akong tawaging Binibini, Mara nalang since magkasing tanda lang tayo diba?"
"Ilan taon ka na ba?" Curious na tanong ni Elena sakin.
Malapit na kami sa dinning area at naririnig ko na sina Señor at Señora na nag-uusap.
"Bente tres." Inosente na sagot ni Elena.
"Ah mas matanda pala ako ng apat na taon sayo."
"Ha?" Nagulat sya. "Akala ko bente ka lang."
Medyo pumalakpak ang tenga ko sa sinabi nya.
"Maupo na kayo at tayo ay kakain na." Tawag samin ni Señor Felix.
BINABASA MO ANG
Descended Wish (Lesbian)
RomanceSa edad na bente tres ay nakamit na ni Kelmara ang kanyang pangarap na maging isang reporter. Kaya naman pinagsikapan nyang gawin ang kanyang trabaho, maging araw man at gabi. Walang takot nyang sinusulong ang kahit anong panganib para lang makakuha...