Chapter 11

95 8 0
                                    


If you were to ask me what story is my favorite
There you go,
Descended Wish.

Hindi ko alam ang nangyari.

Dahil nang magising ako ay nasa kama na ako, nakahiga at amoy usok na hindi ko mapaliwanag. Kaya bigla akong napaupo — teka, the last thing I remember ay nasa batis kami at naluhod ako.

“God.” Pawis na pawis ako. “Nasaan na ako?” I’m so sure that I’m alive because I feel pain in my body. “Ma?” Tawag ko  saknya dahil parang narinig ko ang boses nya kanina. “Ma? Nakauwi na ako.”

At biglang bunukas ang pintuan ng kwartong kinaroroonan ko.

And to my dismay, I see an old woman, dress like 1800s. “Gising ka na pala.” 

Napahiga nalang ulit ako sa sobrang panghihinayang. Akala ko talaga ay nakauwi na ako, hindi pa pala.

Inilapag ng matandang babae ang dala nitong basket na gawa sa ratan bago lumapit sakin. “Kamusta ang pakiramdam mo Iha?”

“Medyo okay na po.” Pumikit ako para tanggalin ang hilo na nararamdaman ko. “Nasaan po ako?”

“Sa pagamutang bayan Iha.” Sagot nito bago hipuin ang noo ko. Since wala pa namang mga aparato para masuri nila ang temperature ng tao. “Isinugod ka dito dahil ikaw ay naluhod.”

“Ah opo.” Bumukas ang mata ko. “Nasaan po sina Elena at Sofia?”

“Hindi ko sila kilala Iha pero may babae laging nagbabantay sayo dito — siguro ay umuwi muna sya saglit.” Sagot nya sakin. “Nilalagnat ka pa, kaya magpahinga ka muna.”

Hindi na ako kumibo.

Agad din akong nakatulog dahil parang bugbog ang katawan ko sa pagod.

Pero nagising nalang ako dahil bigla akong may naramdaman na umakyat from my stomach up to my throat. Sumuka ako sa maliit na kaldero o kung ano man tawag don.

“Ilabas mo lang.” Paghagod ng tao sa likod ko.

Suka ako ng suka halos may kasama ng iyak. At nang mailabas ko na lahat ay nanghihina nalang ako na napahiga.

May nag-abot ng tubig sakin. “Uminom ka muna Mara.”

Si Sofia.

Sobrang nag-alala ang mukha nya.

Maingat akong umupo at ininom ang tubig na inalok nya.

Hawak nya ang kamay ko. “Mara…” Nagtitigan kaming dalawa. “Lo siento mucho.” Nagluha ang mata nya. “Kasalanan ko kaya ka naluhod.”

“Wala kang kasalanan Sofia.” Pagpapakalma ko sa kanya dahil iyon ang totoo. “Hindi ko alam na — “

“Kung hindi kita iniwanan —”

Hinaplos ko ang napakinis at lambot na pisngi ni Sofia. Even in a state like this, Sofia is still beautiful. “Okay na ako.” I smile at her. “Kasama mo, at nahahawakan mo.”

Sofia bites her lower lips. “Mara..”

I wait for her to say it.

Pinisil ko ang kamay nya. Sofia’s eyelashes are like wings of butterfly —they are long and they flutter. “Sofia.”

“Natakot ako.” Pag-amin nya sakin. “Una dahil akala ko ay nawala ka na sakin.” My heart skips a beat sa sinabi nya. “At natatakot ako dahil….” Biglang tumayo si Sofia na tila hindi sya mapakali. “Parang may mali sakin.” She walks back and forth. “Mara, may sakit ba ako? Kasi parang gusto ko lagi kitang nakikita, nakakasama.”

Descended Wish (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon