Chapter 3

2.7K 284 75
                                    

Death is an inevitable part of human life and sometimes it occurs suddenly. Death can, and often does, strike without warning. But the real question is, what will happens after death? Is there an afterlife? If yes, how is it different than the life we know now?

Sa totoo lang, sobrang daming tanong sa utak ko. Dahil hindi ko matanggap na namatay ako ng walang kalaban laban, na namatay ako ng hindi man lang nakakapagpaalam sa pamilya ko lalo na kay Mama. Masakit dahil napakarami ko pang gustong gawin sa buhay, may mga lugar pa akong gustong puntahan at...

"Sino siya?"

Biglang gumalaw ang isa sa mga daliri ko pagkarinig ko sa boses na nagsalita mula sa kung saan man. Ngunit ang mas pinagtataka ko ay bakit parin ako nakakaramdam ng sakit na nagmumula sa bala na tumama sa dibdib ko. Dahil kung patay na ako I was supposed to be free from any kind of pain. 

"Mahabaging langit, nakita kong gumalaw ang kanyang daliri."

Teka, ano yon? Sino ang nagsalita?

"Shh.. h'wag kayong maingay baka magising sya."

Hindi ko alam pero parang bumalik ang lakas ko, kaya buong sikap kong binuksan ang mga mata ko.

"Tumawag kayo ng gwardya sibil! Baka masamang tao ang babae na yan."

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at sinubong ng nakakasilaw na liwanag ng araw. Kaya kumurap kurap ako hanggang sa mawala ang panlalabo ng paningin ko.

"Por dios por santo, gising na sya."

Laking gulat ko ng mapansin na napapalibutan ako ng mga tao. Hindi lang sila basta tao kundi sinaunang tao. Nakasuot ang mga babae ng saya at barong sa kalalakihan.

Napahawak ako sa sugat sa dibdib ko na naramdamaan ang dugo sa aking kamay ngunit wala na ang sugat.

"Espere.." Buong pagtatakang bulong ng isang magandang dalaga na may hawak pang mamahaling pamaypay. "Bakit ganyan ang kanyang kasuotan?"

"Si." Pagsang-ayon ng kasama nitong lalaki. "Hindi normal ang kanyang kasuotan—"

Nagulat at napatigil silang lahat nang dahan dahan akong naupo. Tumingin ako sa paligid pero parang nasa ibang lugar ako.

"Sino ka?" Tanong ng dalaga sakin.

Pero nahihilo parin ako. "Nasaan ako?"

"Cuál es tu nombre?" Tanong naman ng isa.

Sumasakit ang ulo ko. Hindi ako masyado makapag-isip ng maayos. "Anong lugar ba to?" Pero nakatingin lang sila sakin. "I thought I was..."

"Marunong syang magsalita ng ingles."

"Kabilang ba sya sa pamilyang ilustrado?" Tanong ng isa sa kanila.

Pero bigla akong napahiga at nawalan ulit ng malay. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Dahil pakiramdam ko ay sobrang pagod ng katawan ko. Parang kailangan ko ng napakahabang pahinga. Saka ko na siguro iisipin kung nasaan bang lupalop ng Pilipinas na punta.

"Binibini.."

"Mmm.." Paghuni ko.

"Binibini, oras na para uminom ng iyong medisina."

Mabigat man ay unti-unti kong binuksan ang mata ko para malaman kung sino ba ang kumakausap sakin. Pinagmasdan ko syang mabuti. Sigurado ako na sya yung dalaga kanina na pilit kumakausap sakin. Kahit nakangiti ay ramdam ko parin ang kaba at takot sa kanya.

"Nasaan ako?" Ang unang tanong na lumabas sa labi ko.

Umiwas sya ng tingin. "Kailangan mo munang uminom nito.." At ipinakita ang kutsara na may lamang likido. "Para maging mabuti ang iyong pakiramdam."

Descended Wish (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon