Hindi ko alam kung anong oras na pero madilim na ang kalangitan but I'm pretty sure na wala pa akong isang araw nandito sa panahon ng nakaraan. Sobrang weird parin isipin na bumalik ako sa tanong 1896. 123 years ang pagitan from 2019.I feel so restless and really scared. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin. Kung hanggang kelan ako mananatili sa mundo na ito. Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng makasama ang pamilya ko lalo na si Mama. She needs me, they need me. Pero paano?
"Maaari ka ng umupo Iha." Anang ng matandang costurera sakin pagkatapos nya akong sukatan. "Tapos na tayo."
"Gracias Corazon." Pasasalamat ni Doña Aurora. "Sana ay matapos mo agad ang mga camisón."
Nakangiting tumango ang costurera. "Wag kayong mag-alala Doña Aurora, kami ay magtatrabaho buong gabi para makatapos." Tumingi sya sakin. Umatras naman ako at dahan dahang naupo sa tabi ni Elena. Hindi ako mapakali sa suot kong saya, nangangati ang balat ko. Pinahiram kasi ito ni Elena sakin. Para hindi ako pagdudahan ng mga tao. "Ngayon ko lang sya nasilayan, sino sya?"
Bigla kaming nagkatinginan ni Elena at parehong naspeechless.
"Sya ay ang aking Sobrina." Si Doña Aurora na ang sumagot habang nagpapaypay. "La hija de mi hermana."
"Mara.." Bulong sakin ni Elena. Tumingin ako sa kanya. Medyo namumula ang mukha nya. Elena is very shy and innocent girl. "Gusto mo ba ng tsokolate?"
"May chocolate kayo?" Medyo naamazed ako.
Ngumiti ng matamis sakin si Elena "Oo, mainit na tsokolate."
"It sounds delicious—" I forgot na hindi pa masyadong nagagamit ang English sa panahon na ito. "Ang ibig kong sabihin ay mukhang masarap yan."
Tumango si Elena sabay tayo. "Ikukuha ko kayo ni Ina."
"Thanks." Pasasalamat ko sa kanya bago sya pumunta ng kusina.
Tumingin tingin muna ako sa paligid habang nag-uusap sina Doña Aurora at ang costurera. May mga painting na nakasabit sa pader ng bahay. Portraits ng mga babae at lalaking nasa iba't ibang edad. Hula ko ay ninuno sila ng pamilya nina Doña Aurora.
"Narinig nyo ba ang usapan?" Pagchichismis ng costurera.
"Hindi, ano yon?" Curious na tanong ng Doña.
Nag-umpisang mag-ayos ng mga gamit ng pananahi ang matandang costurera. "Sabi ng aking kaibigan ay meron daw isang dalaga na natagpuan sa napapaderang lungsod." Nagkatinginan kami ni Doña Aurora. "Kakaiba daw ang kasuotan nya."
Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi ng costurera.
"Naniniwala ka naman?" Tumatawa na salita ni Doña Aurora. But we both know the truth.
"Yon kasi ang kwento sakin, tila hindi daw ito galing sa mundo natin." Pagpapatuloy ng matanda sa kwento. "Kakaiba din daw ito magsalita."
"At saan ito manggaling kung gayon?" Pagkwestyon ni Doña Aurora sa matanda. "At kung totoo man ang usap usapan na yan ay nasaan na ang sinasabi mong dalaga?"
Kakamot kamot sa kilay na napaisip ang costurera. "Dinala daw ito sa pagamutang bayan."
Lalo akong hindi mapakali.
"Masyadong malawak ang imahinasyon ng iyong Amiga, Corazon." Kunwari ay disappointed na sabi ng Doña. "Bakit hindi na lamang tayo gumawa o mag-isip ng mga bagay na kapaki-pakinabang."
Hindi agad nakapagsalita ang costurera. "Tama ka Doña Aurora, lo siento."
Nagpaypay ang Doña. "No fue nada."
BINABASA MO ANG
Descended Wish (Lesbian)
RomanceSa edad na bente tres ay nakamit na ni Kelmara ang kanyang pangarap na maging isang reporter. Kaya naman pinagsikapan nyang gawin ang kanyang trabaho, maging araw man at gabi. Walang takot nyang sinusulong ang kahit anong panganib para lang makakuha...