Chapter 10

1.2K 83 50
                                    


Pdf/epub available now

I still couldn't believe what just happened — moreso what we just did. I'm so confused with my feelings, I mean Elena is beautiful, smart, kind as in perfect but I don't see myself to have a romantic relationship with her.

— pero napakahirap magsalita ng tapos baka kainin ko lang diba?

Palihim akong sumulyap kay Elena na nakaupo sa harapan ko. She's eating peacefully. Tila ramdam ko parin ang malalambot na labi ni Elena — agh. Mara, stop it. Nakakahiyang mag-isip ng ganito habang kumakain kami ng hapunan.

Bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsara in frustration. Why I'm thinking like this?

"Oh Mara Iha, bakit?" Agad na tanong ni Señora sakin.

Nahihiyang dinampot ko ulit ito. "Wala po." I feel Elena's eye on me.

"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain na pinaluto ko?" Sabat ni Señora Consuelo. Apo ni Tandang Sora.

Umiling ako. "Napakasarap nga po." Totoo naman ang sinabi ko. "Ano nga ho ang tawag dito?" Pagtukoy ko sa kinakain namin.

"Patatas bravas." Sagot nito sakin. "Ang isa naman ay Fideuà."

"Napakasarap po ng Fideuà." Pagpuri ko. Ang Fideuà ay parang Paella pero noodles ang sahog.

"Marunong magluto si Elena ng Fideuà." Proud na sabi ni Señora sakin na nakatingin kay Elena. "Magiging magaling at mabuting may bahay ang aking Unica Hija."

"May nobyo ka na ba Elena?" Pag-uusisa na tanong ni Señora Consuelo kay Elena.

"Wala ho." Magalang na sagot ni Elena na hindi tumitingin sakin. Maybe she's shy too.

"Bakit wala?"

Ngumiti si Elena kay Señora Consuelo. "Wala pa ho sa isip ko ang pakikipagnobyo."

"Bien." Proud na sabi ni Señora Aurora. "Nais kong ihanda si Elena sa karapatdapat para sa kanya."

At biglang bumukas ang pintuan. Lahat kami ay nakatingin sa mga taong bagong dating.

To my surprised, Sofia is now standing right before our eyes.  Napanganga na naman ako sa ganda nya.

"Lo siento Amigas." Paumanhin ng ina ni Sofia. Lumapit ito kina Señora Aurora at Señora Consuelo at nagbeso beso. "legamos tarde.

"Esta Bien." Sagot ni Señora Aurora sa kanyang amiga. "Kakaumpisa palang naman namin maghapunan." Nakatingin si Elena sakin. "Maupo na kayo at sabay sabay tayong kumain."

My eyes follow Sofia every moves until she sits next to me. Grabe yong puso ko, sobrang bilis ng tibok. Para akong makakacarjack.

Then her eyes met mine and she smiles. "Como estas Mara?"

"Como.. estas?" Balik ko na tanong. Kailangan ko na talaga mag-aral ng Spanish para naman hindi ako mukha masyadong outsider. Then i realize something, they sound alike. Como estas — kamusta. "Okay naman, ikaw?"

"Pagod." Mahina nyang sagot sakin. "Galing ako sa maghapong klase ng tipahan."

"Ang galing mo siguro — "

"Hindi naman." Humble nyang sagot. "Kanina pa kayo dito?"

Tumango ako. "Oo, buti nandito ka."

Napasulyap si Sofia sakin, her brown eyes sparkling. Alam nyo yong mga mata na parang may butuin? Ganon sakanya. "Que? Ikaw'y naiinip na ba?"

"Hindi naman, ang ibig kong sabihin ay —"

"Kumain muna." Sabi ng ina ni Sofia.

Kaya napatigil kami sa pag-uusap. Hindi kasi masyadong uso ang kwentuhan habang kumakain sa table ethics ng mga sinaunang Pilipino. They are grateful, refined and well-mannered — ang layo sa generation ko.

Descended Wish (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon