42 | Punishment

172 11 0
                                    

AURORA'S POV

"Why are you here?" tanong ko sa lalaking katabi ko.

He didn't answer me. He continued organizing the books in silence, completely ignoring my questions.

"Why won't you answer me?" nakanguso kong tanong. "Bakit ka pa pumunta rito kung hindi mo lang din ako kakausapin?"

He gently massaged his temple. "What a noisy brat," he whispered. I suddenly had the urge to smack him with the book I was holding.

Aba, bastos 'tong lalaking 'to ah!

Sa huli, hindi na naman niya ako pinansin. Nagpatuloy siya na parang siya lang ang tao rito. Wala akong nagawa kundi mapasimangot bago magpatuloy sa pag-aayos. Hahayaan ko nalang siya dahil tinutulungan niya naman ako kahit papaano.

Bigla kong narinig ang pagbukas ng isang pinto. Narinig ko ang ilang pamilyar na pagyabag ng paa. "I was about to help you, but I guess..."

"Hiro can do it by himself." Inirapan ko si Mavi nang marinig ko ang sinabi niya. Kasama niya sina Callie, Talia at Cole.

"Tumahimik ka nga."

He chuckled once more, raising both of his hands as a sign of surrender. "Whatever you say, Aurora," sambit niya. "Kailangan mo pa ba ng tulong? O si Hiro lang ang gusto mong makasama?"

Naramdaman ko ang pag-ilaw ng mga mata ko. Bigla kong itinapon ang isang mabigat na libro sa direksyon ni Mavi at sa kasamaang palad, tumama 'to sa mukha niya.

"Gods, that hurts."

"Ayan, sige! Alam mo naman ang mangyayari kapag biniro mo ang mga anak ni Hades pero tinuloy mo pa rin!" Callie teased.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. "What in the realms-" Sinuri ko ang mukha niya. "Bakit hindi ka umilag?!"

He caressed his face, slightly glaring. "Malay ko bang ibabato mo sa'kin yung librong hawak mo." He continued touching his cheek gently. "Tch, you got to control your strength sometimes."

"May I remind you that you're supposed to organize the books and not throw them around?" Bigla kaming napatingin kay Hiro na kanina pa palang nakasandal sa bookshelf habang pinapanood kami.

Ah, nandito pa nga pala siya.

"Dude, chill," Mavi said.

"Tutulungan na namin kayo para hindi na magalit yung masungit na anak ni Aphrodite," biglang bulong sa'kin ni Cole. Mahina akong napatawa.

"Pwede ba 'yun?" natatawa ko pa ring tanong. "Ako lang naman dapat ang gumagawa nito. Ako lang ang binigyan ng parusa ng mga elders."

Cole frowned. "Wala ka namang kasalanan eh," pagmaktol niya pa. "Diba?" tanong niya kay Talia na nasa tabi niya.

"I second the motion, my love! If they get mad at us, Cole can just burn their freshly curled hair!" Napuno ng tawanan ang library kaya sinaway na kami ng tagabantay nito.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now