46 | Echoes

179 13 1
                                    

AURORA'S POV

"Good and evil... darkness and light... peace and chaos..."

"You may defeat evil and darkness, nightingale..."

"But you will never be able to defeat Chaos."

Hingal na hingal ako nang buksan ko ang aking mata. Napabuntong-hininga ako nang nakaupo nang maayos. "Nightmares," I whispered.

Nag-ayos muna ako at nagsuot ng uniporme ko bago lumabas sa aking kwarto. Bumungad sa'kin sina Talia, Tazyn at Callie na kumakain. "Hi, Aurora!" bati sa'kin ni Callie. Kumakain siya ng tinapay.

"What time is it?" tanong ko nang makaupo. Unlike the Asphodel and Tartarus Class, we have classes today since we've missed some lessons due to the mission.

"7:55 na, bakit-" Nanlaki ang mata ni Callie nang sabihin 'yon ni Tazyn. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Why?"

Mukhang nagets din ni Talia ang iniisip ni Callie dahil dali-dali nilang ginamit ang kanilang kapangyarihan para malinis ang mga pagkain. Dahil hindi pa ako kumakain, agad akong humablot ng isang tinapay bago pa nila itong tuluyan na malinis.

"Bakit ba, kambal?" Maging si Tazyn ay nalito. "9:00 pa naman ang klase natin ah."

Napasimangot sina Callie at Talia bago nila hinablot ang aming mga kamay para mahila kami. Tumakbo sila nang mabilis, walang pakielam sa paligid nila.

"8:00 ang pasok natin! Nakalimutan ko lang pero sinabihan ako ni Amari kanina!"

And because of what Callie said, I ran as fast as I could, as if I was racing against them. Ngayon na nga lang ulit ako papasok tapos malalate pa ako!

"7:59. Right on time, girls." Nakuha pa kaming asarin ni Mavi nang makarating kami sa classroom. Sinamaan namin siya ng tingin bago umupo. Katabi ko ngayon sina Cole at Amari.

"Why are you late?" seryosong tanong sa'kin ng anak ni Athena. Amari...

It's terrifying that she still acts the same way towards me. Akala ko ay masungit lang siya pero may tinatago na pala siyang galit para sa'kin dati.

Bakit hindi ko napansin?

"Kasalanan ko naman..." bulong ko. Napataas ang kilay ni Amari nang marinig niya ito. "Ah, kasalanan ko kung bakit nalate kami. My alarm didn't ring," palusot ko. She squinted her eyes before nodding.

Ilang segundo lang, pumasok na rin ang guro naming si Miss Elliana. Namiss ko siya!

"Good day, Elysians," bati niya. Agad kaming tumungo bilang respeto bago namin siya binati pabalik.

"Parang gumanda kayo, Miss Elliana!" biro ni Callie. Agad na natawa ang guro namin. "Parang deserve namin mag-enjoy ngayon," pagpaparinig niya pa. I giggled.

Miss Elliana rolled her eyes. "Instead of talking to the Olympians all day, wouldn't you be more interested in an adventure?"

Akala ko ba Greek History ang klase namin ngayon? Anong balak ni Miss Elliana?

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now