"Congratulations, Lace!"
Isang malaking ngiti ang iginawad ko sa mga bumati. Today is the most important day in my life. Graduation namin ngayon and as i expected madami akong nakuhang award.
Best in Filipino, Best in English, Best in Mathematics, Best in Science, Most Outstanding Award, Perfect Attendance Award, With Highest Honor.
Hakot award pa nga.
Solace Bridget Marquez, top 1, class valedictorian.
"Congrats girl! Next school year, senior high na tayo," excited na sabi ni Yza. My bestfriend.
Right. Hindi ko alam na sobrang dali ng araw, parang kahapon lang ay first day ko pa lang bilang grade 10 student pero ngayon heto, graduate na ako!
"Congrats Yza!" Bati ko pabalik.
Lumapit ako para yakapin siya. Ang toga niya ang medyo gusot na, siguro dahil kanina pa siyang patalon-talon sa sobrang saya.
Nang matapos ang aming yakapan ay bigla namang dumating sina mommy at daddy. They greeted Yza before turning to me. Their eyes are full of joy, hindi maitago ang kasiyahan sa kanilang mukha.
"Congratulations anak, we're so proud of you," yumakap sa akin si mommy at daddy. "Congrats din Yza" sabi pa nila.
"Thank you mommy, daddy" i give them a kiss in their cheek.
"Thank you tita, tito" ngumiti ito at nagpaalam na.
Bumalik muna ako sa pinag-uupuan namin kanina. Ang sabi kasi ng teacher namin ay hindi pa raw pwedeng umuwi. Masiyado pang maaga, sayang naman ang ibinayad namin dito sa Hall na ito kung aalis na agad kami. Nagpaalam na rin sina daddy at mommy na mauuna na sila sa pinareserve nilang restaurant para sa salo-salo namin mamaya.
Nang mabagot, napag-pasiyahan ko munang mag-paalam sa kanila. Naglakad ako at nag-ikot ng biglang may nakaagaw ng pansin ko.
"Congrats Luigi, ang galing mo. Pagbutihin mo pa ang pag-aaral mo" rinig kong sabi ng isang matanda.
He's not too old. Siguro ay nasa mid 40's pa lang siya. Matangkad, makisig at mukhang may lahi.
Tss. Luigi. Luigi Keil Gonzales, my worst enemy!
Sino kaya iyong magandang lalaking iyon? Siguro ayon yung daddy niya? Pero hindi naman sila magkamukha.
Nakita ko ang bahagyang pag-ngiti ni Limuel kaya naman lumabas ng bahagya ang kaniyang dimples.
"Nako, sir, napakatalinong bata po nitong si Luigi. Siya nga ho ang pinaka-nangunguna sa kanilang batch" magiliw na sabi ng aming teacher.
Wow! Ni hindi nga ako cinongrats man lang ng aming teacher tapos iyang Luigi na 'yan puring-puri! And oh wow! Siya ang nangunguna? As far as i remember halos parehas lang kami ng grades, performance man 'yan o written works o kahit ano!
Well, na-una lang naman siya sa'kin dahil nauna ang apelyido niya. But then, parehas lang kami ng grades!
"Nasa lahi na 'yan" pabirong sabi ng matanda. "Ewan ko nga sa magulang niyan, hindi man lang pumunta." disappointed na sabi pa nito.
Aalis na sana ako ng biglang magtama ang tingin namin. He look shocked when he saw me but it quickly faded and was replaced by a little grin.
BINABASA MO ANG
The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)
Teen FictionSolace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabulary. Luigi Keil Gonzales, his entire life, he had to live up to his family's expectations. His yearn...