"Hays, ka-stress pala maging grade 11"
Naglalakad kami ngayon ni yza papunta sa gilid ng field. Recess namin ngayon kaya naman dito na lang kami pumunta. Kagagaling din niya sa office dahil pinatawag siya ng professor namin para bigyan siya ng project, dalawang araw kasi siyang absent magmula noong nangyari sa restau. Kinabahan tuloy ako!
"Tutulungan na lang kita sa project mo, wala namang pasok bukas e" sabi ko naman kaya agad nagliwanag ang mukha niya.
"Kaya bff kita e!!"
Lumapit siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang higpit! Mabuti na lang at kaagad din siyang kumalas sa yakap kung hindi kanina pa akong nawalan ng hininga! Papatayin ata ako nito, e.
"Anyway, sino yung lalaking sumundo sa'yo noong isang araw?" Tanong ko nang maalala.
Hindi ko pa siya nakakausap tungkol diyan. Pagkatapos kasi siyang sunduin noong lalaki ay umuwi na rin ako, nagtaka pa si mommy kung bakit ako maaga umuwi e nagpaalam ako sa kaniya na malelate ako ng uwi. Sinabi ko na lang kay mommy na nag karoon ng emergency dahil hindi ko rin naman mapapaliwanag ang nangyari.
But wait. Parang familiar sa'kin yung lalaki, i think i saw him somewhere? Or maybe i know him? Hindi ko lang matandaan. Boyfriend niya ba 'yon? Pero wala naman siyang naikekwento sa akin na may boyfriend siya.
"Ha?"
"I said sino yung lalaking sumundo sa'yo noong isang araw?" Ulit ko sa tanong ko.
Tumigil siya sandali at kinagat ang pang ibabang labi, iniisip kung magsasalita ba siya o hindi.
"Ah..... kuya ko" sagot niya na nagpalaki sa mata ko.
"May kapatid ka?!" Gulat na gulat na tanong ko.
May kapatid siya? Bakit ngayon ko lang nalaman? Niloloko ba ako nito? Baka naman boyfriend niya talaga 'yon? Pinagtakpan pa niya, pwede naman niya sa'kin sabihin kung boyfriend niya talaga 'yon e!
"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Napatawa siya sa reaksyon ko.
"Are you telling the truth? Kapatid mo 'yon? May kapatid ka? Bakit hindi mo sa'kin sinabi?" Sunod-sunod na tanong ko.
Kumuha naman siya ng pagkain sa bulsa niya at binuksan iyon. Akala ko ay hindi na niya sasagutin ang tanong ko pero inubos muna niya ang kaniyang pagkain bago magsalita.
"Well obviously duh, mukha ba akong nagbibiro? He's my kuya by the way" tumaas pa ng konti ang kilay niya.
"Bakit hindi mo sa'kin sinabi?" Tanong ko.
Pakiramdam ko ito na ang pinaka nakakagulat na nalaman ko. Parang hindi kami magkaibigan! Hindi man lang niya sa'kin sinabi, ano pa kaya ang hindi ko nalalaman sa kaniya? Halos lahat ata ay hindi ko alam sa kaniya.
"Well, we're not in good terms. And also i feel like ayaw niyang may makakaalam na magkapatid kami so i kept it secret" paunti-unting humina ang boses niya.
May gusto pa sana akong itanong sa kaniya nang mapansin kong hindi na siya komportable kaya naman itinikom ko na lang ang bibig ko at nagsimula nang kumain.
BINABASA MO ANG
The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)
Teen FictionSolace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabulary. Luigi Keil Gonzales, his entire life, he had to live up to his family's expectations. His yearn...