"Bati na tayo?"
Kaming dalawa lang ni Yza yung nasa room ngayon. Nag-sorry na ako sa kaniya ngayon, buti na lang at hindi na siya galit. I really felt guilty. Dapat pala ay hindi ko na binubuka ang bibig ko tuwing galit ako. Next time, ikakalma ko muna ang sarili ko bago ko sila kausapin.
"Ayaw mo ba?" She asked, laughing.
Pabiro ko siyang inirapan.
"Siyempre gusto," lumapit ako sa kaniya para yakapin siya ng mahigpit.
I miss her. My bestfriend.
Kinuha ko iyong book ko para makapagbasa na pero wala pang ilang minuto nang makita ko si Yza na may kinakain na chocolates. Ibinaba ko yung book ko para manghingi.
"Ang damot mo,"
Dumila siya sa akin habang inilalayo yung pagkain niya. Tss. Nag-away lang kami ng ilang araw dumamot na siya! Kapag ako nakabili ng ganiyan hindi ko rin siya bibigyan, maglaway siya! Pero bago 'yon hihingi muna ako sa kaniya hanggang sa bigyan niya ako. Hehe.
Sa huli, binigyan niya rin ako. Alam naman niyang hindi siya mananalo sa akin. Kinain ko na lang yung chocolates at nagsimula na ulit magbasa. Si Yza naman ay kumakain pa rin ng chocolates kaya naman hindi ko na siya pinansin.
After half an hour, i got tired of reading. I was about to return my book when suddenly my cellphone rang, kinuha ko naman 'to agad para tingnan. Mayroon akong natanggap na text galing sa head leader ng school. Pinapapunta lahat ng class leader ng bawat room doon sa levis. Nagpaalam naman ako kay Yza bago umalis.
Pagkarating ko sa levis agad kong nakita yung ibang mga estudyante, siguro sila yung class leader ng room nila. Bawat room kasi ay may class leader, para siyang president ng room. Ang kaibahan nga lang wala na 'tong mga kasama gaya ng vice leader at kung ano-ano pa.
"So i guess we're complete now?" anang head leader ng school nang makitang marami na kami.
Gaya ng sa amin, yung head leader ng school naman ay parang principal. Nagbibigay sa ng utos, pahintulot at isa siya sa kataas-taasan dito sa campus namin.
"Alam kong may klase pa kayo kaya naman hindi ko na 'to patatagalin pa. Kailangan natin magbotohan para sa mapipiling SSG Officers ng campus natin. Pansin niyo naman siguro na ating school lang ang walang School Officers kaya naman pinatawag ko kayong lahat para maging kandidato," walang tigil na sabi ni Miss Navarro, ang head leader ng school namin.
Tuloy-tuloy siyang magsalita kaya naman tutok lang ang atensyon ko sa kaniya. May binanggit pa siya sa kung anong mangyayari sa botohan. Nang matapos siya magsalita, agad niya kaming tinawag isa-isa tsaka pinaghiwalay. 28 kaming class leader na narito ngayon.
"I will divide you into two groups, lumapit kayo sa akin kapag tinawan ko ang pangalan niyo." May kinuha siyang papel bago niya kami tiningnan isa-isa.
I'm pretty confident na mapipili ako maalinman sa President o kaya naman Vice President. Isang beses na rin kasing naranasan ko 'to dito kaya lang ay tinanggal nila yung mga students officer dahil daw masiyadong bias na ang mga head ng school.
"Solace Marquez," pagtawag niya sa pangalan ko. Agad naman akong pumunta sa kabilang pwesto na itinuro niya.
"Chantelle Acosta"
BINABASA MO ANG
The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)
Ficção AdolescenteSolace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabulary. Luigi Keil Gonzales, his entire life, he had to live up to his family's expectations. His yearn...