"Ano ba kayo??"
Para akong tinanggalan ng karapatan dahil sa tanong ni Yza. Nandito siya ngayon sa bahay namin, inaya ko kasi siyang mamili ng mga gamit sa mall mamaya, sabado na ngayon at sa lunes ay pasukan na. Nakailang lunok ako bago ibuka ang bibig, i couldn't say a word. Para akong na-corner sa tanong na iyon.
"Uh, sakto lang??" Tanong ko. Hindi sigurado.
"What? Anong sakto lang?" Naguguluhang tanong nito.
"I don't know. Ah basta nakakalito, hindi ko rin alam kung may label ba kami!" Padabog kong sabi.
Yza looked at me with disbelief in her eyes. Napanganga ito at hindi alam ang sasabihin. Ako rin naman, hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano ba naman kasi, kinwento ko kay Yza na nag-away kami ni Ziander tapos biglang niyang tatanungin kung ano ba kami?!
I mean i guess fling? Magdadalawang buwan na rin kami ni Zian na nag-uusap simula noong nag-chat siya sa akin noon. He always text me, palagi rin siyang nag-uupdate sa'kin, and so i am. Kaya lang nag-away kami noong isang linggo dahil hindi siya nag-chat sa'kin kahit may bago siyang story!
"Eh anong nangyari? Nag-uusap na ulit kayo?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Sinuot ko ang Dior bag ko bago kuhanin ang cellphone.
"Hindi nga e! Ni hindi niya rin sini-seen yung message ko," umirap ako.
"Baka bumabawi lang, ghinost mo siya noon diba?" Tumawa ito bago naglakad palabas. Sumunod na lang ako dito habang nagpapadyak.
Kainis naman! Bakit ba kasi dito ako nagkwento sa babaeng 'to e wala naman siyang magandang sinasabi?!! Dapat talaga hindi ako nagkekwento sa mga nakakausap ko e, lagi na lang nauudlot!
Buong byahe akong inaasar ni Yza kaya naman buong byahe rin nakakunot ang noo ko. Dinelete ko na rin ang mga messages ko kay Zian, kung ayaw niyang mag seen edi 'wag!
Nang makarating kami sa mall, agad kaming naglakad papunta sa National Book Store. Kaunting libro lang ang bibilhin dahil meron na akong ibang libro sa bahay. Nagbabasa-basa rin ako noon dahil kailangan ko mag advanced study.
"Nagugutom na ako, tara kumain" i almost rolled my eyes when i heard Yza.
"What's new? Palagi ka namang gutom," aniya ko habang binabayaran ang mga pinamili.
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kaniyang kilay habang naglalakad palabas ng store, halatang pikon agad. Lumapit ako sa kabilang counter para kuhanin ang mga pinamili ko bago ako lumabas. Balak sana naming kumain sa isang restaurant kaso lang ay lahat sila sarado.
"Mag Mcdo na lang tayo," sabi ko habang may tinitingnan sa phone.
I was about to put my phone inside my pocket when i suddenly bump into someone's shoulder. Because of that, my phone fell in the floor. Agad ko naman itong kinuha at humarap sa nabangga ko para humingi ng tawad ngunit halos bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kung sino itong nasa harap ko ngayon.
"Z-zian...." i stuttered.
It was Ziander, kasama niya sina luigi, yohan at dalawang hindi ko kilalang babae. Naka-akbay siya sa balikat ng dalawang babae habang nakangisi. Nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin agad ko nakita ang normal niyang ekspresyon. Normal na para bang hindi niya alam na nakikita ko siya habang nakaakbay sa dalawang babae.
"Oh! Solace, hi," he casually greeted me.
My lips parted. Seriously? Bakit kung makaasta siya ngayon para kaming magkakilala lang. MAGKAKILALA. LANG.
"Wow. Just wow!" I said, hysterically.
Ano bang trip niya sa buhay niya? Hindi niya ako nireplyan ng isang linggo tapos ngayon makikita ko siya sa mall na may kasamang dalawang babae? Dalawang babae!!?
Kunot-noo niya akong tiningan. Inirapan ko silang lahat at umalis na, i almost bumped into luigi's shoulder. Nakasunod naman sa likod ko si Yza, i don't want to waste my time with them.
"Ano 'yon? Bakit may babae? Sino sila? Ano sila?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Yza. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa McDo. "Tatlo pala kayo??" dugtong nito.
I tried not to roll my eyes. Pumikit ako ng mariin bago huminga ng malalim. Ayokong ma-stress ngayong malapit na ang pasukan. I need no distraction now.
Hindi ko sinagot ang mga tanong ni Yza. Well, as if it i knew the answer to her questions. Inintay ko na lang dumating yung order namin, para ngang nawala ako ng gana kumain. I think i need to talk to Zian.... later.
After naming mamili umuwi na agad kami. My mood suddenly changed because of what i saw earlier. Nawalan na ako ng gana mag shopping dahil doon, maybe because of a little bit jealousy. Pero sino nga ba naman ako para mag selos? We don't even have label. I don't have rights to get jealous.
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit, kinuha ko agad ang cellphone ko para i-chat si Zian. I think this is the right time to ask him.
itslacy: zian.
After 15 minutes he finally replied to my message.
zianfuentes: ??
itslacy: may i ask questions?
zianfuentes: sure sure, what is it?
itslacy: first, sino yung mga babae na kasama mo kanina?
God! Pakiramdam ko gf niya ako na kinokompronta siya. It took him 5 minutes to replied to my message.
zianfuentes: 'yung babae sa kanan ko that was marga, my ex. 'yung nasa kaliwa naman that was yanie, my fling. Why?
Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. His ex and his fling? Wow ha. Pinagsasabay niya? E, kami? Ano naman kami?
itslacy: e tayo zian, ano tayo?
zianfuentes: wdym? we're friends of course.
That's it. I blocked him. He already answered my question. Ang kapal ng mukha niyang sabihing magkaibigan kami, e ano 'yong pa-udapte niya sa'kin? Nagpapaalam pa siya kapag may gala sila tapos mag kaibigan lang kami?
May kaibigan bang inaupdate?
Pagkatapos no'n ay natulog na agad ako. Kaibigan pala, edi sige. I should move on. He's just my friend anyways.
Sobrang bilis ng araw. Lunes na agad ngayon, hindi pa ako ready pumasok. Naka time lapse ba 'yung oras? Bakit parang 5 minutes lang yung oras? Pumikit lang naman ako saglit bakit pasukan na agad?
Nandito ako ngayon sa labas ng campus namin. Iniintay ko si Yza pumasok ngayon, sabay kaming papasok. Parehas lang naman kami ng strand na kinuha. 5 minutes na akong nakatayo rito, palaging late 'yong babaeng 'yon!
It's already 6:55, 7:20 ang time namin, meron pa akong ilang minuto para intayin si Yza. Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung nandito naba si Yza ngunit ibang tao ang nakita ko. Luigi. Nahuli kong nakatingin siya sa 'kin.
Bumalik na naman sa 'kin 'yung nakita ko sa mall. Anong klase siyang kaibigan? Tinotolerate niya 'yung toxic behavior ng kaibigan niya? Mas lalong nadagdagan ng rason kung bakit ako naiinis sa kaniya.
(*-*)
PS: BAKA MAY MALITO SO SI LUIGI( DATING LIMUEL, PINALITAN KO YUNG NAME HEHE) AT SI SOLACE PO YING AHM LOVE TEAM DITO SA STORY. SO SI ZIANDER PO IS CRUSH LANG NI SOLACE. WALA SKL BAKA MAY MALITO LANG PO. BTW ENJOY READING!
BINABASA MO ANG
The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)
Teen FictionSolace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabulary. Luigi Keil Gonzales, his entire life, he had to live up to his family's expectations. His yearn...