Chapter 15

152 6 1
                                    



"Luigi!"



Agad lumapit sa'kin si Luigi pagkatapos ko siyang tawagin. Papasok na sana siya sa campus nang makita ko siya kaya naman tinawag ko siya. Mabibilis na hakbang naman ang ginawa niya kaya naman nass tapat ko na siya ngayon. Nakatunghay ako sa kaniya habang inaayos niya ang specs niya.



"Late ka rin?" Tanong niya pagkatapos. Tumango naman ako at naglakad na. Sumunod naman siya sa akin.



Hays. 7:40 na kasi, first time kong ma-late ng pasok! Paano ba naman kasi, hating gabi na ako nakatulog kagabi dahil mag kausap kaming dalawa ni Luigi!


Luigi and i become close after. Palagi na kaming mag-kausap, halos isang linggo na rin kaming ganito. Hindi ko na siya tinatarayan, friends na rin kami.



"Ah! Nakakainis. First time kong na-late ngayon! Paano kung nandoon na yung prof natin? Nakakahiya tumayo sa unahan," kanina pa akong nagmamaktol kay Luigi hanggang sa makarating kami sa tapat ng room namin.


Sumandal muna kami sa gilid bago siya tumingin sa loob. Nang makitang wala pa doon ang prof namin ay dali-dali kaming pumasok, kita ko naman ang mga mapanghusgang mata ng mga kaklase namin ngunit pinagsawalang bahala ko na lang iyon. Grabe, ang i-issue naman nila!


"Ay? Isang linggo lang tayong hindi nagkita e parang may nangyaring himala na kaagad ah?" Lumapit sa tabi ko si Yza at pinagsusundot ang gilid ng baywang ko. Sumulyap naman ako kay Luigi bago ko tingnan si Yza.


"Stop it. Ang issue mo," ramdam ko ang pamumula sa aking mukha kaya naman nag-iwas ako ng tingin.


Ilang minuto pa akong kinulit ni Yza bago siya mag-sawa. Wala naman siyang mapipilit sa'kin, hindi muna ako mag kekwento mgayon. Baka ma-jinx kasi. Madaldal pa naman 'tong isang 'to.



"Kung alam ko lang na buong mag hapon tayong vacant, sana hindi na lang ako pumasok!" Nagpapadyak-padyak ng paa si Yza habang palabas kami sa campus.



Paano ba naman kasi, wala naman kaming ginawa kahapon. Busy siguro ang mga prof namin dahil magpapasukan na. Ito na rin kasi ang last week na may pasok kami, puro requirements na lang din naman ang inaasikaso namin ngayon dahil wala naman na kaming gagawin.



"Mauna na muna ako. May gagawin pa ako sa bahay, ingay ka pag-uwi mo ha," Yza bid her goodbye to me. Bumeso muna siya sa akin bago sumakay sa taxi, kumaway naman ako at hinintay siyang makaalis.



"Uuwi ka na?" I saw Luigi walking towards me. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa niya habang ang isa naman ay nasa strap ng bag niya.


I feel like everything around me slowed down. My heart started beating faster again. I feel distracted.

I pinch my cheek to compose myself before answering him, "Hindi pa, dadaan muna ako sa mall" hindi ako makatingin sa kaniya. Bakit kasi ang angas niyang tingnan ngayon?


"Samahan na kita," he offered.

"Nakakahiya. Kaya ko naman mag-isa tsaka baka ma-issue na naman tayo," napabuntong hininga ako at bahagyang namula ang mukha ulit.


"Why? Nahihiya ka ba dahil na-iisue ka sa'kin?" Tanong niya. I immediately felt guilty about it.


"No, it's just.... baka akalain ng iba may something sa'tin," paliit nang paliit ang boses ko habang sinasabi 'yon.


He stared at me for a long time. I looked around everywhere but his gazed remained on me. He kept staring at me for a few more minutes before he spoke.


"Ayaw mo ba no'n?" His brows raised up. Para akong nasamid sa tanong niya.


Anong ayaw? Huh? Anong ibig niyang sabihin?


"What do you mean?" Muntik na akong mautal dahil doon. I couldn't look at him.


"Ayaw mo ba no'n? Yung sasamahan kita? Ayaw mong samahan kita?" Sunod-sunod niyang sabi.



Para naman akong nanghinayang sa sagot niya. I mean, bakit ba ako nag e-expect. Hindi niya naman ako gusto para lagyan ko ng something yung meron sa'min.


"Sige na nga, samahan mo na ako. Halata namang hindi ka magpapatalo sa'kin" pinalobo ko ang pisngi ko bago umirap.


I heard him chuckle, napairap tuloy ulit ako.

Nag book na lang ako sa online ng sasakyan dahil ayokong makita ng driver namin na may kasama akong lalaki. Baka isumbong ako kay mommy at daddy. Tsaka hindi pa ako handa na ipakilala siya sa parents ko. Siguro tsaka na kapag umamin na siya sa'kin.


Madali kaming nakapunta sa mall. Hindi naman traffic ngayon, siguro sa mga susunod na araw pa magiging traffic. Hindi rin gaano karami ang tao sa mall kaya hindi ako nahirapan na makapamili.


"Kumain muna tayo bago umuwi" naglalakad lang kami rito sa loob ng mall. Naikot na ata namin 'tong buong mall dahil kanina pa kaming palakad-lakad.



Pagkatapos ko kasing mamili ay niyakag ko siyang mag-ikot muna. Balak ko pa nga sana siyang yakagin sa arcade kaso bigla ako nahiya. Mukhang pagod na rin kasi siya at inaantok. Kulit kasi, sumama pa siya sa'kin.


Doon na lang kami kumain sa McDo, ayon na lang kasi ang may free space dahil puno na sa ibang fast food restaurant. Tuwing gabi kasi madaming tao rito, ayon kasi ang oras na nalabas ang iba sa trabaho o 'di kaya naman ay yung ibang mga estudyante.


Nagpalipas lang kami ng ilang minuto bago kami umuwi. Hindi ko na nga namalayan ang oras. Alas syete na pala, buti na lang at hindi pa ako hinahanap ni mommy. Dito na rin kami huminto sa waiting shed, ang sabi ko kasi sa driver namin ay dito na ako sunduin. Nandito pa rin si Luigi dahil iintayin niya na raw akong makasakay ng sasakyan namin.



Nakakaramdan na ako ng antok ngayon kaya naman tumungo ako saglit. May napansin pa nga akong umilaw sa tabi ko ngunit pinagsawalang bahala ko na lang 'yon. Hindi rin naman ako nagtagal sa pagtungo at umayos na rin ako ng upo. Dumating na rin kasi ang driver namin kaya nagpaalam ako na ako kay Luigi.


"Bye, ingat ka" binaba ko ang salamin ng sasakyan namin para magpaalam sa kaniya.


Ngumiti naman siya sa akin at kumaway. Isinara ko na rin naman kaagad ang salamin ng sasakyan namin pagkatapos kong marinig ang paalam niya.


"Ingat," that's the last thing i heard before i close my eyes. Sumandal ako sa upuan ng sasakyan at natulog na muna saglit.

The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon