Chapter 07

215 10 0
                                    





"Sa tingin mo mananalo ako?"



Nakaupo kaming dalawa ni Yza sa gilid ng hall habang kumakain. Nagbotohan na sila kanina at ngayon naman ay binibilang na ng head ang balota. Malaki na ang lamang ni Nera kaya naman hindi ko maiwasang kabahan.

"Siyempre naman, tiwala lang" aniya habang kumakain.

Mayroon ng five hundred thirty-six votes si Nera habang ang akin naman ay four hundred eighty-nine lang. Maraming bumoto na taga kabilang building kay Nera kaya naman ang laki na ng lamang niya. Sikat kasi siya sa ibang building dahil sumasali siya sa ibang pageants dito sa school.



Habang hinihintay naming matapos ang bilangan, nagpaalam muna ako kay Yza para lumabas saglit. Kailangan kong magpahangin at ihanda ang sarili ko kung sakaling hindi ako ang mananalo.

Pumunta ako sa likod ng hall at umupo sa bakanteng upuan. May mga halaman dito at bulaklak, wala namang masiyadong nag pupunta dito dahil hindi pa ito naayos. Nang mabagot, tumayo ako at lumapit sa halamanan. Kumuha ako ng isang bulaklak at isa-isang pinilas ang mga petals.

"Why are you here?" Agad akong napahawak sa dibdib ko ng biglang may magsalita sa likod ko.


Humarap ako para makita kung sino ang nagsalita. Tss, luigi, bakit ba kung nasaan ako nadoon din 'tong lalaking 'to?


"Pakialam mo?" Inis na sabi ko pagkatapos ay itinapon ko sa sahig ang hawak kong bulaklak.

"I'm just asking" he said.

Luminga siya sa paligid at pumikit, siguro ay dinadama ang hangin. Napako naman ang tingin ko sa kaniya, gwapo pala siya, kung siguro hindi ako kinukumpara sa kaniya at kung hindi ko nakilala si Ziander siya ang magiging crush ko. Gwapo naman siya, matalino, sadyang naiinis lang ako sa kaniya dahil naiisip ko na ang baba ko kapag nakikita ko siya.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya dahilan para lumingon siya sa'kin.

"I don't know" he answered.

Tumaas naman ang kilay ko dahil doon. Nandito siya pero hindi niya alam kung bakit? Pinaglololoko ba ako nito?


"Tapos na ang bilangan?" I asked, hindi pinansin ang sagot niya.


"Patapos na"

Pagkatapos non ay nabalot na ulit kami ng katahimikan kaya naman napagpasyahan ko nang bumalik sa loob at iwan siya.

"Thanks for waiting Liceans, now we will announce the new SSLC officers"

Pumunta na kami sa taas ng stage at umupo sa upuan. Lahat kaming nandito ay hindi maipinta ang mukha, siyempre sino ba namang hindi kakabahan sa ganitong pangyayari? Sa sobrang kaba, hindi ko na napansin na kanina pa palang ina-announce ang mga officers.

"Vice president, Denver Bonifacio"

"And for the president, Solace Bridget Marquez" they started clapping after my name was mentioned.

Nanlaki naman ang mata ko at natulala. Nanalo ako? Omg, i can't believe this. Akala ko ay matatalo na ako dahil sa laki ng lamang ni Nera sa'kin.

Pumunta kaming lahat ng nanalo sa unahan para picturan kasama ang head at iba pang matataas na may posisyon dito sa campus. Pagkatapos, nagbigay na rin ako ng speech ko. Hindi naman naging matagal ang pagbibigay ko ng speech at nagsimula na rin kaming umalis sa hall.

"Congrats, sabi ko sa'yo mananalo ka e" lumapit sa akin si Yza pagkatapos ay niyakap ako.

"Oh my, hindi ko 'to ineexpect 'no but thanks" kumalas ako sa yakap at pinaypayan ang sarili.

Nandito kami ngayon sa loob ng room, kaming dalawa lang ang nandito sa loob kaya naman walang ingay, inaantay lang namin mag bell bago umuwi. Mabuti na lang at halfday lang ngayon kaya pwede kaming gumala ngayon ni Yza.

"Cr lang ako saglit, intayin mo ako kapag nag bell na ha" nagpaalam siya sa akin.


Habang naghihintay ako sa pagbalik ni yza, lumapit ako sa board at kumuha ng pentel pen. Nagsulat ako doon ng kung ano-ano at binura rin kaagad. Nag drawing pa ako at nag sulat ng math formula bago naisipang bumalik sa upuan.

"Congrats, solace"



My heart felt like it was going to explode in shock when someone suddenly spoke. Nagitla pa ako ng kaunti at napahawak sa dibdib. Minumulto ba ako? Bakit wala namang tao?


I was about to scream when i felt someone move on the side. Tiningnan ko ito at kaagad nagtaas ang kilay ko nang makita ko na naman si luigi. Ano ba 'tong tao na to! Lakas mang gulat, kung may sakit lang ako sa puso siguro kanina pa akong patay.

"Thanks" sabi ko nang maka-recover.



Nabalot na naman kami ng katahimikan. Mabuti na lang at bumalik na si yza, sakto naman na nag bell na rin kaya naman umalis na kami.

"Anong pinag-usapan niyo ni lui?" Tanong niya kaagad.


Wow, lui? Ano 'yon callsign nila? Lui tawag niya kay luigi tapos yza naman ang tawag niya sa kaniya?


"Wala. Nag congrats lang siya sa'kin."


Sumakay na kami sa kotse namin, doon kami sa ronza pupunta. Balita ko may bagong bukas doon na arcade kaya naman doon naming naisipang pumunta ni Yza. Nagpaalam na rin ako kay mommy na male-late ako ng uwi.


"Eh? Close na kayo?" Tanong niya ulit.


"Hindi" sagot ko naman.




"Akala ko galit ka sa kaniya kasi rival mo siya?" Humarap siya sa'kin at nagtaas ng kilay.

"Yeah? Wala naman akong sinabing hindi na ako galit sa kaniya" inirapan ko ito at kinuha na lang ang cellphone.

Tinanong pa niya ako ng ilang beses bago kami makarating sa ronza. Sinabi ko na rin sa driver namin na mamayang 6 pm ako makakauwi.

Una naming pinuntahan ang Grizzly Pork, kapag kasi si yza ang kasama mo sa gala dapat ay kumain muna bago mag laro. Palagi ba namang gutom, may sawa siguro 'to sa tiyan e!

Chicken and rice lang ang inorder ko habang ang kay yza naman ay pasta, chicken at salad. Mayroon pa siyang inorder na dessert na buko salad at ice cream. Ang drinks naman namin ay blue ice tea. Madali ring dumating ang order namin, wala pang 10 minutes.



"Oo nga pala kamusta na yung sugat mo?" Yza suddenly asked. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig niya.


"Tuyo na, buti na lang at hindi malaki yung sugat ko may peklat na tuloy ako" ani ko bago uminom.



Nasa kalahati pa lang ako ng kinakain ko nang may isang lalaki ang lumapit sa amin. Nakita ko ang pamumutla ni yza habang punong-puno ng pagkain ang bibig niya. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako noong lalaking lumapit sa'min.

"Let's go, yza"

<_>

hehe hello guys dahil love ko kayo ngayon na ako mag uud hehe anyways read well!!

The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon