Chapter 14

97 6 4
                                    





"Arghhh, nakakainis!"



Ako nagseselos???? Bakit naman ako magseselos??? May kami ba?? Boyfriend ko ba siya?




Kanina pa akong paikot-ikot dito sa kama ko, iniisip ko pa rin yung sinabi ni Luigi kanina. Ang kapal naman ng mukha niya para itanong sa'kin kung nagseselos ako, sino ba siya sa inaakala niya? Masama bang mag tanong kung bakit hindi niya kasama yung Nera na 'yon? Curious lang naman ako e!




Habang nakahiga sa kama, naisipan kong tawagan si Yza. Kukuhanin ko na sana sa shoulder bag ko yung cellphone ko ngunit wala akong nakita. Hinalughog ko na ng ilang beses ang bag ko ngunit hindi ko doon makita ang cellphone. And then, realization hits me. Shook! Naiwan ko sa library yung cellphone ko!




Sarado na yung library kaya hindi ko na 'yon makukuha ngayon. 7pm na kasi! Sana lang ay nandoon pa rin 'yon bukas, hindi ko kakayanin kapag nawala phone ko.




Kinabukasan, maaga akong gumising dahil babalik ako sa campus. Hindi na nga ako nakakain dahil sa sobrang pagmamadali. Linggo kasi ngayon kaya half day lang magbubukas ang campus. Mabuti nga at pinapasok ako ng guard kahit na wala akong suot na id. Ano ba 'yan! Kahit weekends ay kailangan pa rin mag suot ng id!




Dali-dali akong dumiretso sa library, may iilang students na nandito, yung iba ay nagawa ng thesis habang yung iba naman ay nakuha ng resume. Hindi na ako nagsayang ng oras at agad kong hinanap ang phone ko sa inupuan ko kahapon, sa kamalas-malasan, wala roon ang phone ko.



Nawalan na ako ng pag-asang makikita ko pa yung cellphone ko, nag tanong-tanong na ako sa librarian pati sa ibang students dito pero wala silang nakitang phone. Nakuha na ata 'yon ng iba. Para tuloy akong batang kinuhanan ng candy habang nakaupo ako rito sa bench, tuloy-tuloy din ang pagpatak ng luha sa mata ko.




"Are you okay?" My heart almost fell, tumingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko at agad kong nakita si Luigi. He look worried.



Agad dumami ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko at noong hindi ko na napigilan, my tears started to fall. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap na lang ako sa baywang ni Luigi. Naramdaman ko naman ang gulat niya dahil sa bigla kong pagyakap ngunit binaliwala ko na lang 'yon. Gusto ko lang umiyak ngayon. Isasantabi ko na lang ang galit ko sa kaniya.



"Hey, are you okay? Can you tell me what's the problem so i can help you?" He said. Limang minuto na akong nakayap sa kaniya, nakapikit lang ako habang dinadama ko ang haplos niya sa ulo ko.




Kumalas na ako sa yakap at umisod ng kaunti para makaupo siya. Tumabi siya sa akin bago ako inabutan ng panyo. Nang hindi ko 'yon tinanggap, siya na ang nagkusang mag punas sa mukha ko. He wiped my tears, gently. Nagsalubong din ang aming tingin, walang nag-iiwas ng tingin sa'min hanggang sa matapos niyang punasan ang mukha ko.




Parang natutunaw ang puso ko. Para bang nawala lahat ng inis ko sa kaniya. He have this side pala, the caring one. My problem become lighter because of him. It feels like he's the one who can calm me.



"Sorry. Na-stress lang siguro ako dahil nawawala yung phone ko. Nawala na siguro 'yon, nandoon pa naman yung important files and details ko" napasabunot ako sa buhok ko kaya naman hinawakan niya ang kamay ko para matigil ako.



"Shh. Stop hurting yourself" he gently brushed my hand. "I'm here to help you" he then kissed my hand.



My heart beats faster. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang may nagkakarera dito. Idagdag mo pa ang malumanay niyang tingin sa'kin. Nakakatunaw.



Ilang minuto akong natigil bago muling nagsalita. "Can you help me find my phone?" Sabi ko sa maliit na boses.




The heck? Ako ba talaga 'yon? Para akong batang gustong magpa-baby.





"Of course, let me help you"



Tumayo na agad ako at naglakad na. Nasa likod ko siya at nakasunod sa akin. Malalaki ang hakbang ng paa niya kaya naman nakasunod agad siya sa akin.




Ilang oras din kaming nag tanong at nag hanap bago namin makita ang phone ko. Naroon lang pala 'yon kay kuyang guard. Mabuti na lang at siya ang nakakuha no'n. Tiningnan ko kung may nasira ba doon pero wala naman. Hindi rin 'to lobat. Siguro chinarge 'to ni kuya guard. Pagkakuha ko no'n, nagpasalamat na rin kami at nagbigay ng pera para sa pasasalamat. Umalis na rin kami at naglakad na palabas sa campus.





"Thank you" i said. Bahagya siyang napatigil sa paglalakad dahil doon.




Kumunot naman ang noo niya at parang nalilito "For what?" He asked.




"Thank you kasi kahit na hindi maganda ang treatment ko sa'yo e tinutulungan mo pa rin ako. Thank you kasi nandiyan ka palagi sa tabi ko. Thank you kasi hindi mo ako iniwan" sunod-sunod ang pagkakasabi ko.




"Always welcome. But i think i should be the one who thank you" umupo kami sa upuan pagkarating namin sa waiting shed.




Ako naman ngayon ang parang nagulat dahil sa sinabi niya "Why would you even thank me?" I look at him to wait for his answer.


""Thank you for not pushing me away, thank you for still letting me accompany you until now," After that, we were filled with silence. I couldn't speak because of it. I felt a bit guilty.




I remember, every time I see him, I don't treat him well. I always scold him even though he's not doing anything wrong to me, but I don't understand why until now his treatment towards me hasn't changed.





"Ah anyway, kumain ka na ba?" Agad niyang iniba ang topic.






Shook. Hindi pa nga pala ako nakain, ala una na pala. Hindi ko na namalayan ang oras, kanina pa akong umaga hindi nakain. Kumukulo na tuloy ang tiyan ko ngayon.





"No. Ikaw? Kumain ka na ba? Sabay na tayo, libre ko na because you help me find my phone," tumayo na ako kaya tumayo na rin siya.





"You don't have to treat me, sabay na lang tayo kumain tapos ako na yung magbabayad," nakatingala lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Ang tangkad pala talaga niya, hanggang balikat lang niya ako e.





"Nakakahiya. Ganito na lang, let's eat together then tig kalahati tayo ng bayad? Deal?" Nilahad ko ang kamay ko kaya napatingin siya doon.





"Deal." He smiled and took my hand, his dimple showing slightly which made my knees feel weak.

The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon