"Mauna na kayo sa library, may gagawin lang ako"
Nakatayo kaming dalawa ni luigi dito sa harap ng building 7. Simula na kasi ngayon ng review namin para sa inter quiz bee next month, kailangan naming mag handa para mapasama ang school namin sa aawardan. Pangalan din kasi ng school namin ang nakataya dito.
"Sige, ajax, una na kami" paalam ko. Nauna na rin akong maglakad kaya naman sumunod na rin si luigi.
"Do you have notes?" luigi asked me as soon as we entered the library that's why i raised my eyebrows. Anong tingin nito sa akin na hindi nag no-notes? "Sorry, i forgot to bring mine. Can i borrow yours?" Palihim na lang akong umirap bago iabot sa kaniya yung notes ko. Ipinatong ko na rin ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa.
Kaming dalawa ang nandito sa library, bukod kasi sa busy pa ang iba naming kasama yung iba naman ay may klase pa. Marami rin kasing ginagawa ang iba dahil karamihan ay higher grade kaya bawal mag skip ng klase. Mabuti na lang at excuse kami, nag advance study na rin kasi kami ni luigi kaya okay lang kung hindi kami maka-attend ng class ngayon.
Nagsimula na kaming magbasa ni luigi kaya naman walang nagsasalita ni isa sa amin. Ang awkward tuloy, hindi ako makapag focus!
Habang nagbabasa, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag pala si denver, ano na naman kayang kailangan ng lalaking 'to?!
"Oh, denver?" Bungad ko sa kaniya.
Bahagya akong lumayo kay luigi para hindi niya ako marinig, baka kasi maingayan siya at hindi siya makapag focus sa binabasa niya tapos sisihin niya pa ako.
[Nasaan ka?]
"Nasa library ako, nagrereview, bakit?" I almost rolled my eyes.
[Ang aga niyo naman mag review, next month pa naman ang quiz bee. Anyway, anong oras ka matatapos diyan?]
"I don't know, hanggang uwian ata kami dito"
[Okay, bye]
Pagkatapos, binabaan niya na ako ng tawag. Ang bastos grabe! Hindi ba siya tinuruan ng good manners?!
Pagkabalik ko sa upuan agad kong napansin si luigi na ngayon ay nakakunot ang noo, mahigpit din ang hawak niya sa libro na para bang may kaaway. Nang mapansin niya akong nakatingin sa kaniya agad naman siyang kumalma ng kaunti bago nag iwas ng tingin.
Halos ilang oras din kami ni luigi nagbasa dito kaya naman gutom na gutom na ako. Kumulo na nga ang tiyan ko, narinig ata 'yon ni luigi kaya nagpaalam siya na bibili siya ng pagkain namin. Hindi naman na ako tumanggi dahil gutom na talaga ako.
"Nasaan si luigi?" Lumapit sa akin ang aming kasamahan bago umupo.
Nandito na ngayon si ajax, kailey at jannet. Mukhang kakatapos lang nila sa klase, alas dose na rin kasi. Kung hindi pa kumulo ang tiyan ko hindi ko pa mamamalayan ang oras.
"Nasa canteen, nabili ng pagkain namin. Kumain naba kayo? Tanong ko sa kanila.
"Oo tapos na, kumain muna kayo bago tayo mag review ulit. Mukhang ngayon lang kayo tumigil magbasa ah" umupo si kailey sa harap ng aking upuan.
Isa-isa na rin silang naglabas ng mga gamit, hindi pa naman sila nagbabasa. Nagkwekwentuhan lang sila ng biglang may mag lapag ng pagkain sa harap ko. Noong una ay akala ko si luigi 'to pero nagkamali ako.
"Oh, denver? Ano 'to?"
"Pagkain 'yan solace, pagkain" pilosopong sagot niya. Inambahan ko naman 'to ng suntok kaya agad siyang umiwas, "Alam ko kasing hindi ka pa nakain kaya dinalhan na kita, kainin mo 'yan ha" ngumiti ito at prenteng umupo sa upuan.
BINABASA MO ANG
The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)
Teen FictionSolace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabulary. Luigi Keil Gonzales, his entire life, he had to live up to his family's expectations. His yearn...