"Sabay na tayo pumasok, please"
'Yan agad ang sinabi ko kay Luigi nang sagutin niya ang tawag. Nakabihis na ako ngayon at palabas na ng kwarto. Balik regular class na ulit kami ngayon, wala na kaming tinatapos na school works at requirements. Mabuti nalang din at hindi na gano'ng ka-busy si Luigi, noong nakaraang araw din kasi ay may inasikaso siya kasama ang tito niya.
[Uh.. okay. I'll pick you up, i love you] my lips immediately formed a smile because of that.
"I love you" I said as I pack my things.
Halos 20 minutes akong naghintay bago makarating dito si Luigi. Lumabas agad ako para salubungin siya, yumakap siya sa akin pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Nadaan pa kami ni manong bago kami tuluyang umalis.
Pagkarating namin sa campus, may ibang estudyante na agad ang nag tinginan sa amin. Kalat na sa buong campus na nililigawan ako ni Luigi, hindi na rin ako magtataka dahil maraming tao ang nag live noon. Kahit two weeks na ang nakakaraan, usap-usapan pa rin 'yon dito sa campus.
"Nandito na ang lovers" malakas na palakpakan ang narinig namin pag kapasok sa room. Si Yza na naman ang may pakana. Malaking ngiti ang nasa muka niya habang kami ay papunta sa upuan namin.
Naghiyawan naman ang iba naming kaklase na animo'y kinikilig. Minsan, nahihiya ako kapag inaasar kaming ganito. Hindi sa kinahihiya ko siya, pero yung feeling na inaasar-asar kayo? Parang gusto ko na lang magpagkain sa lupa. Minsan nga ang tawag nila sa amin ay rival lovers. Madaming nagtatanong kung paano kami naging magkasundo dahil alam naman nilang lahat na kinaiinisan ko si Luigi pero wala tayong magagawa, nahulog ako e.
Nagkekwentuhan pa kami nang dumating si Mrs. Agadipa. Nagsibalikan naman kami sa kanya-kanya naming upuan. Iba talaga ang aura nitong teacher namin na 'to e. Ang bigat ng aura, kaya siguro maraming nagrereklamo rito. Strikto rin na palaging nakakunot ang noo.
"Luigi, nabalitaan mo na ba na may quiz bee ulit next week?" Lahat ng tingin namin ay na kay Luigi matapos magsalita ni Mrs. Agadipa. Nagtama ang tingin namin kaya napairap ako. Nakakahalata na ako ha.
"No po," he responded.
Mrs. Agadipa nodded. "I guess hindi pa nasasabi sa'yo. Magpapatawag ng meeting mamaya ang director at tungkol doon ang pag-uusapan niyo, siya nalang ang magsasabi sa'yo ng buong details dahil bawal naming sabihin sa inyo." Hinila niya ang upuan para umupo.
Sa buong time ng klase niya, si Luigi lang ang kinakausap niya kaya naman halos ang iba naming kaklase ay may kaniya-kaniyang usapan habang ako ay lutang ang isip.
Hanggang sa matapos ang klase at makarating kami sa cafeteria, iniisip ko pa rin yung tungkol sa quiz bee. Para akong kinakabahan at nagtataka, hindi ko alan kung anong quiz bee competition ang pag-uusapan nila pero bakit si Luigi lang ang kinausap ni Mrs. Agadipa? Siya ba ang ilalaban sa quiz bee? Anong naging basehan nila para siya ang ilaban?
"Are you okay? Kanina ka pang nakatulala" bumalik ako sa wisyo nang magsalita si Luigi. I saw his worried eyes as he stare at me.
"Yes. May iniisip lang ako," umayos ako ng upo sabay ngumiti.
"Yung tungkol ba sa quiz bee ang iniisip mo?"
I didn't answer. Alam na alam niya talaga ang laman ng isip ko kapag may ganitong mga bagay.
"Do you think I'll be chosen again to compete in the quiz bee?" I asked him. He hold my hand for a while before answering me.
"Of course, baby. Ang galing-galing mo kaya," he patted my head, giving me a big hope.
BINABASA MO ANG
The Thrill Of The Chase (Rivals Series #1)
Teen FictionSolace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabulary. Luigi Keil Gonzales, his entire life, he had to live up to his family's expectations. His yearn...