"Kung i-rereport natin ang nangyayari dito sa awtoridad ay siguradong makukulong ang ama ni Anndi sampu ng mga kabaryo niya," ani Mikmik.
"Wala tayong magagawa. Kung gusto nating tumigil ang mga nangyayari dito ay kailangan natin dumulog sa nasa kapangyarihan. Kung hindi ay magpapatuloy ang walang saysay na kamatayan dito," wika ni Ichi habang dinadaing pa rin ang mga sugat sa kanyang katawan.
"Umalis na lang tayo dito. H'wag na tayong makialam. Lugar nila ito at kultura at wala tayong karapatang manghimasok," sabi naman ni Maya. "At isa pa, may pari silang kasama. Mahirap kalaban ang relihiyon."
"Matagal nang ipinagbawal ang pang-bababoy sa katawan ng namatay na. May kaparusahan iyon. At sa tingin ko sa paring ito ay may kaunting topak sa ulo. Panatiko siguro ng mga Inquisitor noong unang panahon." sagot naman ni Janni.
"Tama siya. At isa pa, hindi naman tayo makiki-alam pagkatapos nito. Ipapaalam lang natin ang nangyayari sa bayang ito. Pagkatapos ay hahayaan na natin ang mga awtoridad ang rumesolba ng suliranin nila," paliwanag ni Ichi kay Maya
"Sige sabihin na nating ire-report natin. Pero maniniwala ba sila sa atin? Imposible ang sinasabi mo." Ani Maya.
"May kakilala ako sa news department ng AMS Channel 8. Hihingi tayo ng tulong sa kanya. Kailangan ng mga taong ito ang tulong natin at hindi natin sila dapat talikuran. Sigurado naman akong kakagatin ng mga TV Networks ang story kasi interesting ang nangyayari dito." Determinado talaga si Ichi na ipaalam sa lahat ang nangyayari sa malayong probinsya na ito.
Maya-maya pa habang nag-uusap sila ay biglang pumasok si Anndi na kanina pa nakikinig sa kanila. Hindi na ito nagdalawang isip at kinausap ang mga kaibigan sa narinig niya.
"May balak pala kayong i-report ang mga nangyayari dito."
Wala agad nakapagsalita sa mga magkakaibigan. Alam nilang masasaktan si Anndi sa gagawin nila pero buo na ang pasya nila.
"Anndi, we're sorry. But this has to stop. Marami pang madadamay kung magpapatuloy lang sila sa ginagawa nilang ito. 2015 na, hindi na ito ang middle age na pwede nating isisi ang mga bagay na hindi natin maipaliwanag sa kung sino-sino lamang." Paliwanag sa kanya ni Janni
"Tama siya. Pagkatapos ng nakita kong ginawa nila kay Monica kagabi, hindi ko alam kung makakatulog pa ako nang maayos kapag wala akong ginawa." Nakatulala si Ichi na parang malayo ang iniisip habang nag-iisip.
Napabuntong hininga si Anndi sa usapan. Wala siyang maisip na pwedeng sabihin dahil tama ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan.
"Sige. Pero ipagpabukas na natin ang pag-alis," maikling sabi ni Anndi
"Natin? Sasama ka?" tanong ni Mikmik dito
"Oo. Baka mapahamak pa ako kapag nalaman nilang kayo ang nagsuplong sa kanila sa may kapangyarihan."
Nagulat ang apat sa agarang desisyon ni Anndi. Hindi nila inakala na handa nitong isaalang-alang ang kapakanan ng ama para sa ikatatahimik ng buong bayan.
At ganoon nga ang ginawa ng magkakaibigan. Sa buong araw ay sinubukan nilang h'wag na munang makialam sa mga nangyayari sa buong bayan. Kahit ba may naririnig sila paminsan-minsan na isang tao na sumisigaw ay sarado na ang kanilang tainga dito. Kailangan nilang mabuhay hanggang bukas at makaalis sa impyernong bayan na iyon.
Si Ichi at Mikmik ay nagkukulong sa kwarto sa ibaba at si Janni at Maya ay nagsama na sa isang kwarto sa itaas. Inayos na rin nila ang kani-kanilang mga gamit pati na rin ang alagang aso para handa na nila itong bitbitin sa oras na aalis na. Si Anndi naman ay hindi nila mahagilap. Siguro ay naroon ito at nakikigulo na naman sa paglilitis kung mayroon man.
BINABASA MO ANG
Credendum (Completed)
HorrorIsang nobelang hahamon sa inyong paniniwala tungkol sa relihiyon at kultura. Due to insintent public demand, I will upload the Book 2 of Credendum soon.