"Takbo na bilis,"tulirong sabi ni Ichi sa mga kasama.
Hindi na sila makapag-isip nang maayos matapos marinig ang sigaw na iyon. Ramdam na rin nila ang pagtakbo ng napakaraming mga paa papasok sa bahay nila Anndi. Wala na silang inaksayang oras at nagtatakbo papalabas ng bahay nila Anndi. Tumakbo sila nang tumakbo, natatakot sila na sa oras na hihinto sila ay may huhuli sa kanila at doon ay tiyak na ang katapusan nila.
Walang usap-usap, walang ginawang paglingon, wala nang pakialam kung may sumusunod ba o kasabay pa nila ang mga kasama. Sa dinadaanan nila ay may mangilan-ngilan na mga taong sinubukan silang pigilan pero hindi iyon nagtagumpay. Handa silang pumatay sa oras na pigilan ng kung sino man ang kanilang pagtakas. Para silang mababangis na hayop na tinutugis ng mga mangangaso.
Unti-unting dumami ang mga taong humahabol sa kanila. Dumagdag pa doon ang mga nagdiriwang kanina sa labas ng bahay nila Anndi at ngayon ay papalapit na sa lokasyon nila. Alam nilang masusukol sila ng mga ito at mahihirapan silang makatakas sa dami ng mga ito. Ilang sandali pa nga ay wala na silang matakasan. Nakapalibot na ang mga tao sa kanila habang silang apat ay magkakayakap.
"Paalisin niyo na kami," pakiusap ni Maya sa mga ito
"Para ano? Makapagsabog kayo ng kademonyohan sa ibang lugar? Mamamatay kayo ngayong gabi." Wika ng isang lalaki doon.
Akmang maglalapitan ang mga ito sa apat nang magsalita si Ichi.
"Sige magsilapit kayo sa amin. Sa oras na ahwakan ninyo kami ay ililipat namin sa inyo ang sumpa. Pinapangako ko rin na maghihirap ang mga anak niyo bago sila mamatay." Nag-atrasan ang mga ito at natakot sa sinabi ni Ichi. Ang mga nakapalibot sa kanila kanina ay naipon sa isang lugar, takot sa maaring gawin ni Ichi.
Nagsimulang lumayo silang apat ngunit sumunod pa rin ang mga tao sa kanila. Kung magpapatuloy ang ganitong klaseng pagtakas ay wala silang kapupuntahan. Maya-maya pa ay natanaw ni Mikmik mula sa malayo na parating na si Mang Lino. Alam niyang sa oras na abutan sila nito ay uutusan nito ang mga tao niyang dakpin sila. Nag-isip nang mabuti si Mikmik at nauwi sa iisang desisyon.
"Ichi, Pare kapag nakalabas kayo dito, makisabi sa mga magulang ko na mahal ko sila," seryosong sabi nito
"Ano bang pinagsasasabi mo? Makakaalis tayong lahat dito." Hindi magawang maniwala ni Mikmik sa sarili niyang salita.
"Parating na si Mang Lino. Kapag sinabi kong tumakbo kayo tumakbo na kayo." Naapakan ni Mikmik ang isang piraso ng mahabang kawayan at dinampot niya iyon.
"Pero..."
"Takbo!" sumugod si Mikmik sa mga tao. Ginamit niya ang mahabang kawayan para pigilang makasunod ang mga ito. Nagpaiwan siya para makatakas nang patuluyan sila Ichi, Janni at Maya. Hindi makasunod ang mga tao sa mga kaibigan na tumatakas dahil sa tuwing lalapit ito ay iaamba niya ang sariling katawan. Dahil nga sa takot ng mga ito na malipatan ng sumpa ay umaatras ang mga ito.
Sila Ichi naman ay hindi na inintindi pa kung ano ang nangyayari kay Mikmik. Mawawalan ng saysay ang pagsasakripisyong ginagawa ni Mikmik kung lahat sila ay mahuhuli. Nagtuloy lang sila sa pagtakas kahit naghalo na ang pawis at luha sa kanilang mga mukha. Tinungo nila ang madilim na kakahuyan. Gagamitin nila ang mayayabong na puno para makapagtago sa sandaling maabutan muli sila.
Sa lugar naman ni Mikmik ay dumating na si Mang Lino. Halata mong galit nag alit ito dahil hindi pa nahuhuli ang mga salarin sa pagkamatay ng kanyang anak.
"Anong ginagawa niyo? Bakit hinayaan ninyong makatakas ang tatlong iyon?" nanggagalaiting sigaw ni Mang Lino.
"Wala kaming magawa. Hinaharangan kami ng isang ito at sa oras dawn a lappitan namin siya ay papatayin niya ang mga anak namin at ililipat sa amin ang sumpa ng demonyo," wika ng isang lalaking naroon.
BINABASA MO ANG
Credendum (Completed)
HorrorIsang nobelang hahamon sa inyong paniniwala tungkol sa relihiyon at kultura. Due to insintent public demand, I will upload the Book 2 of Credendum soon.