"Takbo!" sigaw ni Mikmik sa mga kasama. Nakaalis na agad si Janni, Mikmik at Ichi ngunit si Maya ay nahuli na ng mga taong bayan. Nahinto pa si Mikmik para pagmasdan kung anong gagawin ng mga tao kay Maya.
"Pare wala na tayong magagawa. Kung hindi tayo tatakas ay pare-pareho tayong malalagutan ng hininga sa lugar na ito." Hinatak siya ni Ichi at muli silang tumakbo papalayo sa mga taong nais silang hulihin.
Pero sadyang napakaraming tao na nakapaligid sa kanila. Mukhang imposible yata silang makalabas ng bayan na ito. May ilang beses din silang naharang ng mga tao pero nagdesisyon silang manlaban dahil ayaw nilang magpahuli. Wala silang matakasan at matakbuhan dahil kahit saan sulok sila pumunta ay mayroong gustong humuli sa kanila. Pakiramdam nila ay isa silang baboy na hinuhuli tuwing fiesta. At kapag nahuli sila ay tiyak katay ang kahihinatnan nila.
Nagtatakbo sila sa may bandang kakahuyan para sana makapagtago. Gagamitin nila ang dilim para ikubli ang kanilang mga sarili. Tumakbo lamang sila hanggat may lupa at nang hindi na nila marinig ang mga paang humahabol sa kanila ay kumubli sila sa mayayabong na halaman.
Mayamaya pa ay nagdatingan na ang mga taong bayan na may dalang sulo. Nanginginig ang buong katawan ni Janni sa takot. Isang maling galaw nila at siguradong makikita ng mga tao kung nasaan sila at tiyak na ang katapusan nila. Sa tuwing may pagkakataon na lalapit sa kanila ang mga tao ay pinipigil nila ang kanilang paghinga sa takot na makita sila.
Ilang sandali pa ay ilang kalalakihan ang nakalapit sa lugar na kanilang pinagtataguan. Halos ang makakapal na halaman na lamang ang nagsisilbing pagitan sa kanila. Tinakpan ni Janni ang kanyang bibig, hindi niya na rin namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha sa sobrang takot. Nakahinga sila ng maluwag ng tumalikod ang grupo ng kalalakihan.
"Wala dito," sigaw ng isa sa mga lalaki.
Nakahinga na sana sila ng maluwag pero meron palang tao sa kanilang likod na nakakita na sa kanila.
"Huli kayo!" pinagtulung-tulungan ng mga ito ang tatlo ngunit nanlaban sila Mikmik at Ichi. Si Janni naman ay nagpumiglas pero wala ng magawa dahil sadyang mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya.
"Hindi niyo ako makukuha ng buhay," Sigaw ni Ichi sa mga ito. Napilitan nang gumamit ng dahas ang mga tao para mapigil ang pagwawala ni Ichi at ni Mikmik. Tig-isang hataw sa ulo ng dalawa at nawalan ng malay ito. Tanging ang sigaw na lamang ni Janni ang narinig nila bago pa man sila tuluyang mawalan ng ulirat. Hinatak ng mga taong bayan ang katawan ng dalawang walang malay na lalaki pati na rin si Janni papunta sa loob ng simbahan.
Pagdating nila sa loob ng simbahan ay naroon na si Maya na nakayakap kay Anndi. Muling nagpumiglas si Janni at malaya naman siyang pinakawalan ng may hawak sa kanya. Hindi na rin naman makakatakbo si Janni dahil napapaligiran silang lahat ng taong bayan. Tumakbo siya papalapit kay Anndi at Maya at nag-iiyak.
"Bakit ba nangyayari sa atin ito?" tanong ni Janni kay Anndi
"Hindi ko alam," sagot naman ni Anndi samantalang si Maya ay hindi makapagsalita at puro tahimik na iyak lamang ang ginagawa.
"Sinaktan nila sila Ichi at Mikmik."sumbong ni Janni na parang isang batang naghahanap ng kakampi. "Mamamatay na ba tayo?"
Sa puntong iyon ay nagsalita na si Maya. Bumitiw siya sa pagkakayakap kay Anndi. Hindi siya makapaniwala sa narinig na sinabi ni Janni.
"Mamamatay? Wala kaming ginagawang masama." Tiningnan niya si Anndi at nagpaliwanag.
"Alam ko. Gagawa tayo ng paraan. Alam kong makakaisip tayo,"sagot ni Anndi.
"Tayo? Kung mamamatay kami, hindi ka nila isasama. Pamilya mo ang promotor sa kabaliwang ito. Ngayon nga iniisip ko na baka niyaya mo kami dito para maipit sa gulong ito ng bayan ninyo." Hindi na alam ni Maya ang iisipin at pati si Anndi ay pinagbintangan niya na.
![](https://img.wattpad.com/cover/29190114-288-k577106.jpg)
BINABASA MO ANG
Credendum (Completed)
HorrorIsang nobelang hahamon sa inyong paniniwala tungkol sa relihiyon at kultura. Due to insintent public demand, I will upload the Book 2 of Credendum soon.