Ikalawang Kabanata: Ofelia-Ang Salarin?

2.2K 72 14
                                    

"Maari po bang makahingi ng tubig?" pakiusap ni Janni na kanina pa uhaw na uhaw sa haba ng biyahe. Agad naman siya inabutan ng tubig ng Ina ni Anndi ngunit nang maalala nito ang ginawang pagpapainom kanina sa sementeryo ay nasipan niyang h'wag nang uminom. Inabot niya ito sa tatlo at tanging ang dalawang lalake lamang ang uminom.

"Lupe ang pangalan ko. Pero pwede niyo akong tawaging Nanay kung gugustuhin niyo. Ang asawa ko naman ang pangalan niya ay Lino. Pagpasensyahan niyo na, namatay yung nakababatang kapatid niya noong isang araw nang dahil sa hindi namin mawaring sakit. Ang alam namin ay dala ng demonyo ang sakit na iyon basta ba bigla-bigla na lamang silang sumusuka ng dugo,"

Nagulat naman si Anndi sa narinig na balita sa Ina nito. "Ano ho! Si Tiyo Perto namatay na? Bakit hindi niyo naman ako sinabihan man lang?" reklamo nito sa Ina

"Ayaw ka na namin mag-alala pa at nag-iisa ka sa Maynila. Hindi ka rin naman makakauwi kahit na malaman mo at alam kong mas abala ang mga estudyante sa mga huling araw ng pasok. At isa pa, hindi na magugulo ang bayan na ito, nabendisyunan na ng pari ang bangkay ng mga demonyo. Gagaling na rin ang mga maysakit. Wala nang dapat ikabahala pa," sagot ni Aling Lupe sa anak.

"Kahit na, dapat nasabihan niyo man lang ako. Nakapag-paabot man lang sana ng pakikiramay sa mga pinsan ko," pagpupumilit ni Anndi.

Mukhang ancestral house ang bahay nila Anndi, ang mga bintana ay gawa sa capiz na gaya ng mga bahay noong panahon ng Kastila. Malaki at malawak ang bahay nila ngunit kitang-kita mo pa rin ang makalumang istilo nito, gaya na lamang ng mga ayos ng higaan sa mga silid. Bawat haligi ay sinusuportahan ng malapad na kahoy at ang hagdanan nila papaakyat ay matingkad at makintab na may mabusising detalye. Ang isang parte pa ng silong ng bahay nila ay ginawang tambakan ng mga bagay na hindi na ginagamit.

"May isang kwarto sa baba, dalawa naman ang papag doon. Doon mo na papatuluyin ang dalawang lalaking kasama mo. Kayong dalawa naman sa taas na, pinaayos ko na ang kwarto niyo sa taas. May dalawang guest room sa taas, pwede kayong mag-solo o pwede rin kayong magsama," paliwanag ni Aling Lupe sa kanila.

"Ay, ayokong kasama si Maya sa kwarto at magulo 'yan saka ang aso niya. Mas okay na 'yung iisa na lang ako sa kwarto," wika ni Janni

Nainis naman si Maya sa pagkaprangka ng kaibigan at sa harap pa ng Nanay ni Anndi sinabi ang bagay na iyon.

"Hoy, hindi naman masyado ah. Mabait rin naman si Fluffy. Di ba fluffy?" pagtutol nito.

Pumasok na si Mikmik at Ichi sa kwarto nila, kumpara sa inaasahan nila, maluwag ang kwarto at maaliwalas. Ang mga higaan ay gawa sa narra at mukhang mamahalin, yun nga lang wala iyong kutson dahil ganoong na raw ang nakasanayan doon. Kumpara sa bintana sa taas na gawang capiz ang bintana sa ibaba ay gawa sa salamin, nasira daw kasi iyon ng bagyo at wala na silang maghanap na kapalit.

Nang silang dalawa na lamang ang natira sa kwarto, hindi maiwasan na mag-usap niIa Ichi at Mikmik sa nakita kanina.

"I can't imagine na may paniniwala pa palang ganoong ngayon, that was so sick. Imagine patay na hinukay pa pinutulan pa ng ulo at tinanggalan pa ng laman loob sabay pinainom sa may sakit. Sinong matinong tao ang makakaisip noon? Parang naiwan sila noong unang panahon," ani Inchi

"Apparently, ang baryo itong ay naniniwala pa doon. Dayo lang tayo kaya hindi tayo pwedeng makialam, sabi nga nila When you're in Rome, do as the Romans do," paliwanag sa kanya ni Mikmik

"Pero wala tayo sa Rome!" biro nito sa kaibigan.

"Gago!" sabay natawa silang dalawa.

Mayamaya pa ay may narinig silang babae na sumisigaw sa labas ng bahay nila Anndi. Sumilip tuloy silang dalawa sa may salamin na bintana ng bahay para makita kung ano sanhi ng kaguluhan.

Credendum (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon