"Itali niyo siya!" mataas ang boses ni Mang Lino. Nagulantang ang magkakaibigan sa narinig na utos nito pero wala silang magawa, isa-isa nang naglapitan ang mga kabaryo kay Monica at hinawakan ito ng mahigpit. Si Monica naman ay nagpumiglas at sinubukang magmakaawa sa mga tao lalo na kay Padre Pio.
"Padre, tulungan niyo po ako. Kilala niyo po ako na taong simbahan at alam niyo po na hindi ko magagawang pagtaksilan ang Diyos." pakiusap niya sa Padre
Lumapit sa kanya si Aling Elsa at sinampal siya ng malakas sa pisngi.
"Ang kapal ng mukha mong usalin ang pangalan ng Diyos, matapos mong patayin ang anak ko! H'wag niyo siyang pakikingan Padre. Ang demonyo ang nagsasalita at hindi si Monica." Nandidilat ang mata ni Aling Elsa, kung maari lang na patuloy niyang pagsasampalin ang babae sa kanyang harapan ay gagawin niya.
Nagpumiglas si Monica pero sadyang malakas ang kapit ng mga kababaryo niya at wala siyang magawa. Nagpakawala siya ng sigaw na parang isang mabangis na hayop na ikinagulat ng mga kabaryo niya.
"Nagsisimula niya nang ipakita ang totoo niyang pagkatao!" sigaw ng isa sa mga may hawak.
Nag-atrasan ang ibang tao habang tumulong ang iba pa sa nagwawalang si Monica. Nag-alala na sila Janni at baka kung mapaano ang sanggol sa sinapupunan ni Monica. Sinubukan niyang lumapit sa kaguluhan pero hinawakan siya ni Anndi at pinigilan. Ayaw ni Anndi na madamay pa sa kaguluhan ang kaniyang mga kaibigan. Sa puntong ito ay mas nakakatakot pa ang mga kabaryo niya kumpara sa pinaghihinalaan nilang mangkukulam.
Pinagtulung-tulungan nilang isinampa ang nagwawalang si Monica sa patayong tabla na ginawa ng mga tiga baryo. Itinali nila nang magkahiwalay ang bawat kamay at paa nito gamit ang mga kadenang bakal na nakalagay sa bawat dulo.
"Mga hayup kayo! Kayo ang totoong mga sugo ng demonyo," sigaw ni Monica sa mga taong bayan
"Aminin mo ang mga kasalanan mo at ikaw ay maliligtas," utos sa kanya ni Mang Lino. Parang kulog na dumadagundong ang boses nito at alam mong may awtoridad ito kung magsalita.
"Wala akong aaminin. Aling Lupe tulungan ninyo ako," paki-usap nito sa asawa ni Mang lino na nasa isang tabi at hindi makatingin sa pang-aalipustang ginagawa sa isang buntis na babae.
Matapos marinig ni Mang Lino ang sinabi ni Elsa ay inutusan niya ang kanyang mga kabaryo na ikutin ang bilog na nasa gilid. Agad namang tumalima ang isang lalaki at unti-unting inikot ang parte na iyon. Kitang-kita mo kung paano higitin ang mga braso at binti ni Monica at nagsisigaw ito sa sakit.
"Itigil niyo ito. Maawa kayo sa akin at sa anak ko," nagmamakaawang sabi ni Monica habang nagsisisigaw sa sakit. Parang isang malakas na daluyong ng hangin ang kanyang pag-iyak. Gumuguhit sa dibdib at nananatili sa utak.
"Kung gusto mong ihinto na ito ay kailangan mo lamang aminin ang iyong mga kasalanan," ani Mang Lino.
Bumaling ang paningin ni Monica sa ibang naroon na parang naghahanap ng kakampi. Nadako ang paningin nito sa lugar nila Anndi na wala ring magawa kung hindi ang pagmasdan ang kalunos lunos na pangyayari.
"Tulungan niyo ako. Alam kong alam niyo na wala akong ginagawang masama," paki-usap nito kila Anndi at sa mga kasama niya.
Walang nagawa sila Anndi kung hindi ang iiwas ang paningin nila. Wala silang kakayahan na baligtadin ang paniniwala ng kanilang mga kabaryo pati na ang kanilang desisyon. Nakita iyon ni Monica at parang naupos na kandila ang kaniyang pag-asa. Wala na siyang maaasahan kung hindi ang sarili. Handa siyang gawin ang lahat mailigtas lamang ang bata sa kanyang sinapupunan.
"Mang Lino, kung nais niyo ay aalis na lamang kami sa baryo na ito. Nakikiusap ako sa inyo, hayaan niyo na lamang kaming umalis,"
Sandaling nag-isip si Mang Lino. Papayagan na sana niya si Monica na lisanin na lamang ang baryo nang magsalita si Elsa.
BINABASA MO ANG
Credendum (Completed)
HorrorIsang nobelang hahamon sa inyong paniniwala tungkol sa relihiyon at kultura. Due to insintent public demand, I will upload the Book 2 of Credendum soon.