Chapter 5:Remembering My Past

28 2 0
                                    

Jc's POV
Nakita ko sila Gwen at Eugene na naghaharutan sa may sala!kadarating lang siguro ni Gwen?!!.bigla akong nakaramdam ng inggit nang makita ko sila ka sweet sa isa't-isa,wala kasi akong kapatid at anak lang ako ni papa sa labas!!pero okay lang dahil tanggap naman ako ng tunay na anak ni Papa!nung una nagalit ako kay Papa dahil malaki na ako nang magpakilala siya.dinala niya ako sa bahay nila nung namatay ang mama ko!nung una hindi ako tanggap ng asawa ni daddy.

*Flashback*
"BAKIT MO DINALA YANG ANAK MO SA LABAS DITO SA PAMAMAHAY KO HA?".sigaw na tanong ng Mama nila Eugene kay Papa.

"Dinala ko siya dito para alagaan dahil anak ko din siya".pagpapa-liwanag ni Papa.

"AT ANO?ANO ANG GAGAWIN KO SA KANYA?AALAGAAN DIN?".tanong ng asawa ni Papa na si tita Iris.

"Oo dahil gusto kong iparanas sa kanya kung gaano kasaya mag karon ng pamilya na kompleto".mahabang pagpapa-liwanag ni Papa.

"KUNG GUSTO MO IKAW ANG GUMAWA NUN MAG-ISA DAHIL HINDI KO MATATANGGAP YANG BATANG YAN".sabi ulit ni Tita Iris at umalis na!iyak lang ako ng iyak dahil sa mga sinabi ni Tita Iris :'( nilapitan naman ako ni Papa at inalo.

"Anak wag kana umiyak!matatanggap ka din ng magiging Mama mo!".pag-papalakas nang loob sa akin ni Papa.

"Paano po kapag hindi niya ako na tanggap?".tanong ko ko habang pinupinasan ang mga luha ko.
7 yrs old palang ako nun kasing edad ko lang din si Gwen pero mas matanda ako sa kanya ng months.at si Eugene naman ay 6 yrs old.

"Ipapakilala kita bukas sa mga kapatid mo ha!magpahinga kana muna dun sa room mo".malambing na sabi sa akin ni Papa.pinahatid niya na ako sa isa sa mga kasambahay nila!!natuwa ako nang makita ko ang kwarto na tutulugan ko malaki,malawak,malinis at puno ng mga laruan na pang lalaki!!.pero napawi din ang nararamdaman kong saya nang maalalako si nanay biglang may tumulong luha sa aking mga mata.

"Sana maging masaya ka Nay kung nasan ka man po ngayon".sabi ko sabay punas sa mga tumulong luha sa mata ko.

*Kinabukasan*

"Pa sino po siya?".tanong nang batang babae na nakaupo sa tabi ng batang lalaki.

"Kaya nga pa!tsaka bakit po wala si Mama?".nagtatakang tanong naman ng batang lalaki.

"Siya nga pala ang kuya Jc niyo".pagpapakilala sa akin ni Papa.
"What?he's our step brother?".gulat na tanong ng batang babae na si Gwen.
"Yes princess,mula ngayon kuya Jc na ang tawag niyo sa kanya".naka-ngiting pahayag ni Papa.

"Ayoko pa!hindi ko siya matatawag na kuya dahil hindi ko naman siya kapatid".sabi ng batang lalaki na si Eugene at umalis na siya kaagad ng hindi tinapos ang pagkain.naiwan naman kaming tatlo sa harap ng lamesa.

"Wag kana malungkot Jc matatanggap ka din ni Eugene".sabi ni Papa.
"Okay lang po iyon Pa".sabi ko.napatingin naman ako dun kay Gwen dahil ramdam kong nakatingin siya sa akin.

"Gwen ikaw muna ang bahala sa kuya Jc mo ah papasok pa kasi si Papa sa work".sabi ni Papa sa amin at kiniss kaming dalawa sa Noo.
"Opo Papa".naka-ngiting sabi ni Gwen.sabay kiss sa pisngi ni Papa!!naiwan kaming dalawa at tahimik na kumain ng breakfast.l nang bigla siyang magsalita.

"Hi Kuya Jc ako nga pala si Gwen!Gwen Iris Sakurakoji!".pagpapa-kilala niya sabay ngiti na nagpalabas nang dalawa niyang dimple.
"Ako nga pala si Jc Sakurakoji!kaya tayo magka-apelyido kasi ayu yung pinagamit sa akin ng Nanay ko!".mahabang paliwanag ko.
"Ah okay!gusto mo Kuya ilibot kita dito sa bahay?".tanong niya sa akin.
"Ah sige!".nahihiyang sabi ko,natapos kaming kumain at tinour na niya ako sa kanilang bahay na panganga ako sa laki niyon.
"Ate Gwen bakit mo siya kasama?".biglang sumulpot sa kung saan si Eugene.
"Tinour ko lang siya dito sa bahay".sabi ni Gwen.
"Diba hindi naman natin siya tunay na kapatid!eh anak lang naman siya ni Papa sa ibang babae na malandi".sabi ni Eugene.bigla akong nakaramdam ng galit nang tawaging malandi ni Eugene ang Nanay ko bigla ko siyang naitulak sa Galit na nararamdaman ko.
"Hindi malandi ang Nanay ko!".sabi ko!napa-upo siya sa Bermuda grass dahil sa pag-tulak ko.

The Beauty is What We Aim ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon