Chloe's POV
Nagpaalam ako kila Mama at Papa na may bibilhin lang ako sa 7-eleven nang makita ako ni Jc."Oh,gabi na ah bakit nandito ka pa sa labas?".bungad niya ng makalapit siya sa pwesto ko.
"Tsaka bakit ganyan yang suot mo?".pukaw niya sa suot ko,wala namang masama sa soot ko na isang sando na pink na pinatungan ko ng black jacket at isang maikling short na kulay pink din.wala namang masama dun diba??
"Dapat sayo hindi nagsusuot ng ganyan kapag nalabas eh".iiling-iling na sabi niya kaya napasimangot ako,bakit ba lahat napapansin nito?.
"Wag kana sumimangot diyan Honey ko,ayaw ko lang kasi na mabastos ka at kung sino-sino ang makakikita sayo na nakaganyan,dapat ako lang".matutuwa na sana ako dahil sa pinoprotektahan niya ako,kaya lang may pahabol pa na 'ako lang dapat niyan thingy'.pero nakaramdam ako ng kilig ng dahil sa pinoprotektahan niya ako.
Whhaaaatt?Kilig?
Hindi ko na lang pinansin yun.bigla na lang ako inakbayan ni Jc sa tsaka pinapila sa counter.Abay magaling ginawa pa akong tagapila niya.
"Lintek ka,hinatak mo lang ako dito para papilahin".nakasimangot na sabi ko,hindi pa nga ako nakakabili ng bibilhin ko dito eh,pinapila na ako agad.
"Hoy lalaki ikaw nga pumila dito,hindi pa nga ako nakakabili ng bibilhin ko eh".sabi ko,prente lang kasi siyang nakaupo sa isa sa mga upuan doon.
"Ano ba bibilhin mo at ako na ang kukuha?".tanong niya at ang leche hindi man lang ako tinignan.
"Ako na lang,ikaw na dito".ayaw ko naman na siya ang kumuha nun no,tsaka nahihiya ako.
"Ako na nga,at ikaw na ang pumila diyan".hay kulit talaga.ewan ko lang kung makakuha ka kapag sinabi ko sayo kung ano yung bibilhin ko.
"Na-napkin,ikuha mo ako ng napkin".mediyo nauutal na sabi ko.Buti na lang wala akong kasunod sa pila,baka maasar yun sa akin sa tagal ko ba naman dito sa pila.Malayo na yung nasa unahan ko pero ako nandito parin sa pwesto ko dahil sa pakikipag pilitan kay Jc.
"Yun lang pala eh".sabi niya at nagulat naman ako ng tumayo siya sa pwesto niya at tinungo ang stall ng mga napkin,at napa nganga ako dahil sa dami ng kinuha niyang napkin at iba-ibang brand pa.
"Oh halika na,bayaran na natin to".sabi niya habang ako naka-tulala pa.pumunta na siya sa counter may dala din siyang isang galon ng ice cream at mga pagkain.bumalik naman na ako sa ulirat at lumapit na din sa counter.
"Ako na magbabayad niyan".sabi ko ng akmang babayaran niya yung mga napkin na pinakuha ko sa kanya.
"Ako na,asawa naman na kita kaya wag kanang humirit pa".kinilig naman yung cashier sa sinabi ng hinayupak na si Jc.at dahil sa mapilit siya,siya na ang pinagbayad ko.
"Baka naman pati pagbibit-bit niyan akuin mo na din".sarcastic na sabi ko ng mabayadan niya na yun.
"Hindi ah,ang abusado mo naman Honey ko kung ako pa ang magbibit-bit niyan".langya,sa asar ko hinampas ko sa kanya yung dala kong plastic bag na may mga laman na napkin.
"Hahaha.Tara sama ka muna sa akin,dun sa H.O namin".aya niya ng makalabas na kami sa 7-eleven.
"Ayoko baka hinahanap na ako nila Mama at Papa".pagtanggi ko,baka kasi pagalitan ako.8:00 pm na din kasi at kapag sumama pa ako sa H.O nila,baka anong oras na ako makauwi.
"Tara na,pagpaalam kita".pangungulit niya
"Bakit?kilala ka ba ng parents ko?".tanong ko,ang lakas-lakas ng loob niya ipagpaalam ako tapos mamaya hindi niya naman pala kilala.
BINABASA MO ANG
The Beauty is What We Aim For
Fiksi RemajaKami ang mga babaeng sa unang tingin eh maganda,pero kapag sa pangalawang tingin eh mas lalong maganda hahaha. Ok ang mais na :D. Eto na talaga.Ehem Ehem Kami ang mga babaeng sa unang tingin eh walang kinatatakutan at walang lihim na itinatago. Pero...