Elix/Gami's POV
"Gami~~"Tok tok tok
"Gami~~ kakain na tayo".nagising ako ng dahil sa katok ni Kuya.
"Sunod na lang ako Kuya".balik na sabi ko
Natulog kasi ako pagdating ko galing sa school,buti na lang friday ngayon.Ang bilis ng araw no,friday na agad XD,anyway kaya ako natulog kagad pagdating ko dahil sa nastress ako dun sa babaeng coloring book na yun,sama pa yung maarteng Ex ni Lexis.
Tumayo na ako kama at chineck ang oras sa bedside table ko.
"7:30 pm na pala".sabi kong makita ang oras,dumiretso na ako sa banyo para mag hilamos at magmumog.Bago ako lumabas ng kwarto ko kinuha ko muna ang cellphone ko tsaka bumaba para pununta sa dinning.
Naabutan ko doon sila Dad at Kuya na prenteng nakaupo.
"Hi Dad".bati ko kay papa sabay kiss sa cheeks niya,lumapit dib ako kay kuya para ikiss siya sa cheeks,at ang kuya kong buang bigla na lang ako niyakap.
"Anyari sayo Kuya?bigla-bigla ka na lang nangyayakap?".minsan lang kasi sakin gawin yun ni Kuya kaya hindi ako masyadong sanay.
"Wala,namiss ko lang yung baby damulag namin".sabi niya.Alam ko na,may problema to si kuya kaya ganto to.
Umalis na ako sa pagkaka-yakao niya at umupo na sa katapay niyang upuan.
Nagsimula na kaming kumain na tahimik lang si Kuya,kaya pati si Papa napansin na din ang pagiging tahimik ni Kuya.Tinatanong naman ni Papa kung ano ang problema ni Kuya,sabi ni Kuya na wala lang kaya pinabayaan na kang ni Papa.Alam naman ni Papa nanmay problema si Kuya kahit hindi pa sabihin ni Kuya,ayaw lang niyang pilitin si Kuya na sabihin.
Nang matapos kaming kumain,agad na lumabas si Kuya para pumunta sa Veranda,kaya nagpaalam din ako kay Papa na susundan ko lang si Kuya.
Naabutan ko si Kuya doon na may hawak na Marlboro black,nagsisigarilyo lang si kuya kapag Stress siya o di kaya kapag may problema.Tinabihan ko siya,ilang minuto di kaming tahimik ni Kuya,at dahil ayaw niya sabihin kung ano ang problema niya,ako na ang nagtaning.
"Ano Kuya ang problema?".tanong ko at para maumpisahan na namin ang topic tungkol sa problema niya.Kesa naman na magpakiramdaman kami.
"Nagalit kasi sakin si Serenity".malungkot na sabi niya
"Ano naman ang dahilan at nagalit siya sayo?".tanong ko.hindi naman kasi magagalit ang isang tao nang walang dahilan.diba?
"Nakita niya kasi kami ng Ex ko na naghahalikan".sagot niya,at dahil sa sagot niya na yun binatukan ko siya.
"Aray ko naman Baby damulag,grabe ka naman makabatok*pout*".abay nag pout pa talaga ang buang kong Kuya.
"Kahit naman sino Kuya mababatukan ka ng wala sa oras,o baka nga hindi lang batok maabot mo kung marinig yang dahilan mo".asar na sabi ko,maski naman ako magagalit kung mangyari man yun sakin.
"Patapusin mo muna kasi ako tsk".sabi niya
"Sorry naman,sige tuloy mo na".sabi ko
"Hindi ko naman tutugunin yun kung hindi niya lang ako pinainom ng juice na may halo palang gamot".paliwanag niya.So naghahabol pa pala ang kung sino mang babae na yun sa Kuya ko?.
"May picture ka ba ng Ex mong malandi na naghahabol sayo at ng mai-salvage na namin ng mga kaibigan ko?".inis na sabi ko,sa lahat kasi ng naging jowa ni Kuya,si Ate Serenity ang nagustuhan ko,simple pero malakas ang dating.
Ay teka,sila na ba??
"Oy Kuya,kayo na ba?".tanong ko,wala naman kasi siyang naike-kwento sa akin eh.
"Yup,last month pa".aba't ang galing naman ng Kuya ko.Last month pa pala sila ni Ate Serenity,hindi man lang ako ininform.
"Last month pa pala kayo,hindi mo man lang sinabi sakin hmp".nagtatampong sabi ko
"Haha sorry na baby,hindi kinna sabi sayo".sabi niya at inakbayan ako.
"Ano na nga Kuya?may picture ba nun at nang makapgplano na kami sa pagsalvage dun".pagbabalik ko ulit sa topic namin kanina.
"Watch your mouth Baby,ayaw ko namang madumihan yang kamay mo at ng mga kaibigan mo ng dahil lang sa walang kwentang tao".sabi niya,pinapagilatan niya ako kapag nagsasabi ako ng masama sa kapwa ko,ayun daw kasi ang paalala sa amin ni Mama,na wag magsalitang masama sa kapwa namin.kahit na nakaka-asar na hindi sila sabihan ng ganun.
"Grabe ka naman Kuya makasabi ng 'walang kwentang tao,pero sa bagay wala naman talagang kwentang tao ang sumisira sa isang relasyon".sabi ko
"Pero kahit na Kuya,gumawa parin siya ng kasalanan".inis na sabi ko,natawa na lang si Kuya sa sinabi ko.
"Umiral nanaman yang pagiging Childish mo Baby,wag mo na lang yun intindihin".sabi niya kaya napasimangot na lang ako.
Bigla na lang ako nakaisip ng paraan para matulungan si Kuya.
"Gusto mo Kuya tulungan ka namin ng BIWWAF?".suggest ko,maliban kasi sa mga boys na may alam sa sekreto namin,isa si Kuya sa may alam nun.Siya ang unang nakaalam nun,dahil sa isang beses siyang pumunta sa Hit Bar,nung makita niya kaming mag-perform doon,akala ko nga magagalit siya dahil dun eh,yun pala naging proud pa siya sa amin dahil daw kaya naming magperform sa lahat ng maraming tao at kung saan daw kami masaya,sundin lang daw namin.
"Wag kana mag-alala Baby,problema ko to kaya kailangan ako ang gumawa ng paraan para hindi na magalit sa akin si Serenity".Hay nako,inuna nanaman ni Kuya ang ego niya.
Ayaw kasi ni Kuya na natatapakan ang ego niya,sa tingin ko naman ganun din ang mga lahat ng lalaki,ayaw nang natatapakan ang ego nila.
"Hay nako Kuya,wag kana ngang maarte diyan,may kapalit naman yan eh".nakangising sabi ko hahahaha.sa panahin ngayon wala nang libre.
"Kaya ayaw kong magpatulong sayo eh,may kapalit".pabirong sabi niya kaya sinapak ko siya sa braso ng hindi naman masyadong malakas.
"Halika na nga Kuya mag palit kana,may haharanahin pa tayo".sabi ko tsaka ko siya hinatak papunta sa kwarto niya.
Pinaupo ko siya sa kama niya at tsaka ko siya pinilian ng damit.
Kinuhanan ko siya ng isang gray long sleeve,jagger pants at isang airmax.Umiling naman siya ng makita ang sapatos na kinuha ko,kinuha niya yung sapatos na kinuha ko at ibinalik sa closet niya na punong-puno ng collection niya ng sapatos.Nakita kong kinuha niya ang color blue green niyang rosh run na sapatos.
"Hmm,okay na din".pagpukaw ko sa porma niya
Dumiretso na din ako sa kwarto ko at tinext sila Yhana,Meg, at Chloe na may operation kami ngayon.
To:Yhanatot,Chloe sungit, and Megu Megu(haha parang Mogu Mogu lang)
"Guys Operation:Help Kuya"
Send
Pagkasend ko ng txt sa kanila,pumili na din ako ng damit na susootin ko.
Kumuha ako ng isang ripped short na tago ang mga hita ko,yung above the knee ang haba at isang t-shirt na may punit din sa likod ng kulay black kaya kitang-kita ang maputi kong likod.Naisipan ko ding isuot ang glowing the dark na sapatos ko.All black ang ibabaw nito at glowing the dark naman ang ilalim nito,nag lagay din ako ng eyeliner.
Patapos na ako ng maka-recieve ako ng txt galing kay Chloe.
Fr.Chloe sungit
Sama kami
-Eugene hot,Stephen hunk,Lexis pinakagwapo and Jc na pinaka hot,hunk, at gwapo.
-_____-
Yan lang ang reaksyon ko nang mabasa yung txt na galing kay Chloe.
Pano naman niya nakasama ang apat na lalaki na yun?? Lintek naman oh >_____<.
A/N
Sa next Chappie na ang POV nila Chloe,Yhana and Meg ^___^V.#TBIWWAF
#Operation:HelpKuya

BINABASA MO ANG
The Beauty is What We Aim For
Novela JuvenilKami ang mga babaeng sa unang tingin eh maganda,pero kapag sa pangalawang tingin eh mas lalong maganda hahaha. Ok ang mais na :D. Eto na talaga.Ehem Ehem Kami ang mga babaeng sa unang tingin eh walang kinatatakutan at walang lihim na itinatago. Pero...