Chapter 17:Ano nga ba??

12 1 0
                                    

Stephen's POV
Nakininig lang ako kay Prof. habang nagka-klase siya.Kahit naman ganto kami eh hindi na kami na ngangamba sa grades namin!!!.Siyempre last na namin sa high school at ayaw ko naman na maiwan ako ni Meg sa high school kaya kelangan ko mag-aral ng mabuti.Math ang subject namin ngayon.hindi naman ako masyadong mahina at hindi din ako masyadong magaling sa Math,kaya pwede na din.

"Mr.Riisa,What is Geometric Sequence?".tanong ni Maam.Sanggalang sakin.tumayo naman ako agad para sagutin yung tanong niya.

"Geometric Sequence-where each term after the first is obtained by multiplying the precending term by nonzero constant called the common ratio".mahabang paliwanag ko.nagpatuloy na si Maam sa pagtuturo ng kalabitin ako ng katabi ko,which is si Meg.

"Ahm Stephen!.May tubig ka?nauuhaw na kasi ako eh!".tanong niya sa akin.buti na lang palagi akong may dalang tubig.Kinuha ko na yung tubigan ko at ibinigay sa kanya.Nang iabot ko sa kanya yung tubigan ko halos maubos niya na yung laman nun ng matapos siya.

"Thanks ;)".sabi niya sabay abot sakin ng tubigan ko.

"Halatang hindi ka uhaw na uhaw ah".panga-asar ko ngumiti lang siya sa akin at nakinig na ulit kay Maam.Natapos na kami sa last subject namin at sakto din na may meeting din pala sila.nagsilabasan na lahat ng kaklase namin,sabay na kaming naglakad sa corridor dahil alam ko naman na magkikita din kami mamaya kaya nagsama na lang kami.

San ko nga ba sisimulan para mahulog siya sa akin??.

Meg's POV
Grabe uhaw na uhaw ako kanina,hindi dahil mainit,malamig nga dito  eh kasi may aircon naman tong room namin at hindi naman papayag si Gami na walang Aircon tong mga rooms nila,yun pa eh pawisin nga yung babae na yun.Kaya lang naman ako nanghingi ng tubig kasi hindi ko maintindihan yung math namin.

Oho aamin na ako na mahina ako sa subject na Math,wala naman akong magagawa kung mahina talaga ako sa subject na yun.Sa aming grupo kaming dalawa ni Gami ang mahina sa math,medjo nakakaintindi naman ako ewan ko lang kay Gami XD.

Kasalukuyan kaming naglalakad ng maisipan kong mag-paturo kay Stephen ng math,wala naman atang masama kung magpaturo ako eh.

"Stephen,pwede bang turuan mo ko sa math??!!mahina kasi ako sa subject na yun eh".sabi ko,hindi naman na ako nahiya na sabihin sa kanya kasi totoo naman.

"Kelan mo ba gustong mag-umpisa?".tanong niya.

"Hmmm sa sabado na lang,hindi ko kasi talaga magets yung tinuturo ni Maam eh hehehe =}".nahihiyang sabi ko.siyempre kahit naman totoo na mahina ako sa math nahihiya parin ako sabihin yun sa iba no.

"Madali lang naman yun kung nakikinig ka lang"sabi niya.at para bang pinatatama niya yun sa akin,kahit hindi naman totoo yun parang tinamaan ako sa sinabi niya -____-.

"So ibig sabihin pala hindi ako nakikinig".sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama hahahaha hindi naman big deal sakin yung sinabi niya.

"Ops hindi ako nag sabi niyan".sabi niya sabay gulo ng buhok ko,at dahil ayaw ko ng ginugulo ang buhok ko na para bang aso,babatukan ko sana siya kaya lang nakita niya ako kaya ang ending naghabulan lang kami ng walang humpay.

At dahil napagod na ako sa kakahabol sa kanya at hindi ko siya mahuli,naka-isip ako ng paraan para mahuli siya.

"A-arouch paa ko".nagkunwari akong nadapa para mahuli siya,ikaw ba naman makipag habulan sa may mahahabang mga biyas sa tingin mo mahuhuli mo siya ng ganun hahaha XD.Lumapit naman siya agad sa akin at alalang alala ang expresyon na nababasa ko sa mukha niya.

"Okay ka lang ba??".nagaalala niyang tanong sakin ng makalapit siya,at dun na ako bumwelo para itulak siya.tumakbo ako palayo sa kanya,pero nung lingunin ko siya nakita kong nakahiga siya sa sahig at hindi gumagalaw.

Bigla akong kinabahan ng makita ko siyang ganun.

Hindi naman malakas yung pagkakatulak ko sa kanya ah!!

Pero tinulak mo parin

Paninisi din sa akin ng isip ko.Hala pati ba naman isip ko,ako din yung sinisisi.

Dali-dali naman akong tumakbo at lumapit sa pwesto sa kanya para icheck siya.

"St-stephen huy gising".sabi ko sabay yugyog sa kanya.natatakot ako na ewan baka may masamang mangya-

"*tsup* huli ka"

Napatulala ako ng dahil ng sa ginawa niya at hindi pa talaga nag-sink in sa utak ko kung ano yung nangyari.

Hindi naman sa first kiss ko yun,nagkaroon din naman ako ng boyfriend kahit ayaw ni Chloe at hindi din naman si Stephen ang first kiss ko.

Nang mag-sink in na sa utak ko ang scence na yun,bigla na lang uminit ang mukha ko pati na din ang ulo ko.

"Hahahahahahaha your face is like a tomatoe Meg".sabi niya
Letche tinawanan mo pa ako.sa inis ko

*PAK*

"Bwiset ka!! hindi mo ba alam na nag-alala ako sayo tapos yun pala hindi ka naman talaga nasaktan *hik*".galit na sabi ko at hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo sa mga mata ko at dun ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako.

"Sorry Meg nagbibiro lang naman ako eh".sabi niya ng makatayo siya,pero tinalikuran ko na siya sabay punas sa mga luha ko.

"Uy Meg Sorry na!!Joke lang naman yun eh".sabi niya habang nakasunod parin sa akin na nagso-sorry parin kaya hinarap ko na siya.

"Biro man yun o hindi ginawa mo parin".inis na sabi ko.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pinapahaba ko pa ang issue na to.
Dahil ba to sa ginawa niyang pagbibiro "kuno" o dahil sa kiss??.

Ipinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na sa paglalakad at hindi na pinansin si Stephen na hanggang ngayon eh nagso-sorry parin.

A/N
Hello readers(kung meron nga ba hahaha XD) sorry po kung hindi ako nakakapag dedic. Cellphone lang po kasi yung gamit ko kaya hindi po ako makapag dedic.

And sorry po ulit kung bakit ngayon lang ako nakapag UD :'(.marami po kasi kaming ginagawa sa school at may trainning din po kasi ako sa track and field kaya ngayon lang ako nakapag UD.

O..........kay walang may pake XD.

#TBIWWAF
#Anongaba??

The Beauty is What We Aim ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon