.Chapter 15:Ligawan Portion

3 1 0
                                    

Dito pa lang po nag-uumpisa ang story guys.

Chloe's POV
Nandito na kami ngayon sa Garden,boring kasi sa clinic eh kaya niyaya ko na lang siya dito.Naupo na kami sa damuhan,mga ilang minuto din kaming natahimik,himala nga eh kasi ang pagkaka-kilala ko kay Jc eh maingay.

"Ahm Chloe!pano niyo nabuo yung banda niyo?".biglang tanong niya.akala ko magpapa-panis na lang kami ng laway dito eh.

"Samin na lang yun".sabi ko.

"Grabe naman to oh".bulong niya na narinig ko naman haha.

"Magkakilala ang mga parents namin pero hindi kami-kami close kasi hindi naman ako friendly.tapos nung second year kami nagkaroon dito ng singing contest".mataman lang naman siyang nakikinig sa akin kaya tinuloy ko na yung pag kekwento.

"Tapos hindi ko alam na isinali pala ako ng teacher ko sa contest,hahaha naalala ko pa nga noon na kung kelan na yung contest sa tsaka lang nila sakin sinabi".medjo natatawa na kwento ko.Alam kasi ng teacher ko na kapag sinabi nila sa akin ng maaga eh hindi ako sasali kaya huli na ng sabihin nila yun sa akin.

"Kaya lang wala rin akong nagawa.Nung nag umpisa na yung contest si Meg yung unang kumanta,humanga nga ako sa ganda ng boses niya eh,kasi yung kinanta niya yung You and I ni lady gaga.Sunod naman si Yhana na kinanta naman yung You belong with me ni Taylor Swift,natawa nga ako nung may magpropose sa kanya kaya lang nireject niya".hahahaha tawa ako ng tawa nang maalala ko yun.Pano umakyat siya sa stage tapos doon siya nag propose pero nireject lang siya ni Yhana sa harap ng maraming tao,kaya ang ending umuwi ng umiiyak yung lalaki.

"May dalawa pang lalaking contestant na nauna sakin kumanta,maganda rin naman yung boses nila nang matapos sila ako na yung sunod na kakanta,gusto ko na nga sanang mag back-out eh,kinakabahan kasi ako,first time ko kasing sumali sa mga contest buti nalang dumating si kuya kasama ang family ko kaya hindi na ako masyadong kinabahan.mahilig kasi ako sa rock kaya ang kinanta ko yung paborito namin ni kuya yung Thanks For the Memories ng Fallout boys".mahilig kasi kami ni Kuya Gene sa Rock kaya yun yung napili kong kantahin.

"Natapos na akong kumanta kaya si Gami yung pinakahuli.Grabe nga eh hindi siya nahiya nang umakyat siya sa stage ng gulo-gulo yung buhok tapos parang sinapak yung nguso niya sa sobrang kalat ng lipstick niya tapos narinig ko naman yung mga katabi ko na contestant na nagbu-bulungan na baka daw magkalat lang si Gami sa stage maliban lang kila Meg at Yhana.Nalaman ko rin sa teacher niya na kaya ganun yung itsura niya kasi ayaw niya talagang sumali sa Contest".medjo natatawa siya sa mga kwento ko kaya nahawa na din ako.

"Pero lahat kami napanga-nga ng marinig namin ang maganda at malamig na boses niya nang kantahin niya yung Endlessly ng The Cab.Grabe nga eh yung mga nagbubulungan na contestant kulang na lang pasukan ng langaw yung bibig nila dahil sa sobrang nganga nila".hay ang sarap balikan ng mga alaala na yun.

"Tapos hindi makapili yung mga judge sa aming apat,nakuha kasi kaming apat sa top 4 na makakasama sa Grand finals,kaya pinakanta kami sabay-sabay ng Bang-Bang,pero ang nanalo samin si Meg,nilabas niya kasi yung taas ng boses niya eh.Ako pa easy-easy lang,nang matapos ang Contest nagkita-kita ang mga parents namin.Pasikreto naman kaming apat na nag-usap tapos naisipan nilang gumawa ng Banda at dun nabuo ang BIWWAF".grabe hindi ko maimagine na dun nagsimula ang pagkaka-ibigan namin.

Jc's POV
Masaya ako na nagke-kwento siya sakin kung pano sila nakabuo ng banda,diko akalain na ganun yung mga pinaggagawa nila sa contest na sinalihan nila.Nakikinig lang ako sa kanya mag-kwento siya minsan na tatawa ako dahil sa mga kabaliwan na ginawa nila hanggang sa matapos.

"Alam mo!masaya ako na nakilala ko sila Gami,kasi sila yung natatakbuhan ko kapag may problema ako".nakangiting sabi niya sakin.

"Wag ka mag-alala nandito naman ako,pwede mo rin sabihin sakin ang mga problema mo!".sabi ko sa kanya.

"Pardon?".nagtatakang tanong ni Chloe.

"Boyfriend mo naman ako kaya pwede mo sakin sabihin ang mga problema mo".ako

"Oy,hindi ka pa nga nanliligaw eh!kaya lang naman kita naging "Boyfriend" dahil sa deal natin no".natigil naman siya ng marealize niya kung ano yung sinabi niya kanina.Napangisi naman ako dahil dun.

"So gusto mo pala na nililigawan ka?".tanong ko sa kanya sabay taas baba ng kilay.

"Hi-hindi no".nauutal na sabi niya sabay namula.Denial

"Wag ka mag-alala liligawan parin kita kahit tayo na".sabi ko sabay akbay.

"Bahala ka nga".sabi niya sabay tanggal ng braso ko sa balikat niya tapos kinuha yung headset niya at salpak sa tenga niya.hahaha :D.

Pero teka!.
Pano nga ba manligaw??
Arrrrrgggghhh magrere-search na lang ako sa Google.

A/N
Sorry readets dahil sa tagal ko mag update and dahil short update lang ngayon.bawi na lang po ako sa susunod :'(.

May ligawan na kaya na magaganap kila Chloe at Jc??

Stay tune mga bae

#TBIWWAF
#LigawanPortion

The Beauty is What We Aim ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon