After 123456789 years nag update na rin ako. Gomen... *bows*Aiden's POV
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama ko. Kakagising ko lang pero naalala ko yung nangyari kahapon.
"Argh!"
Biglang sumampa sa kama si Tiny at Big at tinabihan ako.
Napapikit ako ng mariin. Still remembering the good times.
Pucha naman kasi, paano niya ako nakalimutan? Hindi naman nabagok ang ulo niya ah? Diba nabaril siya? Hindi naman yun sa ulo ah?
So how on earth did she forget about me?
Pucha, sa lahat pa ng maaalala, yung kagaguhan ko pa.
Hinayaan kong nakabukas ang aircon sa kwarto ko dahil natutulog sila Big at Tiny.
Tapos narin akong maligo kaya nakahanda na ako para hanapin siya.
Calling... Kiel
"Oh?"
[Grabe, ang rude mo dude! Wala man lang 'Hello'?]
"Busy ako, ano ba yun?" Bored kong sabi habang binubuksan ang pintuan ng kotse ko.
[Kasi kanina nag de-date kami ni Jas, edi magkahawak kami ng kamay tapos kumain kami sa re--]
"Sorry I'm not interested with your dates." Sabi ko. Ibababa ko na sana ng marinig ko siyang sumigaw sa kabilang linya.
[DUDE TEKA LANG KASI! SINUSUNDAN NAMIN NGAYON SI HYRA TSAKA YUNG HINAYUPAK NIYANG KASAMA NA MUKHANG UNGGOY!]
Napatigil ako sa sinabi niya, "T-Talaga?"
[OO! Kaya punta ka na dito, masaya 'to!]
"Kung nasa tabi kita ngayon, nabatukan na kita. Pero san ba yan?" Nagmamadali kong sabi sa kanya.
[Sa Masaya nga! Kala niya nagbibiro ako, Sa Masaya village, inshort sa Happy village sa may *** city.]
"Tch-- okay, I'm on my way."
---
Tinignan ko ulit yung doorbell, kanina pa kami nandito nila Kiel at ng girlfriend niya pero hindi ko parin pinipindot ang doorbell.
"Seriously, marunong ka ba talagang pumindot ng doorbell? Gusto mo ako na la--" Pinigilan ko ang daliri niya sa pagpindot ng doorbell.
"Teka lang! Ako na kasi! Nagiipon lang ako ng lakas ng loob!" Seryoso kong sabi sa kanya.
Tinignan niya naman ako tapos tumingin siya sa relo niya.
"33 minuites na. Kapag nadagdag pa ang isang minuto, ako na talaga ang pipindot niyan!" Iritado niyang sabi.
Napangiwi ako at dali-daling pinindot ang doorbell.
May isang matandang babae naman na lumabas.
"May kailangan ba kayo?" Sabi niya habang nakangiti sa amin. Tumango ako.
"Uh, may hinahanap po kasi kami. Y-yung asawa ko po. Kasi po ano eh--"
"One year ago, habang ginaganap ang isang kasalanan ay nabaril ang bride, hindi natuloy ang kasalan. Sa ospital, sinabi ng mga doctor na patay na ito kaya lahat kami ay umuwing luhaan. At ngayon, as in NGAYON. At kahapon, at ng isa pang kahapon ay nakita namin ang bride. Posible kayang isa lamang itong pagpaparamdam, o totoo, na siya ay buhay pa at KAYO! *turo sa matanda* ang nagtago sa biktima?"
Hinampas ko ang kamay ko sa mukha na Kiel.
"Dude, Shut. Up."
Bigla namang lumabas mula sa pintuan si Hyra. Nagulat siya ng makita niya ako. Agad siyang lumapit.
"Ano na naman ba? Tama na okay? Kung sino ka man, alam kong sinaktan mo ako noon kaya please UMALIS KA NA."
Parang binaril ako ng paulit-ulit sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko.
"A-ayoko. H-hindi ko kaya."
"Please lang, pabayaan mo na ako. Wala na akong pakialam sa naradamdaman mo."
Napalunok ako sa sinabi niya. Pilit ko 'ring pinipigilan ang mga luha ko.
"J-just give me a chance Hyra.."
Nakita kong naglakad siya papalayo."And now you're walking away?! Oo! Sinaktan nga kita noon! Pero hindi mo ba naisip na baka hindi tayo doon nagtapos? The last time I saw you, you were smiling at me. P-please naman Hyra, if your mind made you remember the pain.. Then let me make you remember our whole story."
Dear wifey,
Sorry ah? Sorry talaga kung nasigawan kita kanina, ang sakit sakit naman kasi ng sinabi mo. Parang pinatay ako ng paulit-ulit. Pero pagkatapos naman ng sinabi ko. Umalis ka parin. What was that supposed to mean? Kasi naguguluhan na ako. Gulong-gulo na. Ganun ba talaga kasakit yung nararamdam mo? Nahihirapan na ako wifey... Bakit kasi ang complicated ng mga nangyayari sa atin? Mahal naman kita ah? Mahal na mahal. Diba mahal mo rin ako? Oo diba? Kasi kung hindi, then everything was worthless after all. Pero hindi pa kasi ako pwedeng sumuko, hindi pa pwede.
I know you're still there.
I know you'll come back.
Love, Hubby.

BINABASA MO ANG
Dear Wifey
عشوائيThis is the Book two of My job is a Wife?! Originally written by BlackCrypticMystery.