VI. Dear Wifey.

888 30 4
                                    


Note: Ang alam ko, last August pa yung update ko. Nung August kasi, Umalis yung lola ko papuntang langit. Ayun, na heart-broken ako. Bumaba grades ko. Depressed. Walang gana. Tapos eto, medyo okay naman na. Medyo lang.

So ayun, I think that's reasonable enough. Matatapos ko na ito. Ayun lang, baka hindi na ito umabot ng sixteen chapters, baka mga sampu na lang or more.

Salamat sa mga magbabasa parin kahit inabot na ng apat na buwan. ❤

VII. Dear Wifey,

HYRA.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko. Nakaalis na siya.
Hindi ko alam, bakit ba hindi pa rin siya sumusuko? Bakit.. Bakit ayaw niya parin akong tigilan?

Pumasok si Julie sa kwarto ko, "Hyra.." Tawag niya sa akin.

"Kamusta yung pakiramdam mo?"

Ngumiti ako. "Ayos lang. Mukha namang gumagaling ako e'.."

Tumayo siya at may kinuha sa may drawer ko. "Nabasa mo na?" Ngumiti ako.

Hawak niya yung Diary ni Aiden. "Oo."

"Hmm, bakit kasi di mo na lang sabihin yung totoo? Nahihirapan kayo parehas e." Sabi niya at naupo sa tabi ko.

"Masasaktan siya."

Tinignan niya ako. "Nasasaktan na siya."

Aiden.

"Aiden, kung pumunta ka na lang kaya sa America? Yun din naman yung gusto ng parents mo di ba? Para maka move-on ka na rin." Tinignan ko si Kiel na naglalaro ng video game.G

"Nangako ako, hindi ako susuko." Sabi ko na lang.

"C'mon dude, hindi ko naman sinasabing susuko ka na. Just take a break. A week won't hurt." Suggestion niya.

Lately, we've been hanging out. Ewan ko rin kung bakit. Weird kami e'.

"Pag-iisipan ko."

-

Kring Kring Kring

Napabangon ako ng marinig ko yung tawag. Naman. Anong oras na? Mag a-alas tres na ng madaling araw o'.

"What?" Matamlay kong sabi.

"Doc! Sorry sa istorbo. Pero emergency lang po. M-may patient po kasi na may sakit."

"Are you kidding? Lahat naman yata ng pasyente sa ospital may sakit. What's the big deal?" Naiirita kong sabi. Tss.

"P-pero doc, kasi ngayon lang kami naka-encounter ng ganitong cas--" biglang naputol yung linya.

Maya-maya tumawag ulit siya at sinabi niya na okay na daw.

Ang gulo. Panira ng tulog. Aish.

-

Julie.

"S-sis. Okay ka lang?" Sabi ko at hinagod yung likod niya.

Tumango siya. Alam kong hindi siya okay. She's getting weaker and worse.

Tinignan ko yung sinuka niya.

"Shit!" Nagulat ako ng dugo na pala yung sinusuka niya.

I hurriedly called the driver. Sabi ko sa pinakamalapit na ospital.

Kinapitan ako ni Hyra ng makita niyang nandito kami sa ospital na pagmamay-ari ni Aiden. Well, sorry sis. I don't care kung malaman niya na.

Basta ang mahalaga, maging okay ka.

Dinala siya sa emergency room and after two hours, tsaka pa siya inilipat sa private room.

"Excuse me? You're the relative?" Tumango na lang ako sa doctor. Tinignan ko muna si Hyra na natutulog sa may kama bago ako umalis.

"To be Honest.." Panimula ng doctor. "Akala ko may cancer lang siya, because the symptoms seems to be a product of cancer pero it's not. Ngayon lang kami naka-encounter ng ganito."

Bumuntong-hininga ako. "S-sige po. Salamat."

Ayoko ng kausapin yung doctor dahil alam ko na 'yan. Paulit-ulit, gan'on din ang sagot ng mga doctor sa america.

Kesyo stable naman daw at hindi cancer. Bwisit. Hirap na hirap na nga kapatid ko e'. Tapos eto, hinahayaan lang nila.

Hindi kasi nila alam yung sakit. It's like cancer, but worse? Ewan ko, basta parang cancer, mas slow yung paglala pero mas worse yung effect.

Hindi ko nga alam, sa dinami-dami ng taong paguumpisahan ng ganiyang sakit, yung kapatid ko pa.

Lumabas ako ng kwarto dahil balak kong tawagan sila Lola, "P-pero doc, kasi ngayon lang kami naka-encounter ng ganitong cas--" kinuha ko kaagad yung telepono at ibinaba.

Bastos na kung bastos, at hindi man ako gan'on kasigurado, ginawa ko na. Baka kasi si Aiden ang tinatawagan nito e'. Alam ko namang karapatan niyang malaman.

Kaso sa tingin ko, si Hyra na dapat mag-sabi. "Ma'm?" Takang tanong nung babae.

"Makinig ka, h'wag mo ng sabihin kay Ai-- I mean kay Doctor Aiden yung tungkol sa kapatid ko. Kundi malilintikan ka sa akin. Sabihin mo sa kaniya, okay na. Gets mo?" Mataray kong sabi. Tumango-tango naman siya at tumawag ulit.

"Sorry sir, okay na po pala." Tapos nagmamadali na siyang umalis. Good.

Napabuntong hininga na lang ako.

-

Hyra.

Napadilat ako ng marinig ko yung pagbukas ng pintuan.

"Siya ba? What's her name?" Bigla akong napatalukbong ng marinig ko yung boses niya.

Shemay. Hindi niya pa pwedeng malaman!

"Rain daw po."

Narinig ko yung pagsara ng pintuan tapos yung sunod-sunod na hakbang. Ayan na. Ayan na siya Hyra.

Naramdaman ko na nasa left side ko na siya. Kinakabahan ako. Baka makita niya ako.

White kasi yung bed sheet kaya medyo kita ko siya. Ayan na naman. Nakakunot na naman yung noo niya.

Gusto ko siyang yakapin.

Pero hindi nga pala pwede. Akmang aalisin niya na yung kumot ng biglang bumukas ulit yung pintuan.

"Hyr--"

"Julie? Julie!" Rinig kong sabi ni Aiden at tumakbo.

Okay. It's now or never.

Tinanggal ko lahat ng mga nakakabit sa katawan ko at nagmamadaling lumabas. Good thing at nakadamit pa naman ako.

Hinubad ko na lang yung patient's coat at nagkunwaring hindi pasyente.

Phew. Akala ko malalaman niya na. Pero nakakaguilty rin. At mas lalong masakit para sa akin, kasi sinasaktan ko na nga siya, sa huli, masasaktan pa rin siya.

Minsan kasi ang tanga ko. Bakit ko nga ba siya iniwan? Tapos heto ako, lalapit sa kanya sa sementeryo.

Gusto ko lang naman siyang makausap.

Pero mali pala. Hindi pwede. Kaso nagawa ko na.


"Hyra?"

-

Hindi ko alam kung kelan yung next update. Basta BAKA this year, tapos ko na 'to. Yun lang. ❤

Dear WifeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon