( SHORT UPDATE )AIDEN.
Nagising ako sa sikat ng araw. Ang liwanag. Napakaliwanag.
Napatingin ako sa gilid ng kama ko ng maalala ko na nandito nga pala si Hyra.
Nag-panic ako bigla ng hindi ko siya makita sa kama ko. Napabangon tuloy ako sa sofa.
Agad akong tumakbo pababa ng hagdanan.
HYRA.
Maaga akong nagising, siguro dahil nakasanayan ko na. Palagi akong gumigising ng maaga, natural na siguro. Kahit walang alarm-clock.
Gustong-gusto ko kasi ng nakikita ang pagsikat ng araw. Parang sinasabi nito palagi sa akin na may pag-asa pa. Na mabubuhay pa ako.
Lumabas ako ng pintuan at may isang bagay akong napansin, walang tao sa loob ng bahay maliban sa aming dalawa.
Napatalon ako sa gulat ng kumalabog ang pintuan ng katabing kwarto. A-ano naman kaya ang nasa loob n'on?
Lumapit ako doon at binuksan ang pintuan. Sumilip ako sa loob at nakitang walang kung anomang ibang gamit ang nasa loob maliban sa ilang bola na nakakalat sa sahig at ilang unan na nakalapag.
Nagulat ako ng may dumamba sa akin. Napangiti ako kaagad ng makita ang dalawang asong matagal ko ng hindi nakikita.
"Big! Tiny!" Bangit ko sa pangalan nila ng himasin ko sila.
Masaya ako na naaalala pa nila ako. Inalagaan pa rin pala sila ni Aiden.
Bumaba ako na kasunod ang dalawang aso. Dumiretso ako sa kusina, siguro nagugutom na sila.
Hinanap ko ang dog food at nakita ko naman 'yon sa ilalim ng cabinet. Matapos ko silang pakainin, naisipan ko namang magluto ng almusal.
Hmm, ano naman kaya ang lulutuin ko?
Tumingin muna ako sa refrigerator at nakita ang iba't-ibang klase ng pagkain.
Ang daming pwedeng lutuin, pero simple na lang ang lulutuin ko. Nagugutom na rin naman ako at medyo nanghihina pa.
Napagdesisyunan ko na omelet na lang ang lulutuin ko para mabilis. Sinimulan ko ng gawin 'yon habang tinitignan ang orasan.
Alas-otso na at hindi pa rin gising si Aiden.
Nagulat ako ng may kumalabog sa itaas at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtakbo pababa ng hagdan.
Madapa-dapa si Aiden na tumatakbo papunta sa pintuan. Tinignan ko siya at pinanood sa kung ano man ang ginagawa niya.
Sinara niya ang pinto at lumingon-lingon hanggang sa mapunta dito ang tingin niya.
Nakita ko na nakahinga siya ng maluwag at halo-halong emosyon ang nakita ko sa mukha niya.
Tumakbo siya kaagad papunta sa akin. "Akala ko umalis ka na," hinihingal niyang sabi habang nakatitig sa akin.
Wala akong naisagot sa kaniya. Oo nga, dapat sa ganitong panahon e' wala na ako sa bahay niya. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Alam niya na. Wala na akong kawala.
Kalahati ng puso ko ay masaya at kalahati naman ay malungkot. Masaya ako dahil magkakasama na rin kami sa wakas, pero hindi ko alam kung gaano pa ako katagal sa mundong ito.
Napatingin siya sa gilid ko at agad na kinuha ang hawak-hawak kong spatula. Yung niluluto ko pala!
Hindi naman ito nasunog pero mukha na siyang crunchy. Binaliktad ni Aiden ang omelet at tumingin sa akin.
Gamit ang hintuturo niya, kinamot niya bahagya ang pisngi niya. "Gusto mo bang magsimba mamaya?"
Napatitig ako sa kaniya. Bakit parang normal lang sa kaniya ang lahat? Bakit nagagawa niya pa ring maging okay sa ganitong mga pagkakataon?
Hindi ba siya nasasaktan? O sadyang magaling lang siyang magtago?
"Sige.."
AIDEN.
Nandito kami ni Hyra sa loob ng simbahan. Walang misa dahil tapos na ito kanina pang umaga.
May iilang taong nasa loob ng simbahan na taimtim na nagdadasal. Ang iba naman ay nakaupo lamang at nakatitig sa altar.
Napatingin ako kay Hyra. Nakatitig lang din siya sa malaking figurine ni Jesus. Nakatitig lang siya dito na para bang kinakausap niya ito.
Napalunok ako ng maalala ko ang tungkol sa kaniya. Oo nga pala, may sakit siya. Kaya siguro siya nagdadasal ay dahil humihingi pa siya ng panahon sa Diyos.
Napatingala din ako sa altar.
Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit.. Bakit parang palagi na lang na hindi kami pwede?
Bakit parang pagdating sa aming dalawa e' walang happy ending na naghihintay? Bakit parang hindi kami pwedeng magsama ng ganoon katagal?
Bakit po? Hindi ba kami nakatadhana para sa isa't-isa? Bakit palagi niyo na lang kaming pinaglalayo?
Napabuntong-hininga ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko malapit ng sumabog ang dibdib ko.
Dear Wifey,
Tinanong ko ang Diyos kanina. Sinabi ko na ibigay ka na lang niya sa akin at 'wag ka na muna niyang kunin.
Hindi ko pa rin alam kung ano ang sakit mo. Hindi ko rin alam pero bakit parang sinasabi ng mga kilos mo na wala ka ng pag-asa?
Gagaling ka.
Naniniwala ako doon. H'wag kang susuko, ha? H'wag mo muna akong iiwanan. Bibigyan kita ng napakaraming pag-asa at pagmamahal.
Ibibigay ko sa'yo lahat ng gusto at kailangan mo. Ano kayang sakit mo? Kung sa puso iyon, handa akong ibigay sa'yo ang puso ko. Kung sa mata, ibibigay ko sila sa'yo ng buong-buo. Kung sa paa, ibibigay ko talaga sa'yo ang mga paa ko.
Kung sa dugo, magdo-donate ako o kung hindi man compatible, hahanap ako ng maraming-maraming donor. Kahit ano pa, ibibigay ko sa'yo.
Kahit iwanan mo ako, saktan, o kahit na ano. Handa pa rin akong patawarin ka at bigyan ka palagi ng chance. Nandito lang ako Hyra. Nandito lang ako parati. Basta babalik ka sa akin.
Kung iiwan mo ako ulit, 5 years.. 10 years.. 30 years.. Basta babalik ka, maghihintay ako.
Love, Hubby.
BINABASA MO ANG
Dear Wifey
RandomThis is the Book two of My job is a Wife?! Originally written by BlackCrypticMystery.