Note: Tbh, di ko alam kung bakit madaming nagbabasa ng My job is a wife at nitong sequel na Dear Wifey. Hahaha! Seriously..
AIDEN.
Napabangon ako sa kama ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang orasan.
"Aish. Alas tres pa lang ng madaling araw." Kinusot ko ang mga mata ko inabot ang phone ko.
Pinindot ko ang answer button dahil si dad pala ang tumatawag. Tsk. Panigurado nakalimutan niya na magkaiba ang time line namin.
"Aiden?" Tawag nito sa akin sa kabilang linya. "Yes, dad?" Sagot ko sa matamlay na tono. Inaantok pa ako.
Anong oras na kasi nakatulog si Hyra kanina. Tsk. Yung babaeng yun talaga.
"Ano ng nangyari sa'yo? Akala ko ba pupunta ka na dito?" halata sa tono ni dad ang pagka-inis. Oh, now I remember.
I'm supposed to be in America with them. Hah. Nasapo ko ang noo ko. Sa sobrang busy ko, nakalimutan ko silang balitaan tungkol sa nangyayari sa akin.
"Sorry dad, mahabang kwento. Bukas ko na lang sasabihin. It's 3 am." Sabi ko.
"Oh. Sorry, nakalimutan ko. Fine. Explanation tomorrow. Bye, son." Nagpaalam na rin ako at dumapa ulit sa kama ko.
Ilang minuto na ang nakalipas at hindi na ako makatulog. Great. Kanina pa ako nakapikit pero hindi naman ako makatulog.
Bumaba na lang ako sa sala at nanood ng tv.
-
Tinignan ko ang orasan, it's 6 am. Pumunta na ako sa kwarto ko para maligo at magbihis.
After a few minutes, tapos na rin ako. Ready na akong umalis ng biglang mag-vibrate ang phone ko. It was from Julie.
From: Julie
Aiden, 'wag ka daw munang pumunta sabi ni Hyra. Baka pagod ka na daw. Rest day mo daw ngayon.
Napakunot ang noo ko. Rest day? Hindi naman trabaho ang tingin ko sa pag-aalaga ko sa kaniya. It has been my lifestyle.
I tried calling her pero busy na ang phone niya. Sumakay ako sa kotse at pumunta na kila Hyra. Ang aga niya namang magising.
Pinark ko ang kotse ko sa loob ng gate nila at dumiretso na sa loob. Umakyat ako sa hagdanan at nakikita ko na ang kwarto ni Hyra. I smiled. Makikita ko na ulit siya.
"Aah!" Napatakbo ako kaagad sa kwarto. Sigurado ako na si Hyra iyon.
Bubuksan ko pa lang ang pintuan ng biglang lumabas si Julie mula sa kwarto. Nagulat pa siya ng makita niya ako.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko na nilock niya ang pintuan bago tuluyang magsara. Kumunot ang noo ko, ano bang ginagawa niya?
Pinihit ko ang door knob pero naka-lock nga ito kaya hindi ko mabuksan. Kakatok pa lang ako ng bigla akong hilain ni Julie pababa.
"Ayos lang siya, Aiden. At least.. May mga doktor na sa loob mg kwarto niya."
"Pero doktor din ako. Pupuntahan ko siya." Pinigilan niya akong bumalik ulit sa taas.
"Aiden, may kailangan kang malaman." Napahinto ako sa pagakyat. Nilingon ko lang siya.
"Hindi Leukemia ang sakit niya."
-
*Okay, pag pasensyahan! Ganito lang kaiksi ang kinaya ko. Tulad nung Chapter X, may part 2 din ito. Huhu, wala talaga akong maisip. #SABAW*

BINABASA MO ANG
Dear Wifey
RandomThis is the Book two of My job is a Wife?! Originally written by BlackCrypticMystery.