IX: Dear Wifey.

944 29 0
                                    

Note: Flashback yung first scene.

Hyra.

"She's dying." Agad akong nagising ng marinig ko ang salitang iyon. Napatingin ako sa paligid ko, nandito yung doctor, si Mommy at si Julie.

Hinanap kaagad ng mga mata ko yung isang taong wala sa loob, si Aiden.

"I've never encountered this sickness, and honestly, wala na akong magagawa. Her life's in grave danger, I suggest you should take her to another country, baka sakaling may magawa ang mga doctor doon."

Nakita ko yung pag-iyak ng mommy ko. I can't believe what I'm hearing too. Ako? May sakit? Walang cure?

Seryoso? Hindi pwede! Hindi pwede..

"Pero matagal pa naman siyang mabubuhay, di ba?" Sabi ni Mommy.

Nakita ko yung pagbuntong-hininga ng doctor.

"I'm afraid not. Habang tumatagal, mas lumalala siya. We have been able to detect na kumakalat sa buong katawan niya ang sakit. I can't even tell what it is, pero siguro, magtatagal pa siya ng dalawang taon or less."

Nagpaalam na yung doctor at nakita ako nila mommy na umiiyak. It was heartbreaking..

Biglang pumasok si Julie. She was hilding back her tears. Hinawakan niya yung kamay ko.

"H-hyra, sabi nung doctor, mataas daw ang chance na mabubuhay ka kapag nagpa-opera ka sa utak, since doon daw nagsimula yung sakit mo.." Panimula niya. Tumango lang ako.

"Si Aiden?" Nagkatinginan sila mommy at pinagpahinga muna ako.

Then one thing I know, nasa America na ako. Hindi ko nga alam kung ano ng nangyari kay Aiden e.

I was always depressed, kaya lagi nila akong pinapatulog.

I never got a chance to talk to him or even see him.

-

"Hyra?"

Napakurap ako ng makita si Aiden sa harapan ko. "A-ah, sorry. Ano nga yun?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Sabi ko, saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.

Tinignan ko siya. "Sa.. Kahit saan na lang." Sabi ko.

Naglakad kami papunta sa kotse niya.

"Ayos lang ba sa'yo kung idadaan kita sa bahay?"
Napatigil ako sa sinabi niya pero dapat hindi ako magpahalata. Kaya tumango na lang ako.

Mga ilang minuto ang nakalipas at nakarating na nga kami sa bahay nila. Still the same house.

Napalunok ako ng maglakad na kami papasok. Nakangiti lang si Aiden habang nagkukwento sa akin ng mga nangyari noon sa lugar na 'to.

"Tapos hinabol kita hanggang doon," itinuro niya yung madamong part ng bahay.

"Kasi akala ko inubos mo yung niluto ko, hanggang sa makaapak ka ng parang linta." Tumawa siya. Kinagat ko lang yung labi ko dahil naaalala ko naman iyon.

Parang nasasaktan ako sa ginagawa niya. He's very eager to make me remember everything.

Napansin niya siguro na nakatulala lang ako sa kaniya kaya inakay niya na ako papasok sa bahay.

"Sorry, hindi ko naman gustong guluhin ang isip mo. Gusto ko lang kasing may maalala ka," sabi niya na deretso ang to tingin sa sahig.

Napalunok ako uli. Meron naman akong naaalala e'. Hindi mo lang talaga pwedeng malaman.

Dear WifeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon