X. ( Part II ) Dear Wifey

875 25 6
                                    

X. (Part II) Dear Wifey.

Note: Napansin ko kasi na konti lang pala yung natype ko last chapter. Di ko na madugtungan pa dahil ang wala ng effect yung sulat ni Aiden. So, bumabawi lang ako. Hehe.

Finally, na-shoo na ang writer's block. 🙌

( WARNING: SHORT UPDATE. )

AIDEN.





Nakaupo kami ni Hyra sa loob ng café sa mall malapit sa simbahan.

Kanina pa siya tahimik.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Kating-kati na akong itanong sa kaniya kung ano ang sakit niya. Para sa ganoon, magawa ko na ang research ko.

I will do anything, everything, just to cure her.

Mabuti na lang at naging doctor ako.

"I'm fine." Sabi niya at bahagyang ngumiti. Tinitigan ko lang siya. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Mas nag-mature ang mukha niya. Pero nabawasan ng buhay.

Kapag susuriin mo talaga ang mukha niya, parang hindi siya masaya. Parang nahihirapan siya sa loob-loob niya.

"Hyra," tawag ko sa kaniya. "Ano ba ang sakit mo?" Lakas loob kong tanong. Nakita ko yung takot sa mukha niya. Natatakot ba siya na malaman ko?

"Uh,"... "Umm,"

Tumingin siya sa akin at yumuko. "L-leukemia. Tama. Leukemia ang sakit ko." Leukemia?

Leukemia.. Marami na akong pasyenteng may Leukemia. Marami sa kanila ang nabubuhay. Marami sa kanila ang nagiging cancer-free. May pag-asa pa pala.

Pwede pa siyang magamot. Pwede pa. Konting tiis, Hyra. Gagamutin kita.

-

HYRA.

"Bakit hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo? Bakit Leukemia ang sinabi mo? Iisipin niya na magagamot ka niya, hyra. Paaasahin mo yung tao na magagamot ka kahit wala pa namang lunas sa sakit mo?" Napayuko ako sa sinabi ni Julie.

I was so afraid. Akala ko madali lang na sabihin sa kaniya. Ang hirap pala, 'no?

Paano ba? Uh, Aiden, wala pa kasing lunas sa sakit ko. Mamamatay na ako. Let's just enjoy my last days together, okay?

That is very selfish. Parang hinihila ko na rin siya papasok sa kabaong ko. Parang inililibing na din siya, kasama ako. Ha-ha-ha.

Hindi ko maiwasang magdalawang-isip. Alam ko, sa bandang huli, siya ang mas masasaktan. Siya ang mas maaapektuhan. Siya ang mas magdurusa.

At sa panahong iiyak siya, wala na ako sa tabi niya. Wala na ako sa mundong 'to. Hindi ko na siya malalapitan, makakasama, makakausap. Hindi ko na maipaparamdam sa kaniya na mahal ko siya, dahil wala na ako.

Parang pinatay ko na rin pala siya. Sana hindi niya na lang nalaman. Sana hindi na lang ako sumama. Sana hindi na lang kami nagkita ulit. Baka sa ganitong panahon, bumabangon na siya. Baka nagmamahal na siya ng iba. Baka nakalimutan niya na ako. Baka hindi na siya masaktan.

Puro na lang sana. Puro na lang ako pag-asa. Puro na lang pagtanggi sa pagsuko. Ayoko pa. Ayoko pang mamatay.

Marami akong maiiwanan. Ayoko silang masaktan. Ayoko pa. Hindi ko pa kaya.

"Don't you think it's unfair? Sinabi mo sa kaniya na may sakit ka, pero hindi mo sinabi na.." tinignan ko si Julie.

"Na ano? Na mamamatay na ako? Na wala na akong pag-asa? Na baka bukas o mamaya, mawala na ako? Na isang araw, hindi na lang ako magising?" Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko.

Dear WifeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon