XII: Dear Wifey

1.1K 26 16
                                    

"Anong hindi leukemia?" Tanong ko sa kaniya. Naguguluhan na ako.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin, "Hindi ko alam ang tawag, isa kasi si Hyra sa iilang nagkaro'n ng sakit na 'yan."

Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya? Anong sakit? "Pupuntahan ko siya."

Naglakad na ako papunta sa kwarto niya pero pinigilan ako kaagad ni Julie. "Aiden, mas lalo siyang mai-istress kapag nalaman niyang alam mo na. Please, hintayin mo muna siyang maka-recover. Sasabihin ko sa'yo ang lahat."

Nilingon ko siya. "It's a lot to take in, but please, kayanin mo. Kayanin mo para kay Hyra."


HYRA.

Bumukas ang pintuan sa kwarto ko. Nakita ko rin ang iilang mga aparatos na nakakabit sa katawan ko.

Pumasok si Aiden na nakangiti sa akin. Nakita ko ang mga mata niyang namamaga.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hyra."

Sinubukan kong magsalita. Sinubukan ko, pero wala ng lumabas sa bibig ko. Hindi ko na kayang magsalita. Nanghihina na ako.

"Alam ko na." Sabi ni Aiden na para bang nabasa niya ang iniisip ko.

Gusto kong mag-sorry. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang hawakan. Pero wala na akong ibang nagawa kundi tumingin lang sa kaniya.

"Hindi ako aalis sa tabi mo, Hyra. Hindi na kita iiwan. Lalaban tayo ng sabay, naiintindihan mo? Kaya mo, kakayanin natin." Pumatak ang luha ko ng marinig ko ang mga sinabi niya.

Hinigpitan niya lalo ang hawak niya sa kamay ko. Gusto ko rin siyang hawakan, pero hindi ko na kaya.

Gusto ko pa siyang makasama, pero hindi ko na rin pala kaya. Ayokong iwan niya ako, pero ayoko rin na iwan ko siya.

Pero iiwan ko rin naman siya, 'di ba? Kaya mas mabuti na na iwanan niya na ako. I don't want him to get hurt yet I want him to stay.

"I'll stay. No matter what." Pabulong na sabi sa akin ni Aiden habang hawak-hawak ang kamay ko.

Nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Pumatak ang luha ko bago ko maipikit ang mga mata ko.

Wala na akong makita. Parang nilamon na ako ng dilim. Pero nararamdaman ko ang kamay niya na hawak-hawak ang kamay ko.

"Don't leave me."

Napadilat ako bigla at napabangon sa kama. Isang panaginip. Nakita ng mga mata ko si Aiden na nakatingin sa akin. "Anong nangyari? May masakit ba sa'yo?"

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Nasa tabi niya rin si Julie na nagbibigay ng makahulugang tingin. Alam ko na.

Nalaman na ni Aiden, gaya ng nasa panaginip ko. Alam niya na.

"Ayos lang ako." Sabi ko. Ngumiti siya sa akin. Parang nabawasan yung tinik sa dibdib ko. Parang gumaan yung loob ko.

"Binilhan nga pala kita nito!" Masayang sabi ni Aiden habang buhat-buhat ang malaking Winnie the pooh.

Napangiti naman ako kaagad at inagaw sa kaniya si Pooh. "POOH!" Niyakap ko yon ng mahigpit at napakalambot nito.

Bigla namang hinablot ni Aiden si Pooh at inilagay sa lapag. Bored niya akong tinignan. "Ba't mo kinuha?"

"Masyadong tsansing. At bakit ba siya niyayakap mo? Dapat ako 'di ba? Ako na nga bumili, ako pa nilamangan?"

Tumatawa ako habang sinusubukan kong umalis sa kama. Kinaya ko pa naman kahit medyo nahihilo ako. "Ano bang gusto mo?"

"Yakapin mo ako! Yung matagal ha!"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Kita mo, sabi niya ako ang yayakap, pero siya ang nauna.
Pinulupot ko na rin ang mga braso ko sa bewang niya. Siniksik ko pa ang ulo ko sa dibdib niya.

Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang wala akong nararamdamang sakit. Parang yung dati lang.

Naramdaman ko yung paghilig ng ulo niya sa ulo ko. Mas humigpit ang yakap niya. "We can do this all day," mahinang sambit niya.

"All week, all month." Hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kaniya. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko kasabay ng basag sa boses niya.

"All year, all decade."

"I wish I can." I really do wish I can.

Nanatili kaming gano'n. Magkayakap lang. I"m sure I'll remember this moment.

Naalala ko bigla kung gaano kalala ang sakit ko. Naisip ko bigla na mahal na mahal namin ang isa't-isa. That if one dies, the other one dies too. Gano'n naman di ba ang nagmamahalan?

And the most painful thing I've experienced is falling in love while dying; but it will always be worth the pain.

NOTE: At ako'y nagbabalik! Sisikapin ko talagang makapag-update palagi. Sorry at palagi ko kayong binibitin ng sobrang tagal.

Anyway, kung sino ang may gusto ng dedication, pwede kayong magsabi. Maraming open chapters sa book 1 at dito sa book 2. Kung may oras kayo, pwede niyong basahin ang 'Thinking about reaching you' na sinulat ko. Haha! Salamat, guys. Aylabyu beri mats.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear WifeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon