V. Dear Wifey, I'll stay here for a while

1.1K 42 8
                                    


OKAY OKAY. I KNOW. Late na naman ako. Parang sa school lang, laging 1 minute before the bell ang drama ko eh ilang lakad lang naman. Bago pa maging talambuhay ko na naman ito. Shh na muna ako. Sorry na ha? Gomen °~°

--

Aiden's POV

"Tapos nasigawan ko siya. Tapos di ko na alam! Nagalit yata siya! Anong gagawin ko? Nababaliw na ako!" Inalog alog ko si Kiel habang nagtatago sa likuran niya si nick. Yung Fhace naman nagkulong na sa kwarto ni Kiel. Nagkayayaan kasi kami dito. Ah hindi pala, niyaya ko pala sila dito kaila Kiel tutal mag isa lang naman lagi si Kiel.

"D-dude. Para kang batang naagawan ng lollipop. Tumahan ka nang dyan, bigyan kita ng candy."

Tiningnan ko ng masama si Kiel. Alam ko namang pinapagaan niya lang ang loob ko pero kasi pakiramdam ko ang sama sama ko.

Nakaka inis talaga! Na sigawan ko tuloy siya!

Edi mas ayaw na niya sa akin?

Naupo ako sa sofa. Tinabihan naman ako nung dalawa.

Inabutan nila ako ng isang beer at nagsimula na silang uminom.

"Alam mo, gusto ko ang love team niyo ni Hyra. Pero dude, nahihirapan ka na kasi. Ngayon pa lang para ka ng ready to go sa mental eh. Tsaka isipin mo rin yung lagay ni Hyra. Isipin mo rin yung mga possibilities kung anong pwedeng mangyari sa inyo kapag naalala niya na lahat." Nakatingin lang ako kay Kiel. "The memories .. might come back. But the feelings? I don't know dude. Lalo na't ngayon na may gusto na siyang iba."

Ilang oras rin ang nakalipas at napag isipan ko na ring umuwi sa bahay. Dinampot ko yung kulay puting notebook na nakatago pa sa isang safe sa kwarto ko.

Kinuha ko rin yung paborito kong ballpen at naupo ako sa may kama ko.

Binuklat ko yung notebook, may mga naisulat na ako, kaya hinanap ko yung blankong pahina.

Dear Wifey,

Huminga ako ng malalim. Nanginginig yung kamay ko. Tama si Kiel. Kahit na ipaalala ko sa kanya lahat. Anong silbi nun kung wala na yung nararamdaman niya para sa akin?

Akala ko mahirap lang na lumaban mag isa. Mas mahirap pala yung mag isa ka ng lumalaban, siya pa yung kinakalaban mo. Pero hindi naman kasi pwedeng iwanan ko na lanh siya di ba? Maliban sa hindi ko kaya, maliban sa kailangan ko siya, hindi ko na rin alam.

Basta alam ko kailangan kong ipaglaban si Wifey eh. For better or for worse. I'm just doing what I have to do.

Past midnight na, pero lumabas ako ng bahay. I drove to her house.

Inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko. Nararamdaman kong nanghihina na ako. Kung pwede lang siguro mamatay yung puso dahil sa pain. Ang dami na sigurong namatayan. Isa na siguro ako dun.

Bumaba ako mula sa kotse ko. Naka pajamas pa ako. Oo na, ako na ang hindi prepared. Physically. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko. Basta na feel ko Lang pumunta dito eh.

Akmang pipindutin ko na yung doorbell ng bumukas yung pintuan sa harap nila.

"Aiden?"

"Julie."

Tumakbo siya papuntang gate. Okay na kami ni Julie. Nakausap niya narin ako. Alam ko namang nagbago na siya.

"May kailangan ka ba? anong oras na oh." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay takip sa bibig niya gamit yung isa niyang kamay, may hawak kasi na chocolate drink eh.

"pfft--yung pajama mo. Haha... Oh wait, si hyra nga pala kailangan mo 'no? Tara akyat ka dun sa may terrace niya."

Nakapasok na ako ng gate nila ng tumigil ako.

"Bakit bawal ba akong umakyat gamit ang hagdan?" Nilingon niya naman ako habang umiinom ng gatas niya, "Para pinaghihirapan, Para pwede Gabi-gabi kang dumalaw diba? O siya, nakakatamad ng makipagusap. Bahala ka na ha?" Dire-diretso na siya sa pagpasok sa bahay nila. Napa-tsk nalang ako.

Ang taas naman kasi ng bahay eh. Bakit ba nilagay niya yung kwarto niya sa 3rd floor?

Pagkapasok ko sa bintana niya eh nadatnan ko siyang tahimik na natutulog sa kama niya. Tsk. Malamang tulog kaya tahimik. Stupid Aiden.

Umupo ako sa may tabi niya. Buti na lang dala ko phone ko. Kinuhaan ko siya ng picture. Miss ko na siya.. Miss ko na wifey ko.

Pero ang masakit kasi dun eh hindi niya naman ako namimiss. Hindi niya ako naaalala.

"Wifey, masaya ka ba?" Hinimas himas ko yung buhok niya. Ang himbing ng tulog niya.

"Sorry talaga kung nasigawan kita ha?" Ilang minuto kong tinitigan ang mukha niya. Kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin kayang pigilan ang sarili ko. Eh ano kung hindi niya ako mahal?

"Okay lang naman diba na pumunta ako dito? Iiwan ko na lang diary ko ha?" Tumayo ako at naupo sa may mini table niya.

Dear Wifey,

I'll stay here for a while. Pasensya ka na ha? Kasi inakyat ko 'tong kwarto mo eh. Iiwan ko na muna itong diary dito ha? Para gabi gabi may kasama ka. Okay lang na mapuyat ako. Basta makasama lang kita kahit mahimbing ang tulog mo.

Alam ko namang ayaw mo na sa akin eh. I just can't accept it. Sabi kasi ng puso ko, ikaw parin. Okay sana kung mabilis lang akong maka move on eh. Kaso kasi wifey, ang hirap mo kayang kalimutan.

Kaya ngayon, I'll watch you sleep. Eventhough I'm not the one in your dreams.

-Love, Hubby.

Dear WifeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon