KRIS' POV
I am sitting in front of a complete stranger, waiting for his every move, from the moment he lifts his cup of coffee until he drinks its content. Naghihintay akong magsalita siya as I am contemplating kung totoo ba o hindi ang sinabi niya sa akin.
Tumikhim muna siya bago magsalita. "Amanda is from a broken family." He started his story.
"His father and mother got separated when she is just a fifth grader. Tumira siya kasama ng mommy niya pero bago pa man siya tumuntong ng high school, iniwan na rin siya ng mommy niya na sumama sa kanong boyfriend nito. Noong una, nagbibigay ng sustento ang mga magulang niya na parehong may ibang pamilya niya. Until one day they just stop providing her needs. Para mabuhay ginawa lahat ni Amanda para lang makakain. Hanggang sa napadpad siya sa isang bar. She became a prostitute at a young age at doon ko siya nakilala." I am silent for a minute or two sa sinabi sa akin ng lalaki. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi. Pilit kong inaalala ang mga kilos at gawi ni Amanda nung high school kami. Para sa akin isa lang siyang normal na estudyante na nagrerebelde sa mga magulang niya. Higit pa pala siya doon.
"I am liable for her innocence. At hanggang ngayon pinagsisisihan ko yun. Hindi ko rin inakala that I would give her the security she needs. Ginawa ko ang lahat para lang huwag mahulog sa kanya dahil may asawa ako pero, hindi ko napigilan ang sarili ko. Amanda is my mistress. She doesn't deserve the kind of love I am giving her pero sabi niya kuntento na siya sa ganito." A bitter smile formed on his lips bago siya nagpatuloy.
"Amanda's been with me through my ups and my downs. Kahit na nagkaanak na ako, hindi parin niya ako iniwan. Kahit magkaibigan lang daw kami payag siya basta wag ko lang siyang iwan. I've become successful because of her. Awa ang nararamdaman ko kay Amanda sa tuwing nagkukwento siya kung gaano kasaya ang mga kaklase niya. Until, nabanggit ka niya sa akin. Ikaw at ang babaeng si Ehra." Nanigas ako sa kinauupuan ko nang sabihin niya ang pangalan ni Ehra.
"Sabi niya, inggit na inggit daw siya sa inyo lalo na kay Ehra. Bakit daw pareho lang silang walang magulang but she's still happy? Bakit siya hindi? Wala siyang ginawa buong gabi kundi umiyak ng umiyak sa tabi ko. Lahat nalang daw ng gusto niya nakay Ehra pati na ikaw. You are her first love. Nagseselos ako sayo pero sa totoo lang, I am happy dahil nakatagpo si Amanda ng isang lalaking kaedad niya. Hindi na niya kailangang magtiis sa akin." Pinaglaruan niya ang tasa niya at ako, nakatitig lang sa repleksyon ko sa kape ko na hindi ko manlang nabawasan. Hindi ko alam kung paano ko iaabsorb lahat ng ito. Hindi ko alam kung makakaya ko bang marinig ang lahat.
"Lumapit siya sa akin isang araw. Sabi niya, gusto daw niyang pumunta ng London. Noong una hindi ko siya maintindihan kung bakit pero sabi niya nandun daw ang daddy niya. Naniwala ako sa kanya." Napakunot ang noo ko. I didn't know that Amanda went to London.
"Nang nasa London na siya she asked for my help." Tumigil siya sa kwento niya at tumingin ako sa kanya. He gave me a different kind of gaze that tells me, I should listen to everything.
"She told me, she wants you. She asks for my help na hanapan siya ng ilang mga tao. I am influential dahil narin sa mga business transactions ko sa London and because my father-in-law is an influential person in London. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa mga tauhan na hiningi niya sa akin Nagulat nalang ako na nasa PIlipinas siya and she is with a one year old child. Tinanong ko siya kung kaninong anak yun pero sabi niya anak niyo daw yun. Alam kong nagsisinungaling siya. I've become blinded for her happiness kaya tinulungan ko siya sa lahat."Matagal akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magtanong sa kanya. Paano? Kelan? Sino? Saan? Maraming tanong hindi ko alam kung masasagot ba lahat.
"A-ang ibig mong.... P-pero s-sino ang...." My mind went blank.
"Ako ang ama ng dinadala niya. She told me na iiwan mo daw siya and she needs a child para manatili ka sa tabi niya. I can't be with her dahil nga may pamilya ako. But my wife already knew about her at tuluyan na niya akong iniwan nung nalaman niyang buntis si Amanda. Nabulag ako sa pagmamahal ko para sa kanya Kris. I don't know what to do about her anymore. The truth is hindi ko alam kung sino o kung saan niya nakuha si Iñigo. That is why I am here to ask for your help. Also, I don't know where Amanda is right now."
Dumiretso ako ng ospital at hindi ko alam kung paano ko titignan si Iñigo. All his life, ako ang kinilala niyang ama. Paano nalang kung hindi pala ako ang totoong magulang niya? Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat? Pikit mata akong nagpaDNA test. I took a sample from me and Iñigo. Three days later, lumabas na ang resulta at para akong nabunutan ng tinik when I saw that it's a 99.9% positive.
Without a second thought, lumabas ako ng ospital at pumunta sa apartment ni Ehra. Nadatnan ko si Jasper at si Louise doon na nagtatalo.
"Nasan si Ehra?" kahit na nagtatalo sila, galit ang sinalubong nila sa akin.
"Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na. Bakit ba sa tuwing nagkikita kayo ni Ehra palagi nalang siyang umiiyak?" ramdam ko ang galit ni Jasper sa akin. Nararamdaman ko rin na nangangati na ang kamao niya na suntukin ako. I look around her apartment at napansin ko ang iisang bagay na lalong nagpalakas sa kutob ko. It was a child actually its Iñigo kaso lang parang wala pa siyang isang taon sa mga pictures.
"Umalis ka na Kris. Wala siya dito. Please layuan mo na si Ehra. Wag mo na siyang guluhin pa." I looked at Louise with a pleading eyes and she did the same to me. Binuksan niya ang pinto and I have no choice but to get out.
I've been busy with Iñigo dahil sa wakas ay makakalabas na rin siya ng ospital. He stayed with my parents dahil nga may mga kailangan parin akong asikasuhin sa school at isa pa hindi parin bumabalik si Amanda.
Bumalik ako sa apartment ni Ehra pero nakailang doorbell na ako pero walang sumasagot. I guess she's not home. Papasakay na sana ako ng kotse ko when I saw her. I badly wants to hug her very tight telling her how sorry I am.
"Kris." Pigil na pigil akong yakapin siya. I am afraid that she will pushed me away. I hold her hands and grab her inside the car.
"Sumama ka sa akin please?" I sounded desperate pero ito lang ang maaaring maging sagot sa lahat ng katanungan namin.
WE headed back to the hospital and explained everything to her. Kahit na alam kong medyo hindi kapani-paniwala ang lahat after what I have done I need to complete my family.
"So anong ginagawa ko dito?" She asked me. I took her hands and cried. I don't know why but I am happy that there is a possibility na si Ehra ang ina ng anak ko.
"Iñigo might be our son." I revealed. I saw how her tears travelled down her cheeks.
After taking some samples from her and Iñigo, hinatid ko siya pauwi without me knowing na iyon na pala ang huli naming pagkikita.
BINABASA MO ANG
ENEMIES WITH BENEFITS
General FictionFRIENDS WITH BENEFITS. normal pakinggan..... tanggap ng lahat pero do ENEMIES WITH BENEFITS could also exist?