CHAPTER 22

2.7K 49 1
                                    

EHRA’s POV

Simula nang sabihin ni Kris ang kalokohan niyang mag-asawa kami, everytime we got a chance, hindi na kami umalis sa kwarto. But that does not mean na palagi nalang kaming magkadikit sa kama. Minsan nga, I would just find ourselves on each side of the room doing our own business. Tulad ngayon, he is still on the study table reading a book while I am preparing for bed.

“Hindi ka pa ba matutulog?” he looked at me and smile.

“Tatapusin ko lang muna ito.” Dala na ng pagod sa competition kanina, I immediately fell asleep. Naramdaman ko nalang ang pagtabi niya sa akin. My arms involuntarily snaked around his neck and planted small kisses around his lips

“Hmmmmm… tapos ka na ba sa binabasa mo?” I felt his arms around me and pull me closer to him.

“Hindi pa pero inaantok na ako eh.” I nodded slowly and go back to dreamland.

One thing I hate about Kris ay ang pagiging super clingy niya sa akin. Napapansin ko kasing kahit saan ako pumunta, palagi siyang nakasunod sa akin. Nakahawak sa kamay ko o minsan naman nakapulupot sa akin. Wala sanang problema but sometimes, it hinders my work.

“Kelan pa nga pala kayo kinasal?” Usisa ng isa naming kasama sa competition.

“two months ago lang.” sagot naman ni Kris. I am busy eating at almost all their attention are at us.

“Wait. Diba ikaw si Kris? Kris Ramirez? Kamusta na nga pala si Amanda?” we both froze at our seats.

“Sino naman si Amanda, Nicole?” Seriously, I wish that the floor would open and swallow me.

“Girlfriend n—“ natigil siya sa pagsasalita when I stood up.

“She’s Kris’ ex-girlfriend.” I look at the girl and I am not surprised to see who she is. Isa siya sa mga kaibigan ni Amanda I saw them one time sa isang bar.  

“Really? Alam mo rin bang may anak sila? Are you aware of that?” I clenched my fist but my composure came back.

“Yes I am. Actually, I am planning of adopting Iñigo. Right Kris?” Doon ko lang nakita that he is watching me while smiling.

“Yes. Guys, if you’ll just excuse us, aakyat na kami sa kwarto. I think masama na ang pakiramdam ni Ehra. Let’s go misis.” Inakay niya ako palabas ng dining room.

I immediately removed his hands from my waist upon reaching the elevator.

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makarating kami sa kwarto. Walang Sali-salita’y kinuha ko ang mga damit ko.

“what are you doing?” tinatanggal niya ang mga damit kong nilalagay ko sa bag ko.

“Ano ba?! Magrerequest ako ng ibang kwarto. Ayaw kitang makasama Kris.” I mirrored hurt in his eyes.

ENEMIES WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon