CHAPTER 5- FIRST KISS

5.7K 94 5
                                    

CHAPTER 5- FIRST KISS

KRIS’ POV

 

Naging maayos ang performance namin. After nang program free cut sa lahat ng subject pero hindi pwedeng lumabas ng classroom. PSH! Walang silbing free cut hindi ko tuloy makikita si Ehra. Isipin ko palang ang pangalan niya, hindi ko maiwasang mapangiti. Tinamaan na nga yata ako sa kanya eh.

Dahil nga bawal namang lumabas ng classroom minabuti ko nalang matulog at isipin ang mga memories naming dalawa ni Ehra. Pagkarinig na pagkarinig ko nang bell agad akong pumunta sa likod ng building. Alam kong pupunta siya pero kung hindi naman madali ko naman siyang mahahabol sa daan pauwi. Wag lang siyang sasama sa Jasper nay un. Isipin ko palang pangalan niya kumukulo na ang dugo ko.

Sumandal ako sa pader at napikit sandal. Maya maya nakarinig na ako ng mga yabag ng paa. I smile secretly.

“Sabi na nga ba bagay tayo eh. Alam na alam mo kung nasaan ako.” Binuksan ko ang mata ko and I am shock na hindi si Ehra ang nasa harap ko kundi ang muse ng fourth year na si Amanda. Maganda si Amanda. No one could deny that. She is tall with white complexion. Maamo ang mga mata that would really fit to her innocent face. Everyone’s crush nga siya eh, well not me.

“A-amanda….A-anong ginagawa mo dito.” Tinignan lang niya ako and took a step closer.

“Are you expecting someone?” I saw her smirk. Hindi tago sa akin na may gusto sa akin si Amanda. Ewan ko ba kung anong nagustuhan niya sa akin, hindi naman ako matalino unlike her. Section two kaya siya section three lang ako, so why me.

“Ahhh… yeah actually.” Napakamot nalang ako ng ulo., Hassle naman oh! Baka umuwi na si Ehra at hindi na talaga ako pinuntahan dito.

“You are seeing someone special Kris? Wow!! Unbelievable. Sa lahat ng lalaki sa campus ikaw lang ang never tumingin sa akin. Pangit ba ako sa paningin mo?” Tinignan ko ang mukha niya. Nawala ang inosenteng mukha niya. All I can read now is a spoiled brat high school girl.

“No. Maganda ka it’s just that….. uhmmm…… You’re too good for me?” too good??? Nyeta naman Kris! San nanggaling yun??!!

“Really?” bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko nalang ang pagkabig niya sa ulo ko at sinalubong ako ng labi niya. Her lips are soft like marshmallows pero may kulang. Yung kakaibang kaba kapag si Ehra ang kasama kong gumagawa nito. I could not feel anything between our kisses. Nasa ganun akong pag-iisip nang makarinig ako ng kaluskos sa likod ni Amanda. Napatigil kami pareho at kahit na hindi na nakalingon yung babae, alam kong siya yun.

Hinabol ko siya pero ambilis niyang tumakbo. SHIT!! Ok na kami eh. Konti nalang masasabi ko na lahat. AISH!!! Badtrip naman oh!!

EHRA’s POV

 

Tumakbo ako palayo sa kanila. Kapag pumipikit ako sila ang nakikita ko. Their sweet moment together, kissing like there’s no tomorrow. Nararamdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko. Para akong kinakapos nang hininga at para bang may sumasakal sa akin dahil sa kung anumang namumuo sa lalamunan ko. My visions are so blurry kaya hindi ko na nakitang nakabangga ko na pala si Louise at Jasper.

ENEMIES WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon