CHAPTER 11- PROBLEMS

3.5K 66 4
                                    

CHAPTER 11- PROBLEMS

AMANDA’s POV

I am really finding a hard time para paghiwalayin si Kris at Ehra. Oo, nagagawa kong landiin si Kris na dahilan ng pag-aaway nilang dalawa pero, kinabukasan bati na naman sila. Tatlong buwan na sila at mukhang going strong parin sila. I want Kris, siya lang at wala nang iba. What Amanda wants, Amanda gets.

“Pre, tignan mo kasi.” Kanina pa nakasubsob si Kris sa table ng canteen. Kanina ko pa siya tinitignan mula sa table namin na nasa likod lang nila kaya rinig na rinig ko ang usapan nila. Narinig ko rin na kaya siya ganyan ay dahil nag-away sila ni Ehra.

“Ano yan, Rico?” one of my companions ask. Hawak kasi ni Rico ang phone niya at may pilit na pinapakita kay Kris.

“ahhhh…. W-wala…. Pamblack mail namin dati kay Kris.” I smell something unusual sa video na yun.

“Pwede patingin?” Nag-aalangan na inabot sa akin ni Rico ang cellphone niya but someone snatched it away.

“Wag na wag mong ipapakita kahit kanino yan. Maliwanag?!” isang matalim na tingin ang binigay ni Kris sa aming lahat bago umalis. Sumunod naman lahat ng kasama niya.

I decided to talk to Rico. I guess madali lang naman yun eh.

KRIS’ POV

Nakakainis! Kailangan kong makita si Ehra. Baka makarating sa kanya ang video na yun. Yun yung video nung first year pa ako. Pilit kasi nila akong pinapaamin kung sino ang crush ko. Palagi ko daw kasing inaasar si Ehra. Tinatanong nila kung crush ko ba si Ehra pero tinanggi ko at sinabing si Amanda ang gusto ko. Malay ko bang narecord nila yun.

“Louise!” Lumingon si Louise pagkatawag ko.

“San ka pupunta?” sinabayan ko siyang maglakad kahit na napakainit ng sikat ng araw. Kakatapos lang ng Christmas break pero parang summer na sa sobrang init.

“Sa library. Gagawin ko kasi yung assignment ko sa Home Economics.” Matagal ko nang napapansin na parang lumungkot si Louise. Pati si Ehra napapansin yun, pero sabi niya, hindi daw niya pinipilit ito kung ayaw magsabi.

“Kung si Ehra ang hinahanap mo, nasa rooftop siya kasama si Jasper.” She smiled at me at napakamot nalang ako ng ulo.

“Thank you. Nga pala, kung anuman ang problema mo, wag kang mahihiyang magsabi kay Ehra. Anupat naging bestfriends kayo diba?” Kitang kita ang pagkagulat sa mukha niya pero agad din siyang nagbawi at isang malamyang ngiti ang binigay  niya.

“Ikaw din. Sana kahit na anong mangyari, magtiwala ka lang kay Ehra. Mahal ka nun. At sana wag na wag mo siyang papaiyakin.” Ginulo ko ang buhok niya saka pumanik papuntang rooftop.

Pipihitin ko n asana ang door knob nang makarinig ako ng nag-uusap. Medyo Malabo ito kaya binuksan ko ng knot ang pinto. Nakita ko silang dalawa at nakatalikod sa akin habang nakatanaw sa ibaba.

“Bakit siya Marisse?”

“Mahal ko siya Jasper and I think walang dahilan kung bakit siya ang pinili ko.”

“Mahal din kita Marisse at sa tingin ko, makakaya kitang mahalin higit pa sa kaya niyang ibigay.”

Matagal ko nang alam ang tungkol sa feelings ni Jasper para kay Ehra. Nung una akala ko instinct ko lang bilang boyfriend, pero kay Ehra na rin nanggaling  na nagconfess si Jasper sa kanya.

Nakita kong hinawakan ni Ehra ang kamay ni Jasper. It hurts a little pero agad din itong nawala sa sumunod na sinabi ni Ehra.

“Hindi ko kailangan ng mas higit pa. Kahit gaano kaliit o kalaki ang pagmamahal ni Kris sa akin, ok lang. Mahal ko siya. Tatanggapin ko lahat ng ibibigay niya sa akin. Ganun ko siya kamahal.” Gusto kong tumakbo at yakapin si Ehra sa sinabi niya. Gusto kong iassure siya na mahal ko siya ng sobra pa sa inaakala niya.

ENEMIES WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon