CHAPTER 2- SABAY TAYO KUMAIN

7.1K 109 3
                                    

CHAPTER 2- SABAY TAYO KUMAIN

 

Waaaahhh!! Hindi ito matanggap ng pagkatao ko. GInahasa niya ako.. ajujujuju…. Ginahasa niya ang katalinuhan ko at may consent pa talaga ng parents namin… waaaahhhh!!! I don’t want to tolerate someone like him.

Matamlay ako pumasok sa school, samantalang siya sayang saya sa mundo niya. Autistic kasi. Baka nga mas matalino pa sa kanya ang mga autistic eh. Aish!!! Hindi ko tuloy natapos ang libro ko kagabi sa sobrang pagod. Lahat ba naman ng assignment niya sa akin niya pinagawa.

“Good morning!! Oh bakit ang aga aga nakasimangot ka na kaagad?” Inakbayan ako ni Jasper. Haayyysss… Kung hindi lang talaga dahil sa kanya, wala nang saysay ang last year ng aking ‘oh-so-memorable’ high school life. Sana lang bago matapos ang taong ito maging kami… ahihihihi… Asaness dot com naman diba?

“Napapagod na kasi ako. Si Kristoff kasi lahat ng assignments niya sa akin niya pinagawa eh.” Syempre kasama na sa pagrereklamo ko eh ang pagpapacute ko. At alam kong tumalab dahil kinurot niya ang pisngi ko.

“Ok lang yun. Minsan ibahagi mo naman daw ang katalinuhan mo sa iba. Share your blessings nga diba? Hahahahaha…. Nakatulong ka kaya sa less fortunate.” Binulong niya ang last two words na napahagikgik ako.

“Hoy four eyed lika dito.” Sinamaan ko ng tingin si Kristoff. Panira ng moment eh. Nandun na kami sa momentum na magkakatinginan kami at marerealize niya na mahal niya ako eh.

“Bakit?!” Pagalit na tanong ko. Oh diba ako lang ang nerd na may kayang sumagot sagot sa nambubully sa kanya.

“Aga aga nakikipaglandian. Tara samahan mo ko mag-almusal.” Hindi na ako nakatanggi pa kasi hinila na niya ako papuntang canteen. Dahil nga maaga pa, wala pa masyadong tao sa canteen.

Nag-order na siya ng makakain samantalang ako naman naghanap nang mauupuan namin. Doon ko napili sa may dulo. Konti lang kasi ang makakapansin sa aming dalawa dito. OY!! KUNG INIISIP NIYONG DATE TO! HALA KAYO MAMAMATAY NA KAYO!

“oh. Kainin mo para tumaba ka kahit papano. Ang payat payat mo, para kang buto’t balat, lumilipad. Saranggola.” Inismiran ko lang siya at kinuha ang binigay niyang fresh milk sa akin. Corny ng joke.

Paano niya kaya nalamang gustong gusto kong uminom ng gatas sa umaga?

 

Tahimik lang siya kumakain sa harap ko. Bakit kaya sa dinami dami ng kailangan niyang dalhin dito eh ako pa?

“Tingin ka? Bakit pogi ako noh?” Nag pose pa siya sa harap ko at kinindatan ako.

“EWww!!! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo! Anong pogi?! Saang anggulo?? Ang gulo gulo kaya ng mukha mo.” Ang kapal talaga ng mukha kahit kelan. Aish!!

Buti nga kahit papano eh medyo nabawasan na ang pambubully niya sa akin eh. Naalala ko nung elementary pa kami, madalas niyang lagyan ng pulbos ng chalk ang upuan ko o di kaya hilahin ang buhok ko. Kapag may crush naman ako, palagi niyang pinagsisigawan sa classroom namin kung sino ang crush ko. Pero nung naghigh school kami natigil na siguro kasi hindi ko naman siya classmate.

ENEMIES WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon