CHAPTER 30
EHRA's POV
It's been a month simula ng dinala ko si Caleb dito sa London but since then, he never talked to me. Alam kong masyado syang naguguluhan. I've been selfish na dalhin ko siya dito, pero hindi niyo ako masisisi. Ina lang ako nangungulila sa anak niya. I want him to feel how much I love him. Ilang taon ang pinagkait sa akin ni Amanda at ni Kris para makasama ko ang anak ko. It's about time for me to make him feel how special he is to me.
"Caleb, aalis lang si mommy ha. If you need something, sabihin mo kay yaya mo, ok?" he looked at me with his sweet eyes full of longing and utter the few words after we landed here in London.
"I want to go home. Namimiss ko na si daddy." Gusto kong umiyak dahil naaawa ako sa anak ko. Alam ko pareho kaming nag aadjust pero hindi pa sapat ang oras para makasama ko siya, sila actually. A week ago nung nalaman kong buntis na naman ako, with Kris' child again. Gusto kong umiyak, maglumpasay pero natutuwa ako at the same time. Magkakababy ulit ako. The next question that hits my mind is that, should he know about this? Napakapa ako sa puson ko. Hindi parin alam ni Caleb ang tungkol sa kapatid niya. I just kissed his forehead and headed outside.
Suot suot ko ang makapal na coat and walked towards the bus station. I was thinking so hard on how to explain everything to Kris and Caleb. Simula ng umalis kami sa PIlipinas, Kris never failed to message me or call me on facebook para lang kamustahin kaming mag-ina. Minsan nakakausap siya ni Caleb pero ni minsan, I didn't have the guts to talk to him. Natatakot ako na baka kapag narinig ko ang boses niya, I would run back in his arms and forget all the misery we had.
I arrived at the office on time. Nahire ako kaagad sa London as an architect in an architectural and engineering firm. Hindi ganun kalaki ang sahod but I am still happy dahil nagagawa ko ang gusto ko at nakakalimot ako sa mga bagay bagay.
I opened my facebook and a chat popped up. Galing na naman kay Kris. It's a picture of him and a caption below saying:
"I miss you both. Sana umuwi na kayo dito. Kamusta na kayo?"
Napangiti na naman ako sa message niya. Oo aaminin ko, kinikilig ako sa mga message niya everyday. Sino ba naming hindi? Halos lahat ng galaw niya alam ko. Halow minu-minuto kinakamusta niya kami ni Caleb. Minsan, kapag tumatawag siya doon lang ako kinakausap ng anak ko, telling me kung anong ginagawa ng daddy niya sa Pilipinas. Nasa ganung momentum ako when another chat pops up. Galing sa mommy ni Kris.
"Ehra, alam kong hindi dapat ako nangingialam pero we are visiting London this week. Ako and ang tito Winter mo. We want to see our grandson. Sana wag mong ipagkait yun."
Parang kinurot ang puso ko sa message ni tita Autumn. She is very kind at kahit nung tumira ako sa kanila, sobrang bait niya sa akin, sila ni Tito winter. I promptly reply to her message.
"Sure tita no problem. Text niyo nalang po ako kung kelan para masundo naming kayo ni Caleb."
After that I ate breakfast and drink my medicine. Nagpacheck up ako sa doctor the other day at niresitahan niya ako ng vitamins at pampakapit sa bata. Mahina daw kasi ang kapit ng bata. Everytime na naiisip ko yun, I just hold my tummy and pray for the safety of my child. Minsan nararamdaman ko ang pagkirot and I could not hide my fear.
I start working at hindi ko na namalayan ang oras kung hindi pa ako tinapik ni Joanna, isa ding pinoy.
"Di ka pa nagugutom? Tara lunch tayo. Masama sa baby ang magutom." Doon ko lang napansin na it's past 12 noon. Lumabas kami ng office and went to the nearest café. I ordered my usual meal and after some chitchats, tumayo na kami palabras ng café, but before I could step out of, I saw someone familiar. Naramdaman ko ang pagtakas ng dugo ko sa buo kong katawan. I saw her staring directly at me. Everything flashback right in front of my face. Unti unti siyang lumapit sa akin at doon ko napansin ang umbok sa tyan niya. I instantly feel the knot inside my chest at napahawak nalang ako sa puson ko.
BINABASA MO ANG
ENEMIES WITH BENEFITS
Ficción GeneralFRIENDS WITH BENEFITS. normal pakinggan..... tanggap ng lahat pero do ENEMIES WITH BENEFITS could also exist?