6 [N]

17 0 0
                                    

Cara

Napakatagal naman ni Aeri. Kung di dahil sa kanya di ako lalabas ng bahay. Baliw na baliw kasi kay kuya.

Abala ako sa pag scroll sa insta ng biglang mag message si Aeri na nasa baba na daw sya. Buti naman at buhay pa to. I messaged kuya Chan before going out. Need ko mag update sa kanya kung hindi ako rin malalagot. He's in charge saakin dahil sila Mommy ay nasa Australia.

"Apaka bagal naman madam" inirapan ko nalang si Aeri sa pagbati nya. "Oo nga pala kalaban pala nila Channie ko sila Kuya Jae?" Asang asa talaga sya kay Kuya. Di ko nalang sya pipigilan dahil dun sya masaya. Mabait naman si Kuya kaya pwede ko ipagkatiwala ang bestfriend ko sa kanya.

"Jae? As in Jaehyun?" taka kong tanong sa kanya. Wala naman nabanggit si kuya na makakalaban nila yung mga taga SM.

"Oo te, may iba pa ba akong kuya" nakita ko naman syang umirap saakin, attitude talaga to.

Tahimik ang naging almost minutes drive namin na ang natatanging tunog lang ay ang speaker na tumutugtog ngayon. Nakafocus naman si Aeri sa pagd-drive dahil di sya marunong mag multitask.

"Dito na us, sa gym daw ba sila o sa open field?" Tanong ni Aeri habang kinukuha ko ang gamit ko sa sasakyan.

"I'll call kuya nalang, di ko rin sya natanong kahapon e" I said and dialed my brothers number. Makailang ring naman ay sumagot di sya.

"Yes hello?"

"Gym or open field?"

"Open field, pero pwede naman muna kayo dumaan sa room namin, may foods dito"

"Di ba kami mawawalan ng pwesto?"

"Nope, sinabihan naman namin yung girlfriend ni Hyunjin at kapatid ni Felix na mag save ng dalawang seats para sa inyo"

"Sige kuya we'll drop by muna dyan, Love you"

"Love you too"

"When kaya?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Aeri. "When kaya rin ako magsasabihan ng love you to Channie" Inirapan ko nalang sya sa sinabi nya at napangiti.

"Dun daw muna tayo sa room na tinutuluyan nila kuya may foods, may seats narin na sinave saatin" tumango naman sya sa sinabi ko at sabay na kami naglakad.

Nasa Hybe University gaganapin yung Dance Competition ngayon. At jusko napakalaki ng campus nila. Malayo-layo pa ang open field sa pinagparkingan namin. Tho 3 to 4 minute walk lang pero nakakatamad. Keri yan Cara, eto na ang work out mo for today.

"Brownie boy!"

"Hyung-nim pwede bang picturan mo muna ako"

"Sige sige tayo ka dyan"

"Chan kela ka pa ba magdadamit?"

Ingay naman ng grupo nila kuya ang sumalubong saamin. Wala naman bago jusko, sa kahit na saan sila magpunta malalaman mo agad kung nasaan sila sa lalakas ng boses nila.

"Omg be free show from Channie" napatakip naman ako ng tenga nang sumigaw si Aeri. Tumingin na din ako sa tinitingnan nya at nakita ko si Kuya na walang damit.

"Magdamit ka nga kala mo kayo kayo lang nandito" sabi ko habang hinahampas hampas braso ni Kuya. Alam ko naman na maganda katawan nya pero jusmiyo asa labas sila ng bahay.

"Andito na ka na pala, dun sa table may food, tapusin lang tong buhok ko magdadamit na ko" sabi ni kuya habang nakangiti saakin. "Andun din si Minho" mapangasar nya pang sabi.

Tiningnan ko naman si Aeri at nakita ko naman sya na pinipicturan sila Seungmin at Jongin. Iniwan ko na sya at kumuha na ng pagkain.

"Wala na panalo na kami" rinig kong bulong ng tumabi saakin, di naman ako nagulat ng nakita ko sa Minho na bahagyang nakasandal sa table.

Kitang kita yung muscles nya sa braso dahil sa suot nyang shirt na may zipper sa gitna. Naka bukas ito ng slight at may beaded necklace rin sya na suot. Nakapart din yung buhok nya kaya kitang kita kagwapuhan nya, wait what? No di sya gwapo, I mean oo gwapo sya pero walang malisya.

"Tapos mo na ba ako titigan" he said and smirked. Hot. Teka ano ba tong naiisip ko.

"Who said that I'm checking you out?" Sabi ko sabay irap. He just shrugged and smiled. Sht

"Hi Cara" bati saakin ni Jiyeon, girlfriend ni Hyunjin. "Hi Ji namiss kitaa, asan nga pala si Lexi?" Yumakap ako sa kanya, yumakap at nagbatian narin sila ni Aeri. Di lang basta batian dahil tumili pa sila pareho.

Nasa left side kami ng audience at harap na harap sa stage. Nag announce na rin yung Emcee sa pag start ng competition at dumating narin si Lexi.

Pangalawa daw sa huli na mag peperform grupo nila kuya. Infairness magagaling din kung ibang contestants. Lalo na yung 5 member group na galing dito sa Hybe Univ. Super tangkad nila grabe iniisip ko palang na paano kung side by side sila ng group nila kuya natatawa na ko agad.

Dumating na rin ang time na sila kuya na ang mag peperform. And it is so smooth and powerful. Ang uniform nila gumalaw pero may sarisarili parin silang style.

Nahagip naman ng panangin ko si Minho as he danced powerfully. As if he was dragging me into his performance. Nakasalubong naman ang tingin namin at kinindatan nya at ngumiti ng malaki. Napaka gwapo. No Cara hindi na tayo marupok.

Natapos na ang performance nila at isang malakas na tili mula sa audience at katabi ko narinig ng naglast pose sila kuya.

"And for the last performance, let us all welcome NCT of SM University"

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang pumasok ang grupo ng kuya ni Aeri. I mean oo alam ko na kasali ang NCT pero di ko naman aakalain na kasama sya, kasama si Mark.

"Te balik lang ako sa room nila kuya m-may kukunin ako" paalam ko kay Aeri at tinanguan nya naman ako.

Mabilis akong naglakad paalis sa open field. Wala ako sa wisyong naglalakad hanggang sa mabunggo ako ng isang likod.

"Uy Cara, miss mo na ko agad?" Boses ni Minho. Di ko na sya pinansin at nakita ko naman sa may likod nya si kuya. Nagtama ang paningin namin kaya't tumakbo na ako at niyakap sya.

"Let's go home" tumango nalang ako sa kanya.

Polaris •MinhoWhere stories live. Discover now