29 [N]

6 0 0
                                    

Cara

"Tabi kami ni Jiyeon sa kwarto" pagdedeklara ni Hyunjin at itinaas naman ang kamay nila ni Jiyeon na magkahawak. Edi sila na diba di nahiya sa single sa paligid.

"No! Tabi tabi kaming girls, ayoko makarinig ng di kaaya-ayang ingay mamaya" inagaw naman ni Aeri ang kamay ni Jiyeon na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Utak talaga ng mga kaibigan ko di mo malaman kung maayos pa ba.

"Huy anu ka ba? Hihiya aku hihi" napangiwi naman ako kay Hyunjin na nagpapakunwaring nahihiya, ewie be.

Napagdesisyonan nalang na sama sama kaming mga babae sa room na may dalawang higaan, that was voted by the girls kaya pumayag na yung mga lalaki. Sila naman hinati din yung mga matatanda at mga bata sa room na may double deck. Bale may 3 rooms dito sa airbnb namin, 2 rooms na may dalawang double deck at isang room na dalawang malaking beds.

"Cara" lumingon naman ako kay Minho na tumawag saakin. Umiling nalang sya saakin agad, baka nakalimutan sasabihin nya. Dumeretso nalang ako sa room namin at nagsimula na ayusing ang mga gamit ko.

It is almost 6pm na din pala and I actually don't know what to do, kaya humiga nalang ako sa higaan namin ni Jiyeon.

"Lalim naman nyan" tumingin ako sa nagsalita sa pinto, si kuya na naka sando at shorts. "Ayos ka lang? Be honest" napayuko naman ako.

"I don't actually know kuya, ayos naman ako kanina pero parang biglang bumigat nanaman, biglang ang sakit nanaman. Gusto ko na kumawala sa gantong cycle but I really don't know" I started to blabber things out. As kuya Chan held my hand I broke out.

"This day was supposed to be happy and healing pero eto ako nag b-breakdown sa hindi malaman na dahilan. I'm-I'm actually afraid to be happy right now dahil feeling ko mababawi sya kaagad" agad naman akong niyakap ni kuya, the warmth that will always be there whenever I need it.

"Just let things out okay? It is fine to feel empty at times, but don't restrain your emotion, whatever emotion it may be don't restrain it understand?" Kuya cupped my face and looked at me in the eyes. Tumango naman ako sa kanya and hugged him again.

I'm really thankful na sya ang kuya ko, and I can't imagine having another kuya that's not him.

"Are you okay na?" Tumango naman ako at pinunasan na ang mga luha ko. "Panget ka na nga tapos iiyak ka pa, dumoble na kapangitan mo nyan" tinulak ko naman sya, kaasar, ayos na yung mood e jusq. Natawa naman kami both sa kalokohan nya.

Niyakap nya ako ulit at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Don't be afraid to face anything, I'm always- always here with you okay? I love you" tumango naman ako sa kanya.

"Thank you kuya, I love you too"

"Fix yourself na at maghahapunan na tayo by the sea, mag jacket ka at mahamog na I'll wait for you sa baba" huling sinabi ni kuya bago sya lumabas ng kwarto.

Agad naman akong naghilamos at naglagay ng liptint para di halatang putlang putla nanaman ako. Nagpalit naman ako ng denim shorts at sandna itim. Nag windbreaker na rin ako bago kunin ang phone ko at lumabas.

Polaris •MinhoWhere stories live. Discover now