21 [N]

8 0 0
                                    

tw: mention of abuse, cheating, and manipulation

Cara

 Ilang araw na ang makalipas ng magsimula si Mark na ipursue ako ulit. Ilang araw na din ang makalipas simula nung umalis si Minho for business meeting. Hindi nya rin ako chinachat simula nung umalis ka, baka busy lang. Pero sino ba naman ako para iudpdate nya diba?

"Cara gusto mo bumisita ng dorm?" tanong ni kuya saakin. Dito sya umuwi kagabi di ko alam kung bakit, baka na miss ako."Para naman hindi bahay school lang ang pinupuntahan mo"

"Grabe naman di naman ako bahay school lang araw-araw" reklamo ko. Makapagsalita sya kala mo hindi dorm at work lang pinupuntahan nya, minsan nga lang sya umuwi dito. 

Di ko nga alam kung bakit nag dodorm parin sila kahit na may sari sarili na silang trabaho at yung mga 00-liners na ka edad ko at si Jongin nalang ang nag aaral sa kanila, mga di nagsasawa sa mukha ng isa't isa.

"Ay napupunta ka pala sa ibang lugar pag nakikipag date kay Mark" nakita ko naman na umirap sya. Ever since Mark and I broke up iritang irita na sya kay Mark, malaman nya lang ata na humuhinga si Mark bwisit na bwisit na sya e, and I understand his hatred towards the other one naman. "Basta sama ka na ah, bihis ka na aalis na tayo"

Di naman ako nag reklamo at nagbihis na rin. Namimiss ko na rin naman mga kaibigan ni kuya. Tho hindi ko sila close lahat they are still important to me dahil importante sila kay kuya.

Makalipas ang almost an hour ride nakarating na rin kami sa dorm nila kuya. Mas malapit yung dorm nila sa JYP Univ kesa yung bahay namin pa puntang school. Mabuti nga at hindi traffic at mabilis kaming nakarating sa dorm nila.

"itago mo muna kasi yan jusko"

"ayusin mo naman itsura mo mukha kang tanga"

"Wow nagsalita ka talaga Han Jisung ah"

Hindi sila kaibigan ni kuya kung tahimik sila. Rinig ko naman na humina ang boses nila nang makapasok kami ni kuya. Bat ngayon pa sila magpapangap na tahimik e sobrang tagal na naman na simula nung makilala ko sila, nung simula pa nga lang di na nila itinago ang kulang nila saakin.

"oh baby baby baby my baby baby..."

rinig kong pagkanta nila ng OST ng Meteor Garden. Iba iba naman ang lyrics nila kaya natatawa nalang ako habang naglalakad papunta ng sala nila. 

Nang makarating kami ni kuya sa sala nakita ko sila Jongin na nakataas pa ang kamay habang damang dama ang pagkanta na mali ang lyrics. Ansakit na ng pisngi ko kakangiti sa kalokohan nilang magkakaibigan.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kusina nila at inilabas nito si Minho na may dala dalang mga bulaklak. Teka... si Minho? akala ko sa makalawa pa ang uwi nya? Kaya ba ako inaya ni kuya sa dorm.

"Grabe naman makatitig na miss mo ko?" ngumiti naman sya ng nakakaloko nang malapitan na ako. Kinurot ko naman ang tagiliran nya sa pagkagigil, landi jusme.

He stretched his arms at me gesturing that he wants some hugs. Cute. and so I gave him his long awaited hugs.

"Cara wag masyado uminom!" Saway saakin ni kuya when I filled another shot of my soju. "Eme ka kuya nakakatatlong shot palang ako" sabay irap ko sa kanya

Dito na daw muna ako matulog sa dorm nila sabi ni kuya. Dun nya ko papatulugin sa higaan nya at sya naman sa higaan ni Changbin at dun naman sya sa extra na higaan sa room nila Hyunjin. Ayaw kasi ni kuya na dun ako makikiroom sa iba dahil wala syang tiwala sa mga kaibigan nya. Nahihiya rin naman kasi akong matulog kasama sila sa iisang room.

Polaris •MinhoWhere stories live. Discover now