Cara
Nandito na kami ngayon sa airbnb at nagiimpake, mamaya na kasi ang flight namin. Hindi rin naman kasi kami pwede magtagal dahil may trabaho na sila Kuya, Minho, at Changbin oppa.
"Cara?" Rinig kong katok ni kuya sa kwarto na tinutuluyan ko. "So? Kayo na?" Sumandal sya sa frame ng door and he crossed his arms. "Wala namang problem saakin kung kayo na, he's a good guy you know"
Umiling ako sa kanya, indicating na hindi pa kami ni Minho.
"I understand, tara nga dito" agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap nya naman ako. "Things will be better, I know it, and trust me lahat ng paghihirap mo ay ma-o-overcome mo rin. Okay?"
"Okay" ngumiti ako sa kanya at hinalikan nya naman ang tuktok ng ulo ko.
"Tara na paalis na tayo" tinulungan muna ako ni kuya na isara ang maleta ko bago kami bumaba.
Maayos na naman na silang lahat at ako nalang ang kulang.
Makikita sila Jiyeon at Hyunjin na naglalanpungan, mga walang pakundangan sa mga single. Si Felix, Seungmin, at Jisung na nag babato-bato-pick. Si Lexi at Jongin na nag pipicture. Si Aeri at Changbin na malalakas na boses na nagaasaran. At si Minho na nakasandal sa sasakyan habang nag p-phone, he looks so fine.
"Malusaw naman" natawang sabi ni kuya at lumapit na sa iba habang dala-dala ang maleta ko. Napailing nalang ako sa kanya at naglakad na din.
"Ayan na ang ating special friend na napaka tagal mag asikaso jusko" pagrereklamo ni Aeri at sumakay na sa van.
Same positions parin pero nagpalit ng upuan si Aeri at Jongin. Halos magmakaawa pa si Jongin kay Felix para lang makatabi si Lexi, pinagbigyan naman sya ni Felix kaya tuwang tuwa ang bata.
"You can sleep if you want" pag aalok ni Minho. Sabagay aabutin din kami ng ilang oras bago makarating sa airport.
Inakbayan nya naman ako at isinandal ang ulo ko sa balikat nya. Naririnig ko naman ang pagkantyaw sa kanya ng mga kaibigan namin pero di ko na pinansin sa sobrang pagkaantok ko.
"Cara? Cara? Gising na nasa airport na tayo" unti-unti kong minulat ang aking mata. Tumingin naman ako kay Minho na ngayon ay nakangiti. "Tara na kain daw muna tayo sa resto sa loob bago mag board"
Nauna naman syang bumaba at dinala ang maleta ko. Kukunin ko sana pero sya na daw dahil backpack lang naman daw ang dala nya sa sarili nya kaya kaya nya na daw. Di nalang ako nagreklamo dahil alam kong di rin sya magpapatalo.
"Hoy love birds bilisan nyo padating na yung pagkain!" Sigaw ni Changbin oppa saamin kaya nahampas naman sya ni Aeri, ingay kasi buti nalang asa bungad lang sila nung resto.
"Gutom ka nanaman Changbin"
"Wow naman Aeri kala mo ikaw hindi, mas malakas ka nga kumain kesa sakin"
Bangayan ng dalawa na ikinailing nalang naming mga kasama nila. Kelan pa sila naging close?
Bigla naman akong nakaramdam ng uneasiness, feeling ko may something na mangyayare na hindi ko magugustuhan. I don't like how this feels, parang nagwawala ang pakiramdam ko, not now please. Bigla namang di ko mapigilan ang panginginig ng buong katawan ko.
YOU ARE READING
Polaris •Minho
Fanfiction"sa dinamidaming tala sa langit ikaw ang napili ko" "corny be" Stray Kids Lee Know (Lee Minho) fanfiction Epistolary x narration Date Started: Feb. 3, 2023 Date Ended: xxxxxx