10 [N]

10 0 0
                                    

Minho

"Ubusin nyo yang isang box na soju ah!" Sigaw ni Changbin kila Jisung.

Nandito kami sa dorm ngayon para magcelebrate ng pagkapanalo. Kumpleto lahat pwera kila Chan at Cara. Hanggang ngayon nagaalala parin ako sa kanya simula ng makita ko sya na umiiyak sa balikat ni Chan kanina.

Kahit na matagal tagal ko na sya na kilala marami parin akong di alam sa kanya. Wala naman din kasi syang ibang kinakausap kung hindi ang kuya nya at si Aeri, minsan sila Jiyeon o Lexi. She's not an open book and I understand that.

"Minho" rinig kong tawag saakin ni Aeri na nakaupo sa tabi ko. "Alam mo ba kung ano nangyare kay Cara? Ayos naman sya nung nanonood kami tapos nagpaalam lang na bumalik sa room na tinutuluyan nyo nung last performance then biglang masama na pakiramdam nya" clueless na kwento nito.

Baka may nangyare sa kanya on the way sa room na tinutuluyan namin. Baka may nambully or namahiya sa kanya. Medyo malabo naman yun dahil bukod sa ibang campus yun ay hindi pansinin si Cara.

"May problema ba sya nung mga nakaraang araw?" Tanong ko kay Aeri. Parehas kaming napaisip dahil parehas din kaming clueless sa nangyayare kay Cara.

"To be honest, hindi sya nagsasabi ng problems saakin, lalo na ng heavy problems nya. It's either sasabihin nya lang if tapos na or di nya talaga sasabihin. Dahil sa ganyang character nya mas nagaalala ako sa kanya" ramdam ko naman ang pag aalala nya sa bestfriend nya. Sino ba namang hindi diba? Maski tong mga kaibigan ko alam kong nangaalala rin sila pero dahil alam nila na wala rin silang magagawa but to be a support kila Chan hyung at hindi na mangielam.

"Chan-hyung! Pano si Cara?" Napatingala ako ng magsalita si Jongin. Nasa pinto si Chan na may hawak hawak na apat na plastic ng chicken. Jusme bat andami?

"Pinilit nya ko na pumunta, tara kain na tayo"  ibinaba nya naman ang dala nya sa lamesa. Lumapit ako sa kanya at kinalabit sya. I need to know kung ano nangyare at kung kamusta na si Cara, hindi ako papatahimikin ng utak ko kung hindi.

Tiningnan nya naman ako at di na ko pinagsalita. "Masama lang pakiramdam nya, ayos lang sya" he said and smiled. Pero bakit parang di ako satisfied or hirap lang talaga akong paniwalaan na ayos lang si Cara.

Nagtuloy-tuloy lang sila sa pagiinuman at ako naman ay iniisip parin si Cara. Hindi ako mapakali feeling ko need ko sya puntahan or samahan manlang. I feel so uneasy. Alam ko naman na sya na mismo nagsabi kay Chan na kaya nya sarili nya pero may something saakin na nagtutulak na puntahan sya.

"May bibilhin lang ako" paalam ko at di na sila inantay na makasagot at umalis na agad. Hindi ako matatahimik hanggat di ko sya nakikita.

Nag drive muna ako papuntang 7/11 para bumili ng mga makakain nya. Sa totoo lang sa ngayon di ko alam kailangan nya, kaya kinuha ko nalang lahat ng alam kong gusto nya.

"Marshmallow, chocolate, honey butter, milkis" isa-isa kong binigay sa cashier yung mga binili ko "ay pasama narin pala nito, salamat" hinabol ko na ang isang pack ng gummy worms at umalis na pagkabayad.

12 na rin pala ng madaling araw. Gising pa kaya yun?

"Minho?" Rinig kong banggit ni Cara mula sa monitor nila pagkadoor bell ko. Itinaas ko naman yung dala kong snacks at ngumiti. "Saglit buksan ko muna pinto"

Di naman nagtagal pinag buksan nya na ako ng pinto. Namamagang mata nya agad ang napansin ko. Nahihiya nyang tinakpan ang mukha nya, napansin nya ata na nakatitig ako.

"Kakagising ko lang kaya medyo maga pa mata ko, pasok ka"

Simple lang yung condo na tinitirhan nya ngayon. Talagang pagdalawahang tao lang. Pinaupo nya naman ako at kumuha ng tubig. Sa totoo lang di ko alam sasabihin ko and you can actually feel the awkwardness in the air.

"Bakit ka nga pala nagawi? Meron kayong celebration diba?" Umupo naman sya sa tabi ko at tumingin saakin. Angganda nya.

"Ah pauwi na ako pero naalala kong sinabi ni Chan-hyung na wala kang kasama kaya dumaan ako" pagdadahilan ko, di ko alam kung maniniwala ba sya o hindi mahalaga naandito na ako. "Nga pala snacks para sayo"

"Uy wow salamat" nakita ko naman ang liwanag ng pagngiti nya sa mga nakita nya. Hinayaan ko nalang sya na kumain at di muna nagsalita. Di ko rin alam kung anong sasabihin ko kaya nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain ng marshmallows.

"May mali ba sa mukha ko?" Inilingan ko sya pero napaiwas din ako ng tingin nang marealize ko na nakatitig nanaman ako sa kanya. Di ko naman din kasi maiwasan angganda nya kahit na haggard.

Ilang minuto kami ulit natahimik bago ko basagin ang katahimikang ito.

"K-kamusta pala? Anong nararamdaman mo?" Nakita ko naman na biglang lumungkot ang expression nya. I knew it, she's not ok.

"I'll be fine, need lang ng time" sabi nya at pilit na ngumiti. Ngayon na nga lang kami magkakasama na kami lang tapos malungkot pa sya, daya naman nito tadhana.

"Need mo ba ng may mapapagsabihan, if you don't need naman ayos lang" I'm trying my best to make her feel comfortable with me. Alam ko sa sarili ko na may pagkachismoso ako, pero if hindi nya naman kayang sabihin di nya naman din kailangang sabihin, I have a big respect for her.

"No I'm good, things will be better at ayoko naman palakihin ang mga bagay bagay. Sa ngayon sapat na na buhay ako" ako na ang nasiiyak at nahihirapan para sa kanya. Hindi ko man alam ang pinagdaraanan nya pero alam ko na nahihirapan sya, ramdam ko.

"I'm here if you need someone to cry on, if you need someone to talk to, or even if you're bored I'm always here remember that" tinanguan nya naman sng sinabi ko at ngumiti. Shet angganda nya pag nakangiti, soon I'll be the only reason of her smiles.

"Thank you Minho"

Polaris •MinhoWhere stories live. Discover now