Cara
Bangag na bangag pa ko nung sinundo nila ako sa condo. For some reason hindi ako makatulog kagabi. May nagiisip siguro saakin, itigil na nya ako ng napipinsala.
"KUYA MATAGAL PA BAAA??!!!" sigaw ko sa kuya kong nagmamaneho ngayon.
"Saglet di makaantay nyeta" nag make face nalang ako sa kanya. Pakabagal nagugutom na ako.
Nasa iisang van kami ngayon papuntang airport at sa kabutihang palad nagkasya kaming lahat kasama mga luggage namin.
Imagine si Kuya nagd-drive at nasa shotgun si Changbin oppa. First row naman si Jiyeon, Hyunjin, Jongin, at Jisung. Seconce row naman si Felix, Lexi, at Aeri. At ako, Minho, at Seungmin naman nasa huling row.
"Gutom ka na?" Tanong ni Minho saakin at tumango naman ako. Wala pa kong almusal kaya gutom na gutom na ko. May kung ano naman syang kinuha sa handbag nya at binigay saakin.
"Bakit may chicken sandwich ka sa bag mo?" Halong pagtataka at tawa na tanong ko. Medj bobo din Cara, malay mo baka magutom sya diba?
"Expected ko na di ka pa nagaalmusal" napatingin ako sa kanya at busy naman sya sa paggamit ng phone nya. I unconsciously smiled, nakakakilig.
"Bading nababaliw ka na? Ngumingiti mag-isa" Automatic naman akong napairap nang marinig ko si Aeri. Kahit kailan talaga panira to ng moment.
"Ikaw baliw! Bwisit" pagmamaktol ko at kinakatan na yung sandwich.
"Baliw sa kuya mo hihi" napairap ako ulit sa kanya at yung iba naman humihiyaw at tinutukso si kuya.
Tumingin naman ako sa katabi ki na namumula yung tenga. Nagpanic naman ako dahil first time kong makita yung tenga nya na sobrang pula.
"Huy Minho ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Pag aalala ko at hinawakan ang mukha nya to check his temperature.
Minho
Shit.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko anytime sasabog na to. Ang lapit nya saakin. And it feels like the time just stopped. I'm just staring at her, how can someone be this beautiful.
"Huy Minho ayos ka lang ba? Pwede ka namang sumagot diba? May bibig at dila ka for a reason" para akong nabalik sa ulirat ng magsalita sya.
"A-a-ayos lang" agad nya naman inalis ang kamay nya saakin at tumingin na akala mo hindi naniniwala sa sinabi ko. "M-mainit lang, oo mainit, k-kaya namumula haha" bobo Minho fully aircondition etong van nyo.
"Oo nalang, basta pag may problema o masama pakiramdam mo magsabi ka lang ah" tinanguan ko naman sya at ngumiti. Eto ba ang feeling na maging boyfriend nya? Kung oo, sana araw araw.
"A-a-ayos k-k-ka l-lang b-b-ba t-talaga?" Bulong na pang-aasar ni Seungmin sa tabi ko kaya't siniko ko sya. Paki paalala nga na ihuhulog ko to sa eroplano mamaya para mabura na sa mundo ng tuluyan.
"Good morning passengers Flight 32B Incheon to Jeju are now boarding please prepare your boarding pass..."
Rinig kong sabi ng announcer kaya pumunta na kami sa eroplano. First trip namin tong mag t-tropa na may kasamang iba, kaya exciting.
"22A, 22A, 22A" nanlumo naman ako nang makita ko na tabi ng bintana yung pwesto ko. I thought napa change ko yung seat ko na hindi sa may bintana.
"Gusto mo palit tayo?" Rinig kong tanong ni Cara sa likod ko. "I mean gusto ko kasi sa may bintana and I know that you're afraid of heights kaya palit na tayo" di parin ako sumasagot. "Oh my gosh I'm not gonna ask you anymore, ako na sa 22A ikaw na sa B at si kuya sa C let's go"
Hawak nya ang pulsuhan ko habang hinihila ako papunta sa seat namin. And not gonna lie I wish to hold her hand pero let's learn self control muna.
"Don't look so you wont be afraid" ngumiti sya saakin at hinawakan ang kamay ko, charot lang pala yung self control. Alam kong pinapakalma nya lang ako pero bakit ba? Eh sa kinikilig ako.
"Pa-fall kapatid mo hyung" bulong ko kay Chan at napangisi naman sya.
"Nahulog ka naman?"
"Tagal na" I said and lighty squeezed Cara's hand. Gahd I'm enjoying this.
For more than an hour magkahawak lang ang kamay namin. Well inaalis nya for sa few minutes pag kakain or pag pinagpapawisan na kamay namin pero binabalik nya rin ang pagkahawak.
Maya-maya nag land na rin yung eroplano. Bastos di pa ko solve sa 1 hour holding hands na yun eh. Di bale in the future hindi lang 1 hour.
"Ayos ka na?" Tanong ni Cara nang maka-land na ang eroplano, tapos na ang exciting part di na kami magkaholding hands.
"Ayos na, tara" kinuha ko naman ang hand carry nya at naglakad na palabas.
"Wow jowa naman ang peg may pagbuhat ng gamit" bulong ni Hyunjin saakin. Pasalamat sya good mood ako ngayon at di ko sya masusungalngal ng tissue.
"Soon yan wag ka mag alala" sabay thumbs up naman saakin ni Jisung.
"Malapit na" good luck talagang malupit saakin.
"Pano kung di tatanggapin yung confession?" Napatingin naman kami kay Felix na di namin napansin na nasa likod namin. "I mean I don't want you to overthink and end up not telling her how you feel, pero paano kung hindi pa sya ready diba"
"Wala naman saakin kung tatanggapin nya o hindi for now kasi I'm more than willing to wait" napahiyaw naman mga kaibigan ko. Idol nanaman nila ako tsk.
"Basta support kami sayo kahit na anong outcome pa yan" inakbayan naman ako ni Hyunjin pagkasabi nya at ngumiti.
"Minsan pala no may kwenta sinasabi mo" agad nya naman inalis ang braso nya sa balikat ko na kinatawa ko.
"Kain ba muna tayo o deretso na sa airbnb para dun na umorder?" Tanong ni Chan hyung habang sinisimulan ang kotse. Same same parin kami ng pwesto, kaya katabi ko ulit si Cara.
"Kain muna gutom na gutom na ko" reklamo ni Changbin na nakahawak pa sa tyan nya. Kelan ba hindi?
"Kelan ba hindi? / Kelan ba hindi?" Sabay na sabi ni Hyunjin at Jisung, wow shared braincells?
"Yeobo!" I just rolled my eyes sa kalandian ng dalawa, kala mo di kasama ni Hyunjin jowa nya no?
Naramdaman ko naman na may sumasangisangi sa balikat ko. Nakita ko nalang si Cara na hirap na hirap sa pagtulog. Pagod siguro sa byahe, kanina pa sya tahimik eh.
Isinandal ko nalang ang ulo nya sa balikat ko. Hindi ako dumadamoves ayoko lang sya mahirapan, oo yun lang yun.
"Sure ka na ba?" Rinig kong bulong ni Seungmin sa tabi ko. Kumunot naman yung noo ko dahil di ko alam kung tungkol saan yung sinasabi nya. "Sure ka na ba na i-p-pursue mo sya? Di sya nagsasabi but we all know na hindi sya ok and I know for sure na may mga sinabi sya sayo na hindi namin alam, nakita ko kaya kayo"
Chismoso. Pero for real, I know na nagaalala sya para saamin pareho ni Cara. She's not okay and it will take time. And I know for a fact na there's a possibility na ako ang masira. Ayoko rin naman na masira ako pero ayoko rin na hayaan si Cara na sira for a very long time na sya lang magisa. I want to be there for her.
"Sure na ko sa kanya"
YOU ARE READING
Polaris •Minho
Fanfiction"sa dinamidaming tala sa langit ikaw ang napili ko" "corny be" Stray Kids Lee Know (Lee Minho) fanfiction Epistolary x narration Date Started: Feb. 3, 2023 Date Ended: xxxxxx