Cara
"Beshiebells!" Tawag ni Aeri saakin at kumaway. Kasama nya sila Jiyeon at Lexi na mga naka outfit-an pa. "Di ko naman alam na required pala ang bodyguard di ka nag sabi"
Napairap naman ako sa sinabi nya. Sumama kasi sakin si Minho. Wala naman daw syang gagawin tsaka oara daw sure na safe ako. Body guard yan?
"Anyway kain na muna tayo bago mamili" tumango naman ako sa sinabi ni Jiyeon. Buti pa to may sense kausap.
Umorder na kami ng makakain. Sagot na daw ni Jiyeon, iba na talaga ang may pera. Yan ang napakalakung when.
Habang kumakain nag kukwentuhan kaming magkakaibigan.
Si Shin Jiyeon, engineering student at jowa ni Hyunjin. Kasing edaran ko lang nakasama ko sya sa isang unit ko nung first year college at dean's lister. Ang talino nya pero jowa nya di natin sure, charot. Sa totoo lang bagay na bagay sila, matoyo lang sila pareho minsan kaya madalas mag away.
Lee Lexi, accounting student. Pinakabata sa aming lahat '02 liner. Tahimik lang sya pero pag nakaclose na nang iiba na din ang kulay. Kapatid ni Felix kaya medyo protective din si Felix sa kanya, well baby-baby din naman kasi namin sya.
At ang bestfriend ko na si Jung Aeri, psychology student, like me. Matalino mukha lang hindi. Naging friend ko nung first year college sa di ko malamang dahilan basta nagulat nalang ako close na kami. Pero salamat sa kanya dahil nakayanan ko ang college, kung hindi dahil sa kanya bagsak ako dahil di ako mahilig maki socialize unlike her.
"Lalim naman nyan" bulong ni Minho sa tenga ko. Hinawi ko naman yung mukha nya. Napaka pa-fall ng taong to kahit kelan.
"Minho sure ka ba talaga na sasama ka?" Sabi ni Jiyeon at tinutok pa ang tinidor nya kay Minho.
"Oo bakit ano ba bibilhin nyo"
"Bikini" unfiltered na sabi ni Aeri kaya pinanlakihan ko sya ng mata habang si Lexi naman at nabulunan at si Jiyeon naman ay tawa ng tawa. "Seryoso ako"
Napailing naman ako kay Aeri. Nakita ko naman si Minho na nakangiting nakatingin saakin.
"Wala naman akong problema dun" sabi pa nya at tinaas baba ang kulay na na ikinairap ko.
"Manyak kang nyeta ka" bahagya ko naman syang hinampas sa braso nya.
"Joke lang naman, aantayin ko kayo sa labas ng store"
"Black o etong red?" Pinapapili kami ngayon ni Aeri kung anong mas bagay na two piece sa kanya.
"Red para hot" sabay turo ni Lexi sa red na bikini. Well mad bagay naman talaga kay Aeri yung red.
"Ikaw nalang wala Cara wag ka kj minsan lang tayo may bikini" kantyaw ni Jiyeon saakin. E sa wala akong mapili anong gagawin ko?
"Baka gusto nya na audience si Minho, or need nya ng approval ni Minho" napairap naman ako sa sinabi ni Lexi na dahilan ng paghiyaw nila Aeri.
"Ano ba status nyo at ang astahan nya ay parang jowa mo? Baka mamaya kayo na di manlang kayo nagsasabi, tatampo na ko nyan" Aeri said na nakapagpaisip din naman saakin.
YOU ARE READING
Polaris •Minho
Fanfic"sa dinamidaming tala sa langit ikaw ang napili ko" "corny be" Stray Kids Lee Know (Lee Minho) fanfiction Epistolary x narration Date Started: Feb. 3, 2023 Date Ended: xxxxxx